Thursday, February 21, 2008

RN na ako, finally…



Kasalukuyang kausap ko sa phone si dhie ng may magtext sa akin at nalaman ko ang balita na nakapasa daw ako sa Board Exam (NLE). Hindi ako makapaniwala. Bigla ko binuksan ang pc ko at ayaw pa makisama sobrang bagal nya talaga. Tapos ng makapunta ako sa site ng http://pinoybsn.blogspot.com hinanap ko ang name ko. Ayun, nakita ko. Nakalimang beses ko inulit tingnan ang pangalan ko. Nandun talaga siya. RN na ako. Tinatry ko pumunta sa http://inquirer.net para mas sure, kaso ayaw makapunta. Badtrip.



ayun ang pangalan ko o


Napaiyak si nanay, ninang sa balita. Ang boyfriend ko speechless sa phone. Hindi nagsasalita. Parang siya yung nakapasa. Haha. Tapos nag-ring ang phone naming, si tatay tumatawag, sinagot ko ang phone “hello” sabi ko. Napaiyak na ako tuloy, ayun nag-iyakan na kami sa bahay. Sobrang saya ko. Walang kapantay na kasiyahan ang nararamdaman ko.

Nalungkot ako dahil yung iba kong friends hindi nakapasa, alam ko nararamdaman nila, dahil naramdaman ko na din yan. Pero tuloy lang ang buhay. Ang motto ko nga TAKE AND TAKE UNTIL YOU PASS. Basta yun na yun. just believe kay LORD at sa abilities mo.

Salamat sa suporta at encouragement at naniwala na makakapasa ako. Salamat sa parents at family ko, sa mga friends ko, mga blog buddies ko, ang tropang blogosperyo. Sa inyong lahat.

Hindi ibig sabihin nito na mag hihiatus na ako. Nandito pa din si dakilang tambay. Dahil hindi pa ako magttrabaho. Pinag-iisipan ko kung mag nnclex na ako. Bahala na.

And lastly, THANK YOU LORD. BASTA SALAMAT SA LAHAT. SALAMAT SA PAGTUPAD SA PANGARAP KO.


Woooohooo.. RN na ako..

MIA IRISH BOBADILLA SORTIJAS R.N.


board exam results click here: inquirer.net

71 comments:

Julie Ann said...

Congratulations! :) Way to go!

Holy Kamote said...

wahohooy, nars mia ayrish!
alam kong marami ng nagsabi nito sayo, pero KONGRATS!!!

noemi said...

congrats!

FerBert said...

congrats Nars Mia..

Noime said...

Ayihie! padami na ng padami ang mga aReN sa blogosphere, yey! next na si Kuya FB tapos ako after 4 or 5 years. hehe. congratulations ate!

MsPinkBiik said...

congratulations!!!

karmi said...

congrats ulit mia-tot!!! :D

galing galing.. ^_^

Dakilang Tambay said...

@julie ann - thank you so much

@ hk - salamat.

@noime - salamat. hihi..madami nang nars sa blogosphere. ang saya

@ferbert - thank you RN MAN

@mspinkbiik - thank you

@karmi - salamat po. =)

your doze of twinkletoe said...

miss nars! yeey! congrats sa iyo.. sarap ng feeling ano? hehehe.. para ikaw matatae na maiihi haha.. ay ako lang pala ganun ang feeling..
basta congrats sayo! dakila ka talaga! lola! *wink

pinkheart said...

oist! congrats! :) *palakpakan*

cedeux said...

pag nagpatayo ako ng hospital may nars na ku! wooohooo!

Congrats! Inuman na! hehehe

reyna elena said...

Mia!

Bobadilla ka pala! Tiga Sorsogon ka ba? CONGRATS NGA PALA! HAHAHA!!!

Dakilang Tambay said...

@twinkletoe - salamat mare. grabe so happy talaga. hindi mo maexplain. :) salamat po.

@pinkheart - salamat po:)

@ced - waaaaaaaa.. papagawa ka ng hospital? sosyo tau! haha. kelangan board member ako. haha!

@reyna elena - yup bobadilla po ako. taga tanza cavite po kami talaga e. may kakilala ka na bobadilla po?

rukee said...

congrats! ayun pala pangalan mo. :D

reyna elena said...

Mga BOBADILLA sa Sorsogon mga PINSAN ko Mia. Baka, APO na kita! hahaha! HOY Miss RN, daan ka nga muna sa Vacklingham Palace at me regalo ako sayo! DALIII!!!

Mariano said...

Mia, kaylangan pa bang i-memorize yan!

