Thursday, February 21, 2008

Crush: Lovestruck entry


Love is patient, love is kind.
It does not envy, it does not boast,
it is not proud.
It is not rude, it is not self-seeking.
It is not easily angered,
it keeps no record of wrongs.
Love does not delight in evil,
but rejoices with the truth.
It always protects, always trusts,
always hopes, always perseveres.
Love never fails.

~I Corinthians 13:4-8~

Unang kita ko pa lang sa kanya, alam ko magiging akin siya. Syempre hanggang pangarap lang yun. hindi nya ako mapapansin, dahil isa lamang akong hamak na simpleng estudyante at siya, isa siya sa mga pansinin na mga estudyante sa school namin at madaming nagkaka-crush sa kanya. Swerte ko na lang kung mapansin nya ako at jackpot kung magkakakilala kami. Madaming beses ko na ipinapanalangin na sana mapansin nya ako. Ngunit hindi ata ako naririnig. Hindi ata ako malakas sa kanya. Buti na lang kaibigan nya ang pinsan ko, kaya masaya na rin ako kasi nakikita ko yung maamo nyang mukha sa malapitan pag tinatawag ako ng pinsan ko.


picture nya nung highschool, wag na yung akin. haha

Lumipas ang araw, buwan at taon. Ga-graduate na ako pero hindi nya pa rin ako nakikilala. Maiiwan ko na siya, hindi ko na makikita ang mukha nya at ang mga ngiti nya araw-araw, wala na akong inspirasyon pag nag-college na ako. Hindi man lang nya ako nakilala, hindi man lang kami naging magkaibigan.

Nagcollege na ako, madami ako nakilala. Nakalimutan ko na din siya. Maraming nangyari. Naging masaya ako, nagmahal ako, umiyak at nasaktan. Siguro cycle lang talaga ang love. Kelangan mong masaktan para matututo ka magmahal.

Dumating ang point na sobrang sakit na ng nararamdaman ko, sobrang hirap na hirap na ako, wala akong ginawa araw araw kundi umiyak. At dun dumating ang crush ko sa buhay ko. Kasalukuyan na uuwi na ako galing sa SM Bacoor ng may makasalubong ako na isang lalaki, pinansin ko siya not knowing na yun pala ang crush ko, at wag ka pinansin din nya ako.

Buti na lang may uso na ang friendster, minessage ko siya sa friendster at yun nagreply naman siya, at sa huling message nya hinihingi nya number ko. Binigay ko. At dun nagsimula na ang aming pagkakaibigan. Di ko akalain na magiging close kami. Ang tagal ko nang pangarap na makilala siya. Sobrang saya ko.

Maraming buwan ang lumipas, maraming nangyari. Nagseselos na siya sa mga ibang lalaki. Dumating ang point na hindi na siya nagtetext. Mahal na daw nya ako at bakit daw ang manhid ko. Hindi ako nagsalita. Wala akong reaksyon. Di ko akalain na mangyayari tong sitwasyon na ito. Mahal nya na ako, pero ako, naguguluhan pa ako, hindi ko pa alam ang nararamdaman ko para sa kanya.

Hanggang sa alam ko na mahal ko rin pala siya, kaya June 16, 2007 sinagot ko na siya at naging kami na. legal kami both sides. Mahigpit si nanay pero sanay na kami e. Sobrang saya ko rin nung ipinakilala nya ako sa family nya especially to his parents at swerte kasi nagustuhan nila ako. Ang bait nila sobra, ang cool pa ng tatay nya kasi ang daming kwento. Malapit na umuwi si tatay ko, can’t wait na ipakilala ko si dhie sa kanya. Masaya ako kasi ngayon ko lang ulit ito naramdaman.

Marami kaming mga pangarap, pangarap naming magpakasal sa may simbahan ng school namin, pangarap namin magkaroon ng pamilya, maayos at masaya na buhay. marami mga problema at mga pangyayaring nagpapagulo sa relasyon namin pero kinakaya namin kasi alam ko depende sa aming dalawa kung gusto namin talaga mag-last ang love namin.


first picture naming dalawa. mga haggard.

Ngayon 8 months na kami and still counting. Naiimagine ko dati nakatinggin lang ako sa kanya at masaya na ako na makita ko siya dahil super crush ko siya. Na akala ko hanggang pangarap lang ang maging akin siya, pero ngayon eto, katabi ko na ang taong nagpapasaya sakin dati, ngayon at habang buhay. Alam ko kaya namin to, kakayanin naming dahil mahal namin ang isa’t isa. Napangiti na lang ako kasi ang lakas ko pala kay God, hindi nya muna binigay ang hiling ko dahil alam nya kung kelan ang tamang panahon. At ito na ang tamang panahon para sakin at sa amin. Kaya iingatan ko tong relasyon na to dahil alam ko panghabang buhay na kami magkakasama.

