Thursday, February 28, 2008

mamimiss nyo kaya ako?

mamimiss nyo kaya ako pag nawala ako??

dahil busy-busyhan ang lola mo, kelangan ko ata muna magpahinga. ilang araw na akong walang tulog, at feeling ko insomniac na ata ako. pero wag naman sana, baka malaki pa ang eyebags ko kesa sa mata ko. tsk tsk. ang sagwa.

pero eto talaga ang tunay na dahilan, nalaman ko na infected na din pala ang aking laptop ng virus na galing sa psp ng magaling kong kapatid. so wala na akong gagamitin para magblog at makipagchikahan sa ym. nalulungkot ako sobra. pero alang magagawa. halos maloka na ako kung paano magreformat ng laptop. waaaaa.. d ko na alam gagawin ko.



hindi to hiatus, magrereformat lang ako ng laptop at gagala, dahil wala na akong social life, isa na akong loser. tsk tsk. pero babalik muli ako kasi di ko rin kayo kayang tiisin.

mamimiss ko kayo, sana mamiss nyo din ako.


PS:

SALAMAT SA MGA NAGCONGRATS AT DUMALAW SA TAMBAYAN KO, PATI NA DIN SA MGA NAG-TAG, MEME AT SA MGA GIFTS. GAGAWIN KO SIYA PAG BALIK KO :) LOVE YOU ALL.

20 comments:

Manager said...

Mia, merong meebo.com.

Sancho Delubyo said...

Ang kapal ng mukha mo, ako lang ang may karapatang maging loser!!!

Bumalik ka dito, di na irereformat yan, simpleng registry tweaks lang yan.

Pero di naman kita mapipigilan sa paggala mo.

Hala, sige layas! Ahaha.

twinkletoe said...

gie na nga sis...mamimiss na kita.. wehehe.. hoist may award me 4u,, grab mo pgbalik mo.. kung kelan man yon.. enjoy.. :] mwah!

my-so-called-Quest said...

like hello! di ka pa nagppaalam sakin MK! hmmp!

balik ka agad and seriously take a rest. gusto mo ba magmukang eyebags na may paa sa oathtaking mo? hehe

so enjoy your rest. i'll be gone for a while din! ingats

FerBert said...

awww.. kung kelan ako bumalik saka ka naman nawala.. tsktsktsk.. hehehehe

goodluck goodluck mia.. :D

Misha said...

Shucks really Mia?? Early vacation ba 'to?? haha.. balak ko din sana magpaalam muna.. inunahan mo ko. Pero sa totoo lang kahit hindi ako makapag-update minsan, binubuksan ko pa rin siya. Naging responsibility ko na siya e. :)

Hindi ko pa alam kung san ako magbbakasyon. Niyayaya ako ng mga amigas ko na gumala sa Baguio. Pero pag natuloy ang event ko sa Bora.. edi dun. :)

Mamimiss kita.. bumalik ka kagad mare. Wala ng magandang tatambay sa site ko e.. huhuhuuhuhuhu...

repah said...

oi gurl wlang loser.. panalo ang byuti mo.. kso nga lng tlga di maiwasan yang virus.. hehehe.. kya mo yan.. phinga ka muna.. byuti rest

Anonymous said...

alam kong babalik ka rin kaya hindi ako malulungkot. :D

.noime.

Posh Probinsyana said...

MIIAAA. Kakasimula pa lang ng ating friendship (hahaha). Mamimiss ko naman ang pag tambay mo sa site ko. tsssk. pero okay lang, basta bumalik ka kaagad ha? hehehe.

my-so-called-Quest said...

try ko nga tong pic na to. hahaha!
sayang di mo rin makikita! hiatusera ka e. hehehe

superym said...

balik ka agad.
huhuhu!

yeye said...

ate balik ka po hehehe
:)
magpakasarap lang sa buhay bago magtrabaho bilang ar-en hehehe

WEirDo said...

bakit mo naman tinatawag na loser ang mga walang social life?
ako wala ding social life eh but I don't consider myself as a loser. loner ako at masaya ako dun.
ok lang yan. masarap din minsan ang walang social life. pero hindi ka loser.
sige ingat lagi!

Jot-jot said...

hey....sa lasalle-umc yung hospital na yun..but i think the mask was bought in slh...my next entry was taken in slh...sa may church...

Cindaaay said...

aalis kna agad? ano ba! magrreformat lang eh kala mo nman kung san ppunta. saglit lang nman yan sis =D sige ka, mammiss moko. hahahah. jk lang. ay sha, kung ano man ang plano mo sa iyong buhay eh magiingat ka at wg mo klimutan na may mga frnds ka d2 sa blogger na handang.... tawanan ka. hahahhah jk lang ulet. handang dumamay syo. ito nman eh. mammiss ka ng mga fans mo.

sumali ka sa pinaytalk bago ka lumisan!!! hahahah

berlai said...

nalink na po kita. ai apir po. ako din aalis muna. HIATUS kunwari :(

wanderingcommuter said...

try mo lang magpamiss... tignan natin kung may babalik pa sa blog mo.hehehe.nanakot?1

Duran said...

This comment has been removed because it linked to malicious content. Learn more.

I Love Philippines! said...

Enjoy your inter-free days/moments but I do hope your laptop is all right soon. ^_^

icka said...

walang pinakamasaklap kundi ang ma-virusan ang pc. para kang naputulan ng kuryente at wala kang pambayad. :)

salamat sa pagbisita at pagkomento. apir! congrats din RN na tau!