Friday, February 15, 2008

valentines day with dhie


pag-gising ko kanina, parang ordinaryong araw lang. naghilamos, nagtoothbrush at kumain ng almusal at naligo, tapos syempre adik, nagcomputer ako at nag-online. maya-maya, may kumatok sa aming tahanan, aba ang boyfriend/dhie ko pala iyon. nagulat ako, pero syempre galit, deadma lang ako. sabi nya papasok lang daw nya sa garahe ang kotse nya. mamaya, may dalang bouquet of roses ang dhie. nagulat ako pero hindi ko pinahalata, kasi nga galit ako. haha. pakipot effect pa. haha. valentines nga pala ngayon. haha. alam ko naasar na siya, kaya tinigil ko na ang pagco-computer ko at nanood na lang ng tv. hehe.



ayan yung bouquet of roses. hihi. thank you dhie.


at eto si dhie at ako. ang panget naming dalawa. haha.


ayun, kaya pala nagalit ang loko ay dahil gusto sumama sa bonding namin ng tropang metal, bakit daw hindi ko siya niyaya. haha. kaya pala ganun na lang reaksyon nya. hehe. at may suprise pala dapat siya sakin. ito ay MAGPI-PICNIC KAMI SA TAGAYTAY. e mukha daw wala akong kabalak-balak umalis kaya hindi na kami tumuloy. akalain mo, nageffort talaga siya para sakin. ang sweet. hehe. bati na kami. at ayun umalis kami at bumili ng paborito naming pagkain, LAY'S hehe. tapos punta na kami sa Saint Augustine School (SAS) dahil foundation day at coronation night ngayon. syempre madaming may dala ng bouquet at hindi ako kasali dun dahil iniwan ko sa bahay ung bouquet. hehe. ayun, sa lakas ng trip ko binilang ko lahat ng may mga dalang bouquet, ang dami e, di ko na rin tinapos bilangin

wala akong masyadong nakitang kabatch ko at kakilala, kaunti lang, siguro nakipagdate. haha. at nagulat ako, may nakita ako, c ALCHIE, siya yung dahilan at muntik na kaming magbreak ni dhie, e wala pa kaming one week nun. haha. share ko lang naman. ayun, tinanong nya ako kung boyfriend ko kasama ko, sabi ko "oo" kasi yun ang totoo, alam mo namang magpacute pa ako, ayun papansin ang loko, oo, gwapo ka na, pero ang puso ko si dhie lang ang laman. haha. *lupit* um, okay, past is past. let's move on.

masaya ang valentines day basta kasama ang special someone mo. masaya kahit walang gastos. basta quality time at enjoy lang sa buhay. hehe.

ikaw? ano ginawa mo ngayong araw na ito?


P.S.

ikaw dhie, alam ko binabasa mo ang mga blog entry ko, ahaha. salamat sa bouquet and salamat sa pagdating mo sa buhay ko. malandi man ako, yung puso ko sayong sayo lang. yihee, kinikilig. malandi ka dhie. iloveyou mwah!

30 comments:

joaquin burdado ng bulaklak said...

di kayo bagay mia... mas bagay tayo!!!

Malabei said...

I first visited your blog, but my antispyware said that he is infected with an unknown virus.
I deleted the virus through this AntiSpyWare.
The virus does not manifest itself but gradually destroys information on the computer.

Anino said...

Sweet!

Mariano said...

Paboritong pose mo talaga yang ganyan Mia. Pati yung nasa gilid eh yan ang nakalagay.

Tsk tsk tsk... kaswitan, nakakaumay.

Si Joaquin Bordado na lang sana...

cedeux said...

kabayan! sweet! hehehe..
uuwi na ko maya! weeehhh!

dyosa said...

huwaw! ang ganda ng mga roses. ang sweet naman.

Posh Probinsyana said...

yiheee. ang sweet naman ni boyfriend. heehee. :)

Belated happy valentine's day! :)

lyza said...

swerte mo :D haha

wanderingcommuter said...

maghihiwalay din kayo. hahahaha. joke lang. bitter eh. hahaha!

seryoso na ito, you look like a perfect couple. seriously....yihee!!!

