Tuesday, February 5, 2008

para sayo

Ngayong Araw ng mga Puso, marami ang nag-iipon para pang-date ng mga magsing-irog, nag-papareserve sa mga fine dinning na restaurant at maraming nagpupunta sa motel para i-celebrate ang espesyal na araw to. Pero bakit kelangan pa gumastos, samantalang pede naman sa bahay na lang kayo o kumain sa mcdo mas tipid pa diba? Kelangan pa paghandaan. Siguro eto na kasi ang nakasanayan ng mga tao. Dati nga may Lovapalooza pa sa may Mall of Asia, syempre hindi ako nakapunta dahil wala naman ako kapartner nun, mukha naman akong tanga kung nakatingin lang ako sa mga nagkikiss dun, diba? Hahaha.


Wala lagi akong ka-date tuwing Araw ng mga Puso, actually buong buhay ko dito sa earth, wala akong kadate tuwing Araw ng mga Puso. Hindi kasi ako ligawin na bata, walang nanliligaw sakin. Bilang na bilang ng aking mga daliri kung ilan lang sila. Ewan ko kung nakakatakot ba ako, kung panget ba ako o kung tomboy ba ako at walang nanliligaw sakin dati? Hahaha. Nagkaroon nga ako ng boyfriend dati pero hindi naman umabot sa February 14, napakamalas, akala ko magkakadate na ako sa araw na ito, mali pala ako. Ok, past is past. Baka nababasa nya pa ito. Apir tayo kutong-lupa. Hahaha. Peace tayo.


Kayo may balak na ba kayo para sa darating na Araw ng mga Puso? Ako wala, hayaan ko nang magplano ang aking irog. Pero may tanong ako, kelangan ba laging lalaki ang magpaplano para sa darating na Araw ng mga Puso? Kinukulit nya kasi ako, ang sabi ko sa kanya gusto ko masuprise at dapat lalaki ang magpaplano nyan. Sabi ko nga sa kanya matulog na lang kami para walang gastos. Hahaha. Diba? Hahaha.


Bouquet of flowers. Pangarap ko makatanggap nun. Dahil sa totoo lang isang beses pa lang ako nabigyan ng bouquet at kelan pa yun, nung 2003. grabeng katagal na nun. Nakakatanggap naman ako ng flowers pero pa-isa isa lang. katulad ng binigay ng TROPANG METAL sakin nung 3rd year college ako, dahil muse nila ako, with chocolates and flowers pa yun. yun na ang huling beses na nakatanggap ako ng ganun. Pero syempre wala pa rin ako date nun. Dapat nga sumali na lang ako sa dating challenge dahil ang makakapartner ko dun ay ang Bestfriend ko na pogi. Hahaha. Sayang, sinasali pa naman nila ako. Hahaha. Ok lang pwede ko pa naman siya makadate kahit kelan. Haha. Joke lang. *jokes are half meant* hihi.

sila ang tropang metal at mahal ko sila



So anong balak ko ngayong Araw ng mga Puso? Actually wala. Come what may. Pag sinipag ako, gagala akong mag-isa at mag-kakape sa starbucks sa MOA, kung may plano man ang irog ko depende pa kung papayag ang aking Mother Superiora, at matutulog na lang at tatapusin ang araw na ito. Kayo? Anong balak nyo sa darating na Araw ng mga Puso? Tara tulog. Haha.

24 comments:

kingdaddyrich said...

para sa akin?

sweet naman.. salamat!

ignoramous said...

Wow.. napakabait pala ng tropang metal. Ilang kahong redhorse kaya ang naubos nila para magbigay ng chocolates at bulaklak imbis na ipambili ng alak? hahaha

XienahGirL said...

oh wow
madami magbobolutaryo
na makasama ka
:)

FerBert said...

balak ko sa 14 na isama ka sa lovapalooza.. ahahaha..

noime said...

ahaha. dadating din yun. DADATING DIN SIYA! ;)

loko yugn kutong lupa na yun ah. hehe. :D

Dakilang Tambay said...

