Saturday, March 1, 2008

dakilang tambay is back!


nagbabalik muli ang Dakilang Tambay...

ano ang dahilan? namiss ko kasi kayong lahat :) di ko kayo matiis. kaya pinareformat ko na lang yung laptop ko. kasi nga ganyan ko kayo ka-love :)

akala nyo naman 3 months ako mawawala (diba ferbert) hindi noh. as if matitiis ko ang hindi mag internet. para na akong mamamatay pag d ako nakahawak ng computer. haha.

ano ang ginawa ko nung nawala ako? naggala lang. nagpunta sa bahay ng tropa ko at nakikain ng pizza at nag-ayos ng gamit nya sa kwarto. *naging katulong ba? haha*

tapos pag-uwi ko galing sa bahay ng tropa ko, nakita ko si george. waaaa.. kilig ako :) highschool seatmate ko na uber pogi :) nasa tricycle ako nun at nakita ko siya, ayun tinawag ko. tinawag nya din ako. actually gusto ko bumaba ng tricycle para makausap siya. haha. malandi lang ako. nakatingin pa rin siya sa akin habang papalayo na yung tricycle. haha. it must be love. jokeness lang.

pag-uwi ko ng bahay kinabukasan, nag picture picture lang ako, wala e. picture addict lang. haha. ang taba ng pisnge ko.. kainis. hahaha. ayan igno yung picture ko. :) tapos reformat na ng laptop at inaayos ang site na pangalanan nating AYRISHA


ayan yung picture ko


sa mga tropang blogosperyo :) namiss ko talaga kayo. ako, namiss nyo ba ako?

54 comments:

Anonymous said...

ang ganda talaga ng ate ko. :)
namissssss kita ate! paramis!


.noime.

FerBert said...

miss na miss ka namin mia..

namiss ko ang kilig entries mo.. hahahaha

wow espesyal talaga ako.. espeisyal mensyon.. weee!

lica said...

cute yang george na yan ha! hehehe :)

cedeux said...

namiss? ew! hahahah
buti naman bumalik kna.
papalibre na kami sayo.
lapit na oathtaking e!
taga sa atin ba yan?
dagdag sa atin dalawa, it only proves lahi ng wafu at magaganda mga taga Tanza. haha

Endorse lng ako...
Kung gusto nyo malahian... punta kau sa Tanza! haha

mnel said...

alam mo kung anong tawag sa iyo mia? hehe...

sabay-sabaw...

ADIK!!!

i miss u too miakins ;)

Manager said...

pakisaksak nga ako, please lang...

sobrang namiss kita mia... :(

wala na kong kachokaran sa madaling morning.

huhuhu...

glad you're back!!!

kaso mamatay na ko sa sobrang ganda mo diyan sa picture.

-certified miaholic

Dakilang Tambay said...

noime, hahaha.. namiss kita :)

@ferbert - special mention ka pa.. san ka pa. hihi

@lica - cute tlaga si fafa george :)

@ced - nakita mo si george? taga brgy 4 siya e.. hahaha.. huhuntingin ko nga. haha.. oo tama si ced.. mganda ang lahi sa tanza

@mnel - nmiss din po kita.. ayos na ang laptop ko at ym ko.. yehey. goodluck nga po pala sa exam

@manager - umiiyak ka??hahahaha..

joice said...

naman! panu na si franco? hehe! ang tagal naman ng hiatus mo.. 2 days, hehe joke!

karmi said...

kagandahan talaga. =)

hahaha, talagang bababa para sa crushness? gawain ko din.. lol

welkam back mia-tot.. wag ka na aalis ulit.. hehe.. :D

Dakilang Tambay said...

@karmi - hahaha.. oo nga e.. kaso nahiya ako.. may ganung effect..

next tym taga dito lang naman un samin e.. hahaha

oo hindi na ako aalis:)

Dakilang Tambay said...

@joice.. naginarte lang ang laptop ko kasi.. ahaha.. biglaang hiatus kuno.. hhehehe..

nku sympre love ko si franco.. chos.. mabasa ni bf toh.. hahaha

FerBert said...

hahahaha.. natatawa ako kay juicy joice joy.. hahahaha.. ang tagal nga. 2 days.. hahaha.. apir mia!