Noime said...

namiss ko tuloy labidabs ko. amp. haha. :)


ang sweet naman ni kuya. hahaha. ;)

JP said...

wow naman kakaweewee naman.

makapaglandi na nga rin...

FerBert said...

tsktsktsk...Malandi man ako pero chuk chak ek ek eklavu cheverlee cheverloo churva(swet).. ANG LANDI MO!!! joke hahahahaha....

Holy Kamote said...

hindi mo man lang pinakuha sa mommy mo yung piktyur. hahaha. natabunan na ng shadow ng kamay mo yung face ni dhie.

idealpinkrose said...

hi, thanks for visiting korean food. care for link-ex? you have a great blog!

Joice said...

woohoo. ang balentayms nga naman. kasura. hehe :)

superym said...

sweet.
ganda ng boquet.
know what it's the thought that really counts.

itot54joni said...

makikiboto po.Social Climbing Logo Contest by Reyna Elena.salamat po!

kayciies said...

bwahhahaha natawa ako doon sa last part ng entry mo..

malandi ka man? :P

naalala ko asaran namin ng bebe ko.. ganyan din kami, tawag ko sa kanya minsan panget :P

itot54joni said...

yep kasali ako.iboto mo ako.kapag ako nanalo ng 1st prize e sagot ko na dot com ng blog mo.1 year yun.domain name.

Doushura said...

For a more complete comments, I would advise you to be more detailed information, for example
here or here

your doze of twinkletoe said...

tweet tweet naman... hahay.. hehehe.. kakakilig! at bilangin ba ang mga may dalang flowers! hanep ka girl! hehehe

Ivan said...

See here

reyna elena said...

wala akong ginawa sa araw na to kundi nag emote nang nag-emote at nag laro nang spirit of the glass hmpt!!!!

hoy! verditas ako sa inggit ha?! sya pala ang kinahuhumalingan mo. hehehe!!!

ang ganda mo ever!

reyna elena said...

HOY! BABAE! hehehe! ang ganda nang music mo! na-alala ko si jojitah.com dun ko narinig ang music na to! hahaha!!!

Cindy said...

yiheee! ang cute ng ps. kinikilig ako. hahah. at ang cute nio dlwa :)

Ayiene said...

Sweet. HAHA. :)

Ang pretty mo talaga ate! :D Idol!

kingdaddyrich said...

ha ha aha.. natawa ako kay joaquin bordado.. nakalimutan ko tuloy ikocomment ko.. ha hahhaa

Dakilang Tambay said...

@ joaquin - loko ka, nabasa ni boyps message mo.. hahaha!

@anino - salamat.

@mariano - ahahah.. mga loko talaga kayo..

@ced - kababayan!sweet ba!huhunting-in kita

@dyosa - salamat po

@posh - oo nga e and sweet ng loko.. first time ako binigyan ng bouquet

@lyza - swerte tlaga ako.. hihi

@wandering- loko ka ah.. hihi.. salamat po..

@noime - ganun.. uuwi ka na naman noi.. lapit na.. hihi

@jp - ahahahahahaha. napatawa mo ako ah..

Dakilang Tambay said...

@ferbert - tae ka, mas malandi ka noh..

@hk- hindi naman namin kasama si nanay e.. wahahahaha

@ideal - sureness

@joice - hehehe..

@ rym - hehe.. sweet nga e.. nanay ni boyfriend ang bumli ng rose =)

@ kay - hehehe.. ako nga tawag ko sa kanya baboy.. hihi

@twinkle - hahaha.. adik lang =)

@reyna - ahehhehe.. spirit of the glass? may napala ka ba naman? hihi..uu siya nga kinahuhumalingan ko.. gusto mo share tayo? hahaha.. =P joke lang..

@ cindy - naku matutuwa si boyfriend at sinabi mo na cute kaming dalawa.. hihi.. salamat

@ kingdaddy - nakupo.. ahahha..

mr_d said...

hello poh ate mia. ganda poh ng blog niyo poh. exchange links?

hehehehehe.