Saturday, March 29, 2008

Graduation


updated na rin pala ang co.cc ko, pakidalaw naman po at magcomment salamat!

April 11, 2007, PICC. Mag-oone year na pala akong graduate. At hanggang ngayon tambay pa din ako. Keri lang, pero minsan napapaisip na dapat ngayon nagttrabaho na ako at kumikita na. pero ganun talaga pag tamad.



grad pic ko! mukha lang ako eng-eng. la pa kasi akong tulog nyan

May balak naman akong magtrabaho., pero sa ngayon enjoy muna ang pagiging dakilang tambay. Magttrabaho din ako at pag meron na ako trabaho, mamimiss nyo din ako. Syempre assuming lang ng kaunti tingnan ko kung mamimiss nyo ako.

Graduation nga pala last Thursday ng utol ko. Hindi ako nakaattend ng graduation ng utol ko sa kadahilan na nag-away kami nung night before his graduation at binato lang naman nya ako ng dictionary. Diba ang sweet nya. Pero bati na kami kasi labs ko yung kapatid kong yun e kahit ganun un.

CAT Graduation nya. bati pa kami nitong time na to.

Naku magcocollege na siya at sosyalerong bata sa La Salle Dasmarinas ba naman siya magcocollege. Daig na naman ako. Kasi yung isa kong kapatid sa CEU naman at Dentistry ang kanyang course. Yung laki ng school ko nung college parang super liit nya lang pag tinabi sa mga school ng kapatid ko. Tsk tsk. Ok lang. graduate na naman ako. Sila hindi pa. belat.

Namiss ko tuloy yung graduation ko nung college. Namiss ko yung mga tropa ko, ang tropang metal, mga best buds ko, mga kalandian ko *haha* at si tooooot.. namiss ko kasama sila. Namiss ko yung mga kadramahan ko, namiss ko yung mga kalokohan ko at ang mga galang umaga na umuuwi, namiss ko ang bluewave, ang MOA at ang Baywalk. Namiss ko ang college life. Namimiss ko nang mag-aral at gusto ko ulit mag-aral.

Ggraduate na nga din pala si dhie. At magttrabaho na din siya. At akin lahat ng sweldo nya. Hahaha! At sana matupad lahat ng mga pangarap nya para maging successful siya at makagawa na kami ng pamilya. Joke lang. haha. Congrats dhie! I’m so proud of you. *kindat*



ubod ng taba ko nung highschool ako. haha

Ang daming ggraduate! Manlibre kayong lahat. Congratulations at sobrang proud si Ate Mia AKA dakilang tambay sa inyo! Apir!

25 comments:

Anonymous said...

wow. kabatch ko pala kapatid mo ate. hehehe. grabe. mas malaki pa siya sayo. haha. nako, wag mo na siya pahahawakin ng mga dictionary o kahit na anung libro. mamaya eh encyclopedia na ibato niya sayo. hehehe.

.noime.

Dakilang Tambay said...

oo nga e. napagiwanan na ako talga.. tsk tsk. at infairness masakit ung binato nya sakin noime.. hahaha! :)

Cindaaay said...

muahahahah ang cute mo miah grabe!
anu course ng kapatid mo?

kai said...

kala ko code lang yung "dakilang tambay" totoo pala na tambay ka muna ngayon. hehe. work will soon get on your way! enjoy naman yata ang tambay tambay muna eh.

Coldman said...

basta wag masyadong mahaba ang pagtatambay, baka mawili ka! hehehe

nene ka pa sa grad pic! =)

roerure said...

buti na lang mabait ka at hindi mo naisipang gumanti. haha.
wag ka na munang magtrabaho, give it one more year. ;)

manilenya said...

hindi ka mukhang eng eng nung grad mo ang cute mo nga e :)

Gerald Tipones said...

haha antagal ng pahinga mo ah.. baka tamarin ka lalo!! ahaha sabi sakin ni mama pag ako grumaduate, 1 month lang daw ako pahinga ! grabe nga eh,,

WEirDo said...

cute... noon hanggang ngayon! ahaha!

lunes / aleli said...

wow natawa ako dun ah.. gagawa ng PAMILYA!! wohoo... nice MIA..idol tlaga kita..iba ang pangarap mo..di ko kayang tapatan...

oi one year na rin akong tambay..ang saya kaya maging tambay..let's have this BUM Anniversary!! naku nakalimutan ko nga pala icelebrate ko ung BUM anniversary ko ng 20..ahaha..

oi oi..wala lang..masaya lang magcomment ng mahaba!!ahaha..daldalera1!

MirrahGanda said...

wow! tambay na tambay ang dating.. hehehe :) congrats naman! yung aking achi last year din naggraduate.. kaalis lang nya for UK last month. ayus nga eh cum laulau kase yun sa ust. hahaha. ayus ayus :+j

Meryl said...

Naku, pasensya na. I miss you, too!

Oy, ang ganda ng grad pic ah. :)

superym said...

ai, st. agustine?
hihihi.

susyal ng grad pic.

Anonymous said...

sana binato mo ng dyaryo. tsktsk.


.noime.

jep said...

wala pa work.. wala pang license eh.. choosy ung ibang hospital kelangan ng copy ng license.. hirap din makapag-apply kasi dami taung nurse.. call center muna haha (loser) haha...

reyna elena said...

hehehe! ano ginawa mo? binato mo nang bookcase? hahaha!!

kami uber dysfunctional. binabato ako nang gagong utol ko nang kutsilyo.

uy! natapos ko na yung project kong video! tingnan mo naman ang kagandahan ko! maiinggit ka! ang ganda ko ever!!!!

Becca said...

Aww.. cute pics, ate! =)

Sherica said...

Aww graduate ka na pala ate ng nursing, hehehe ^^ naku pag ako cguro nag graduate gusto ko agad mag trabaho para may money na ako agad hahaha. ang ewan hahaha. ^^ Congrats sa kapatid mo/

mnel said...

naloka ako sa post mo mia. hahaha.

gusto mo mag-aral ulit? tara. palit tayo. =D

Abou said...

ako nga tambay rin... pero rumaraket na lang! mahirap ala pera.

mr_d said...

neneng na neneng ang dating mo sa grad pic mo mia hahaha.

Liz said...

don't worry.. you're still young. you have a bright future ahead of you. the right job will come.

dakilang tambay/maybahay din ako ngayon. more than a year na .. :-p

Kotsengkuba said...

yeehee, graduationed ka na. lol! ayan miss RN nagbukas na ulit ang china sa blogspot kaya madadalas na ulit kita ng walang sumasalungat. congrats sa lahat ng dapat ipag-congrats. yey!!!

chroneicon said...

teka lang, hindi ka naman mataba nung hs ah, (insert flattering line here para hindi mabato ng diksiyonaryo). congrats sa bro mo!

jamie said...

ate, ang cute mo nung hs ka. :]