Dakilang Tambay said...

sabi ko nga naginarte lang ang laptop ko.. haha..ayaw mo nun naspecial mention pa kita.. hahaha

jericho said...

welkam bak to the shining, shimmering splendid world of blogging. in fairness, cute nga si george. sana naging seatmate ko rin sya .. kahit sa bus man lang!

Dakilang Tambay said...

@ jericho - hahaha.. napatawa mo ako dun :) naku sobrang bait nyan :) hihi

KRIS JASPER said...

welcome back! ang tagal mong nawala... 2 days? LOL.

Dakilang Tambay said...

@kris jasper - oo nga e.. un na pinakamatagal kong pagkakawala,. !

cedeux said...

haha,taga jungle si george?
di pla mga taga brgy 4 lang mga may itsura specifically taga highway. hehe. juk!=]

Cindaaay said...

prang kahapon ka lang nagpaalam ha! nagbalik ka ulit? hahaha. anyways, welcome back mia! =D ang ganda mo! mana ko syo!

blogosperyo amp. hahahah
nanosebleed ako dun ah.

Dakilang Tambay said...

nyak... hahaha :) d naman taga jungle si george.. :)) hahaha

ay ganun? taga highway ba?? d rin e.. sa bayan madaming gwapo.. hahaha..

pero dahil MK kita papayag na din ako.. hahaha

Dakilang Tambay said...

@cindaaayy - salamat.. namiss kita.. 2 days blogleave lang.. hahaha.. hiatus kuno.. :)

oo naman maganda tau.,. :) maganda lahat ng tao sa blogosperyo..

hirap sabihin.. hahaha.. :)

yeye said...

hello din po ate mia hehehe

hmmm...di ka din nakatiis hahaha
pwede naman maginternet sa cafe. magastos lang

buti ka pa ayos na pc/laptop
kami ayos nga wala naman modem musta naman un??


hehehe

Dakilang Tambay said...

@yeye - hindi talaga ako makatiis. para akong mamamatay.. internet cafe?? naku wala ako pera pang internet cafe.. magagalit pa skin ang mamita ko.. hahaha..

nku bli ka na modem.. hihi.. apir!

XienahGirL said...

bed scene pala ito
kamon
haha

wag ka kasing aalis
wala naman nangiiwan e
:)

redlan said...

welcome back sa blogsphere! sino ba una na naghiatus sa inyo ni ferbert?

thanks pala sa comment. ito ako at nag-comment na rin.

ingatan ang kagandahan.

Dakilang Tambay said...

@xienah.. oo nga bedscene talaga.. next tym nakahiga na! huwaTTTT... hahaha.. bawal.. tweetums ang image ko.. hahaha..

hindi na ako aalis kasi ayaw ko kayo iwan :) loves ko kau e :P

@ redlan..your welcome po.. hihi. si ferbert ang nauna..hahaha..

salamat po sa comment! apir!

Posh Probinsyana said...

Ang gandang babae naman! hahaha! :)

Aba, syempre namiss kita noh! Ang saya, nagbalik ka na talaga. Wuhoo!

Misha said...

Yay! you're back. Kala ko mawawala ka ng matagal e.. buti na lang balik tambay ka ulit. haha..

ganda ng pic a. :) blooming e noh?? yihee..

Dakilang Tambay said...

@mareng misha - uu naman.. matitiis ko bang hindi kau makachikahan.. hehehe..

ang ganda mo rin kaya..

d ko pa napapanood ung commercial ni brother m

Tric said...

Pretty pic! :)

dorkzter said...

namiss kita ng sobra kahit ngayon lang ako nakapunta dito. :D

Dakilang Tambay said...

@tric - thank you! :)

@dorkzter - wow.natats naman ako dun :)

Meryl said...

Hello gorgeous! Ganda ng lola mo.

Pasensya na at hindi ko masabi kung namiss kita. Matagal akong hindi nakadalaw, hindi ko alam na nawala ka pala! Hehe. Welkam bak!

SWEETPEA said...

Maraming salamat sa walang sayang ka ka comment sa blog ko girl...Ingat palagi at balik ulit.

Coldman said...

may nakapagsabi na ba sayong photogenic ka?

Pwede kang gawan ng magandang porfolio! =)

Dakilang Tambay said...