LIBRE NA TO!!!

Nars, nars, nars!!! Nars Mia!!!!

jojitah said...

congratulations mia dear!!!! i lab nurses. nurse kasi ang luvydubbs ko.. yiheeee!

oi! pacanton ka naman diyan. ;)

Fjordan Allego said...

wow!! congrats sayo!!!! magaling magaling magaling!!!

http://hiraya.co.nr

pusa said...

cOnGrAtUlAtIoNs!!!!

Maru said...

kongratssssss! pakain ka namannnnnn! waaah! hehehe!

maraming salamat sa pagdalaw sa blogtsina ko.

manilenya said...

wow congrats..malapit ka ng maka ahon sa pagiging tambay :)

reyna elena said...

RED HORSE MELAI! RED HORSE! (Psst! me kapatid bang lalaki yang nasa piktyur? hehehe)

superym said...

yey! congrats dakilangtambayRN!:)
galing-gling naman.
sayo na ako papagamot ha.

Dakilang Tambay said...

@rukee - salamat po.. :)

@reyna elena - grabe natats ako sa regalo para sakin :) d ko expect. ang lakas ko sayo reyna. i lab yu na. hehe. mwah. ako pala ang nawawala mong apo. hihi

@mariano - inuman na toh.. hahaha!

Dakilang Tambay said...

@jojitah - salamat. masarap magmahal ang mga nurse :) hehe

@fjordan - hello. salamat po sa pagbati :)

@pusa - salamat po :)

@maru - salamat din po sa pagbati :)

@

Dakilang Tambay said...

@ manilenya - oo nga e. di ko nga alam kung dakilangtambay pa din tawag sakin e:) hahaha.. salamat sa pagbati.

@ reyna - sino lalaki? ung fafa ko? haha

@rym -hehehe.. salamat po sa pag bati :)

reyna elena said...

UU miss rn, si fafa! me bradir ba yan si fafa? hehehe!!!

itot54joni said...

BLOWOUT NMN JAN!RN NA E.Registered Nagbablogs!ayus!ahehehe

Kotsengkuba said...

congrachuleshunz.. hahaha, ang saya no. ngayon, wala ka nang karapatang tumambay. hahaha :D goodluck sa next exam, pahinga ka muna ng ilang bwan bago sumabak sa panibagong reviewhan :D

Ambo said...

AHOY! Buti ka pa RN na. Ako wala pa hahaha. Kongratsuleysons MIA! O lilipad na ba sa Amerika? Wag kang paloloko sa Gobyerno dito ha? Tinuruan hahahaha. Galing! Congrats! isang bagsak! dalawang bagsak! Madaming bagsak sa board exam wala pang 50% hahahahaha. Congrats!

ginabeloved said...

Congratulations!!!
Now you can start earning your million bucks. congrats and God bless your decisions. Congrats :)

Duroy said...

Wah, madadagdagan na naman ang Noursishing, Understanding, Responsible Sweethearts for Engineers... hehehe... Patay, iiwan mo na ang 'Pinas...

Anyway, congratulations sa iyo! :)

Aisha said...

uy, grabe nakakatuwa naman yan! congrats sis, im happy for youuu.
link-exchange?

bunso said...

wow!congrats!ang galing galing u! first step pa lang yan!tuloy lang! congrats!

lazarus said...

congratulations!

hopped in here.:)

Coldman said...

to God be the glory! congrats!
libre naman dyan!

siomai said...

waw! congrats po!

Abad said...

Congrats!!

joy said...

Congratulations! :-) So kelan ang celebration?

If you have any inclination to work in the UK, tune in to Usapang Pinoy tomorrow, coz one of my guests is a nurse. You might learn a few things from her.

Ingat,
joy
A Pinay in England
Your Love Coach
The Goddess In You
Norwich Daily Photo

jemimah said...

salamat sa pag-greet! congrats din sayo! RN NA! hehehe at shempre naman ang header my nakasulat ng RN. hihihi

Congrats sa atin! hehehe

mnel said...

congrats mia. ^_^ see you in the hospital soon. =P

gyk said...

wow! congrats talaga ate! ang galing2! hahaha. Sana ako rin sa year 2010. hahaha. congrats talaga!

Kath said...

napadaan..hehe

waah congrats.. sana ako din..
ohmigash.. 2months na lang XP

Antipatika said...

Congrats Gurl! =) link kita ha? :D

apple :) said...

OMG. OMG. O.M.G!!!

Congrats sayo Nurse Irish! Grabe, as in big big congratulations sayo! Ung nagcomment ka sakin, alam mo naba nun? bat di mo sinabi agad, eh di sana nagreet kita agad!