Paalala: pwedeng magkatotoo ang mga pangarap basta maniwala lang kayo.

ate noemi - lovestruck contest

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

39 comments:

cedeux said...

nakow! inlove lola ko! ahahah
wag k nya lolokohin papaharang natin ang buong tanza! hehe

enjoy lng kau at make sure every moment counts. am hapy for u kabayan!

invited ako sa alam mo na ha! hehehe

Ambo said...

Inlove ka talaga Mia. Hay love kelan ka darating sa buhay ko hahaha. hanap mo nga ako Mia. me kapatid ka pa ba? nyahahaha. Pssst tropang bakal nang boto ko wag kalimutan hahaha. Nangampanya hanggang dito hahaha. Tropang bakal welcome nyo ko! Inuman na! hahaha

WEirDo said...

You're pretty! Your BF is one lucky guy!
May God grant your future plans.

FerBert said...

mushy mushy buti di cheesy.. :D

Meryl said...

Aww. So inlab. Hahaha. :)

KLITORIKA said...

neng love story talaga? hehehe congrats at take care always! Apir!

gyk said...

ang sweet naman talaga. hihihi. ang ganda mo nga talaga ate. so pretty

joice said...

hangsweet nman oh.kasura. hehe:) goodluck lapit na kayo mag one year..

Cindaaay said...

ay grabe ang haba. pero ang sweet. at totoo un. ibbigay ni God ung pinagppray mo sa tamang panahon. :) ang cute nio tlaga grabe =D

reyna elena said...

nain-love ako sa kwento mo! hehehe! sa bacoor ka kamo? napunta ako dyan kasi pangkin kong isa eh tiga dyan sa bacoor.

mia, kelan ba ang balak nyong kasal, malay mo, baka mag-chip-in chip-in kami nang panregalo para seyo at first time nameng gagawin sa blogworld at ibabalandra ko sa reyna elena hehehe!

di ga exciting? hehehe

basta ang usapan, bibigyan mo akon nang isang bakal na kebigan mo hehehe

ignoramous said...

Kasweet... Kasarap ng Ulam!!! hehehe... Galing mia.. Goodluck satin!!! hehehehe

Dakilang Tambay said...

@ ced - hehehe.. papalapa natin sa mga aso mo jan.. haha.. matagal pa ung kasal.. hahahaha.. nku wala pa sa isip ko un.. enjoy lang..

@ambo - naku, meron ako kapatid pero.. tsk tsk.. bsta un na.. hahaha... magpainom ka.. may $100 ka o

@weirdo - thank you so much

@ ferbert -ang cheezy e si ced.. hahaha

@meryl - oo nga e.. :P

@klitorika - oo, tunay na love story yan.. hihi

@gyk - hihi.. salamat.. apir.. papaturo pa ako sau ng about sa domain ek ek.. hehe

@joice - hehehe.. oo nga e.. 4 months to go..

@cindy - mukhang mahaba lang yn.. hihi.. cute ba namin?? hihi.. salamat.. mwah

@reyna - ah talga? malapit na kami dun, mga 15-20 mins drive na lang.. hehehe.. nku, matagal pa ang kasal, pero ung regalo ah.. hahaha.. mayayaman na naman kayo.. hehe.. pede na house and lot sa paso.. hahaha!cge pag may single and available.. bibigyan kita..wahahaha

@igno - busog na ba pag binasa? hahaha.. apir! gudluck satin.. tapos ka na sa entry m?

Posh Probinsyana said...

Nakaktuwa naman yung story nyo! ang galing talaga ng friendster! kase yung mga crush ko nung bata pa ako, nakikita ko dahil sa friendster! hahaha!

Sana matupad din yung pangarap ko. :D

Ayiene said...

Aww. Sweet. Akalain mong crush mo lang siya dati tapos ngayon, kayo na. Tadhana. Destiny. Kismet. Ayy! Saya!

Sana ganyan din kami ni Elizer, yung crush ko. Masaya nun, alam niyang crush ko siya at wala pa rin nagbabago sa friendship namin. HAHA. Kaso marami kaming may crush siya kanya. Actually may fans club nga siya sa school eh. VP nga ako eh! HAHA.

Pretty mo talaga Ate!

kingdaddyrich said...

hay nako, parehos tayo ng first sentence

Dakilang Tambay said...

@posh - sympre matutupad ung pangarap mo.. hihi.. maniwala ka lang..

@ayiene - naku malay mo maging kau in the near future.. d mo rin masasabi ang tadhana.. hihi..