@meryl - ok lang yun.. libre mo na lang ako sa mcdo tanza.. hahah :) salamat! mwah. miss you

@ sweetpea - yourwelcome po.. mwah! salamat po!

Dakilang Tambay said...

@coldman - ay pede? cge ba? hahaha.. salamat coldman! apir!

Dakilang Tambay said...

@ ishna - i miss you too.. :) tara greenhills

reyna elena said...

ako bumalik den kung meron ka nang bakal boys for me! hehehe! SIGURADUHIN MONG MERON! kundi TUTUNAWIN KITAAAA!! HAHAHAHA

Psst! sino si ferbert? hehehe!!!

Dakilang Tambay said...

@reyna elena - ahahaha.. kelan ba uwi mo dito sa pinas? kikitain mo ba kami nina ambo? si ambo na lang ang chorvahin mo. haha.. gwapo naman un.. wahahaha.

si ferbert??? ah c tangina-alien yan. alien yan lola.. ahahaha.. :)

kurisujae said...

hi!bago lang ako sa blogging and im happy na u visited me.hehe.

thanks a lot.
btw, ang cute mo pala... :)

Mariano said...

Puking-inang comment ko, hindi naman na-save. Sus. Napag-iwanan tuloy ako.

Nawala ka ba Mia? Parang hindi naman. Ayos na ako sa litrato mo eh. Pag namimiss kita eh tinitignan ko lang to.

Salamat nga pala sa pasalubong mong mas magandang litrato ha? Napasaya ako nun.

Tapos ayan ka nanaman, umalis ka nanaman. Kamusta naman ang Tagaytay?

gasti said...

wow! nurse ka na pala congrats! at na-virusan ang pc mo dahil sa psp..congrats ulit! buti naman naayos mo na at nakakapagblog ka na..mukhang good mood ka pa dahil refreshing ang pic mo...ahehe!

nga pala..malakas ang kutob ko babaero yang george na yan. hehe! (nanira pa. lols!)

superym said...

wilkam bak mia.
mama mia.
na tiga tanza.

weeeeeeeeee.:x

sa uli-uli scan muna ang laptop bago maginsert ng kung anik-anik.
muah.

superym said...

natawa ako.
oo magaganda lahi ng taga tanza.


NGA PALA, dati akong taga tanza.
hahaha.
maganda ako.

lol.
pareho tayo.

LAD said...

sa tagaytay kami, malapit lang sa tanza, mas pogi yata mga taga tagaytay eh. haha joke.

kamukha mo yung friend ko hehe. baka ikaw yun? haha. ikaw ba yan mimi haha

Holy Kamote said...

mukhang masarap ma-experience ang hiatusaurus na yan a. dagsa ang makaka-miss sa'yo.

miss mia irish, na miss ka ng blogosperyo! mwahahaha.

Dakilang Tambay said...

@kuri - salamat !!

@mariano - oo nga, hinahanap ko ung comment ko. tsk tsk.. parang poon ang picture ko ah.. wahahaha.. ang tagaytay?? masaya.. malamig tapos kasama mo si boyps. weee... :) hahaha

@gasti- salamat! hehe.. nku letseng virus yan e.. haha.. mukhang tama ang kutob mo.. haha., apir.. pogi kasi e.

BURAOT said...

sya sya!! oo na! namiss din kita. hehehe!

twinkletoe said...

dandah naman :]
gie na nga namiss na kita.. la na c makulit eh.. hehehe.. welkam bak! mwah!

Neil said...

Wow! Parang Friendster lang ah! LOLZ. (*poses, faces his camera. CAMWHORE!)

Dakilang Tambay said...

superrym - aun oo apir tayo, magaganda ang lahi ng taga tanza, tara punta na kau sa tanza! haha

lad - ahaha.. hindi ako c mimi. ako si mia.. hahaha

holy kamote - e mukhang naghiatus ka na din e.. tagal mo nang di nagpaparamdam. tampalin kita jan..

buraot - u missed me? hahaha!

twinkletoe -salamat po.. :)

neil - hahaha.. oo nga e, parang friendster lang :)

repah said...

wow gerl.. welkam back.. prang nagpafacial ka ata.. ang bongga mo pa rin..

Dakilang Tambay said...

@repah - hindi ako nagpafacial.. maganda lang ang ilaw sa kwarto ko.. haha