Hehe. anyways, congrats ulit ha? i'm soooo proud of you ni jems!!!

Posh Probinsyana said...

Congrats Mia!! Wuhooo! Galeeeeeng! :)

Cindaaay said...

OMG!!!
congrats! :]

joice said...

kohongrats!!! :) at ang ganda ng bagong header :)

Zang Caesar said...

congrats, ka-RN!

hannah said...

wow naman! congrats sayo! *huggles*
Naks, pag na hospitalize ako ikaw na lang nurse ko ah! Nyaha!

kayciies said...

congratulations!

hehe, at last sulit din lahat ng pinaghirapan mo sa pag aaral :)

nars ka na now :P

Merr said...

This comment has been removed because it linked to malicious content. Learn more.

-barefoot alchemist- said...

CONGRATS! welcome to the real RN world! and thats just the start of it all... still a loooongg way to go so gudluk! btw, gt sumting 4u sa site ko! (smiles)

rino said...

E di hindi ka tambay ngayon, pero dakila pa rin, dakilang nars na! Congrats!

mapi said...

congrats! :D

MarcRoger said...

Congrats po.. :)

jep said...

aba daming nag congrats na ha.. hehe.. go Gapuz tlga haha.. sa SM manila ka ba nagreview? what section?

dyosa said...

huwaw! congratulations! galing galing naman. :-)

Dakilang Tambay said...

salamat sa mga nagcongrats :) natats ako. :) salamat sa pagsuporta at sa prayers. apir!

chixstix said...

gurlaloo!!!

CONGRATS!!! pakain ka ha. hehehe

jep said...

hahaha section 4 ako.. di ba kau ung sa sinehan nag rereview? grabe, hirap nun ha..

yeye said...

sana ako din..congrats!

irish dawn o. oroceo R.N.
-isa't kalahating taon na lang hahahaha


at idagdag pa ang MAN. haha
libre naman mangarap diba ate hehehe

the menace said...

woo ang konti ng comments...=)
congrats.... ang ganda ng page!
very fresh ang dating.heheh

jep said...

hmmmm sino kaya un? medyo may mga kilala ako sa section namin pero name lang ndi naman nila ako kilala.. hehe.. i'm just wondering..

Raquel said...

Wow, congratulations! I'm happy for you.

ladyracer said...

congratulations! sana ako din pag nagtake ano ako this june :)

btw, i enjoyed visiting your blog.

Maria said...

congrats sau sis :)

NURSING BOARD EXAM RESULT NOVEMBER 2009 said...

Wishing you a Prosperous New Year!!!

Anonymous said...

Hi
[url=http://chihuahualovers.ning.com/profiles/blogs/shipping-low-cost-allegra]buy Allegra medication cod[/url]
[url=http://connect.independentamericans.com/profiles/blogs/shipped-cod-dilantin]purchase Dilantin with no prescription[/url]
[url=http://omfgg.com/profiles/blogs/uk-nizoral-generic]buy Nizoral in Greece[/url]
[url=http://www.coloradokidssports.com/profiles/blogs/find-buy-biaxin-online-without]buy online without a prescription Biaxin Biaxin[/url]
[url=http://www.day26online.com/profiles/blogs/alcohol-cod-naprosyn]buy Naprosyn in Finland[/url]
[url=http://www.dcsixshooter.com/profiles/blogs/clomid-purchase-online]Clomid suppliers[/url]
[url=http://www.factorxsite.com/profiles/blogs/buy-abilify-in-texas]buy Abilify in Montgomery[/url]
[url=http://www.filmsbyus.com/profiles/blogs/order-indinavir-in-mauricie]fedex Indinavir without priscription[/url]
[url=http://www.omfgg.com/profiles/blogs/order-calan-in-oakland-2]cheap Calan cod next day[/url]
[url=http://www.sadiesoul.com/profiles/blogs/purchase-valtrex-in-lincoln]generico cheap Valtrex[/url]
[url=http://www.successbychoiceonline.com/profiles/blogs/buy-generic-diclofenac-with]order Diclofenac in NY[/url]
[url=http://www.wfmtintroductions.com/profiles/blogs/online-prescription-dostinex]online Dostinex pharmacy cheap[/url]
[url=http://www.worldkidneyday.org/profiles/blogs/mevacor-no-prescription-next]buy Mevacor where[/url]

discount voucher said...

Congrats dude! Pa burger ka naman!

Anonymous said...

Ein Gutscheinzum Glückwunsch?! :-)