@kingdaddyrich - relihiyosang tao kasi ako, at favorite movie ko ang a walk to remember, kaya favorite ko yang verse na yan.. haha

apple :) said...

omg! wow as in w-o-w! haha. exagge. ang ganda na dito ha. i mean, much much better than before coz mas madaling mabasa mga entries mo. good job irish! dakila ka talaga.

awwww... nakakainggit naman yung picture nio with your special someone. tama ba ako? hehe. you look so good together :)

oh btw, thanks for the comment ha? naappreciate ko. ex comments naman tayo this time ok? hehe.

till here! mwahhh :p

apple :) said...

i mean, yung header ang ganda.

shoccks. akala ko nagpalit ka ng layout mo. hindi nag appear nung 1st na papunta ko here kanina lang. soorryy :p

rino said...

Nag comment na ako kanina dito a baket hindi lumabas??? Anyway, subukan ko ulit. Parang pang Magpakaylan Man o Maalala Mo Kaya ang love story mo. Galing!

Bulaang Katotohanan said...

eeeew. . . so senti! joke! hahaha!
kakaloka!

pinkheart said...

waw.. ganda naman. i like the way u write d2 sa blog m. so natural. pra lng nkiki chikKa hehehe gud luck pla sa inu! keep the love burning! :)

pinkheart said...

"Paalala: pwedeng magkatotoo ang mga pangarap basta maniwala lang kayo."


agree akO dyan! apir! akin din ganyan nuOn eh. i never thought that we ended up together.. hehehe

karmi said...

ayihhhii.. mula sa pagiging crush, naging kayo na talaga.. saya ng feeling na un.. ^_^

galing talaga ng friendster noh!! :D

malapit na kau mag-1 yr.. ^_^ congrats...

goodluk ganda.. :D

dyosa said...

Mabuhay ang Friendster!

Hay totoo ang sinabi mo, matutupad ang mga pangarap basta maniwala lang. sabi nga, the universe conspires to give you what you want and deserve.

haylab your post. :-)

*giddiness*

superym said...

ang kyut. kyut.
same story kayo ng friend ko!>

Kotsengkuba said...

sya rin ba 'yung crush mo nung highschool? sa sobrang pagka-in loved mo di ko nakita kung sya nga yung sa high-school. hahaha :D

krishax said...

AWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWW

OMG, ang sweet ng love story niyo. Parang ang dami na ng nangyari, pero look naging kayo parin.

Nakaka inspire hehe, stay in love.
PROMISE na touch akech haha.

Ivan said...

Sorry. Look please here

iceyelo said...

Hay. yang love na yan. no comment. hehehe

wanderingcommuter said...

true love...naks...kahit ilang beses ko ng binasa ito. kinikilig pa rin ako. hahaha!

Anonymous said...

hello! nagba-browse lang ako ng mga blogs nung nakita ko itong sa'yo. natuwa naman ako kasi cute yung layout, musical background, tska sympre ang contents. naalala ko sa entry mo na 'to yung aking one true love. gnun din ung story namin. pangarap ko lang sya dati. grade 2 pa lang ako eh na-inlove na ko sa kanya. hehe! college na ko nung naging kami. nagtagal din kami ng almost 5 yrs. pero ewan ko ba. the lone line broke ika nga. wish ko lang na baka mabalik pa sa dati. nasa paligid lang din naman sya. di rin cgro namin kayang i-let go ang isa't-isa. iba talaga pag may foundation. anyway, nice post! sapul ako. hehe!

jamie said...

hello ate! naku.. kinilig naman ako sa story nyo.. haha!
grabe.. ha? iniimagine ko yung nangyari sa inyo.lol.. from ultimate crush.. tapos, ayun! kayo na. hehe.. ilang taon tanda mo sa kanya ate? :) go.. sana magtagal pa kayo. hehe.. supportahan. lol.

>>jamie

Misha said...

congrats ulit girl!!!

Etavasi said...

Wow look romatic :)

Etavasi with
Share Something 2 You

Anonymous said...

u look great together...hehehe...ganda nman pla ng love story mo..nkkrel8 ako sa first pro yung last part hindi nah kc hindi nangyari sa akin yun eh...hanggang pangarap na lng cguro me...for my eyes only na lng talga!

BryanPS said...

Mabuhay mga dakilang tambay!!!

Anonymous said...

Hey! My name is Kyle Rico . easy loans

Anonymous said...

Guten Tag! Joseph Drysdale . payday loans

Anonymous said...

toronto bad credit loans This website is optimal I appreciated it quite a lot
AAA Toronto Payday Loans 1172 Bay St #101, Toronto, ON M5S 2B4 (416) 477-2817