@kingdadyrich - ahehehehe.. kaw ha..

Dakilang Tambay said...

@igno - hahahaha.. siguro isang linggo sila hindi nag-inom sa bluewave macapagal.. hihi.. para mabili nila ung chocolates, cakes at flowers.. haha

Dakilang Tambay said...

@xienah - hihi.. ayan na nga o, nangunguna si ferbert.. hihi

Dakilang Tambay said...

@ferbert-may lovapalooza pa ba?ahihihi

Dakilang Tambay said...

@noime -ahihii.. dumating n naman siya.. si irog ko.. hahahaha..

si kutong lupa.. batukan ko yun e.. hahaha

Holy Kamote said...

teka, ano bang gagawin ng gurls sa sangkaterbang flowers? inaamoy ba yun isa isa?

hindi ko man alam ang sagot dun, ang alam ko lang ay makakareceive ka this year ng flowers, chocolates, and more.

kung bakit ko alam, hindi ko alam. basta, naba-vibes ko lang. ahoohoy. n_n

Coldman said...

araw na pala ng mga puso.

tulog na lang ako. dyuk.

Happy valentines. Be happy!

FerBert said...

wala bang lovapalooza?
pwes gagawa ako ng lovapalooza para sayo...

weee.. magtututbrush ako nun.. hahahahaha =)

Dakilang Tambay said...

@HK-pinepreserve yun..hahaha..para may memories, tska iba ung feeling pag nabigyan ka ng flowers.. hihi..
at sana magdilang anghel ka. hahaha. para makatanggap ako ng flowers and everything..hihi..

@coldman - taratulog na lang..palipasin na lang ang araw ng mga puso.. hihi

@ferbert - hahaaha..ikaw ba ang may ari ng close up?hahaha.. parang first time mo lang mgtoothbrush ah?hahahah..apir!

Bulaang Katotohanan said...

tulog is the best....sshhhh!

karmi said...

haha. pangarap ko ring makatanggap ng flowers. :D babaw ng kaligayahan! hehe..

balentimes? malamang nasa harap lang ako ng PC! magcha-chat.. ^_^

super lugaw said...

hehehe...pwede mo ko ka date, may bayad nga lang...100/per hour...hahaha joke lang...ingats, daan lang...=)

Mec said...

number one plano ko....wag sumabay sa mga magde-date sa Valentines :D

Duroy said...

Gusto raw ni Kingdaddyrich tuta... hehehe

Plano ko sa Valentines... hmmm... mag-itim... hehehe

May Lovapalooza pa, pero, hindi na pinapublicize. Sa Feb. 12 meron. Actually, marami doon, mga single lang at doon naghahanap ng mga kapartner hehehe

BURAOT said...

o siya sya... ano gusto mong flavor, gumamela o calachuchi?

reyna elena said...

PSSST! dami palang tambay na boys dito! AYAN O sa litrato nakita kooo!! Me maibibigay ka ba dyan saken iha unika??? DALIII!!!!

Dakilang Tambay said...

@ bk - yes, tulog is the best.. apir!

@ karmi - hehehe.. ako nasa kama ko siguro ako, natutulog.. wahahaha.. nku bahala na si batman

@superlugaw - aba at may bayad ang date mo.. hihi.. sosyal..

@duroy - aba siguro ppunta ka sa lovafalooza noh? aminin.. haha

@buraot - hahaha.. pede sampaguita? hahaha

@ reyna elena - ahahahaha.. ganun? mamili ka na reyna elena.. hihi..

Jepoy said...

OOOwwwwwsssss.... buong buhay mo wala kang ka date???

Me tanong ako... kung ikaw makakatanggap ng bulaklak, ano gusto mo?

Dakilang Tambay said...

@jepoy - tuwing valentines wala pa ako nakakadate at hindi ako nakikipag date.. hehe.. hindi kasi ako ligawin na bata.. hahaha..

ako? pede tulips or rose.. haha