Wednesday, March 12, 2008

may social life na ako part 3

akalain nyo bang may part 3 pa ang aking sosyal (SOCIAL) life. haha. galaera na ako at parang travel blog na ang aking tambayan. haha.

one year death anniversary ng lola ko ngayon. grabe naaalala ko pa na napunta kami lagi sa makati med kasi dun nakaconfine ang lola ko halos one month ata siya dun. ang cool nga ng ICU dun e, paikot. haha. tapos yung pinsan ko nilalandi nya yung isang nurse dun at sa ngayon nakapanganak na yung nurse at may bago na naman siyang panganay. haha. tapos one year na rin kami unang nagkita ni dhie sa burol pa ng lola ko. hehe.

puyat ako at mukhang haggard nung pumunta ako sa bahay ng tito ko. inapi pa nga nila ako kasi daw para na daw akong matanda. sabi ko wala pa akong tulog kasi nag-gawa pa ako ng term paper ng kapatid ko at 4:30 am na ako nakatulog. kumusta naman yun, 6am ginising na ako ng nanay ko. hahaha.



painting ng pinsan ko from australia.. my lola and my ninang



nandun nga pala yung ninang ko from australia, ayun syempre bilang inaanak nya, binola ko ang ninang ko at ang galing kasi may gift siya sakin. isang necklace and earrings. simple lang siya pero sobra ko yun na-aappreciate, tapos sobrang proud pa sila sakin kasi RN na daw ako. papagawa pa nga daw sila ng banner, haha. patawa talaga yung mga yun.



simple but elegant

sumakit ang ulo ko pagkatapos manood ng cable sa tv nila na pagkalaki laki, pumunta na kaming LBC kasi may papadala ang ninang ko na package sa Quezon City (tamadera kasi pumunta dun) hahaha. tapos nagpagupit na kami. yes, tama ang nabasa nyo, nagpagupit na po ako. picture? sa susunod na lang na entry. haha.

nagpa-iwan na ako sa may bayan sa amin dahil gusto ko lang maging loner at magdrama. nagpunta ako sa MCDO tanza at dun bumili ng Coke float at tumambay dun. nandun si RISKOR (tropa ni dhie) pero sympre working hours kaya bawal akong inentertain. natuwa ako kay riskor kasi binigay nya sakin yung hat nya. haha. ayun mukha lang akong tanga kasi mag-isa lang ako. at nagpicture pa sa mcdo. haha.



wala ako magawa sa mcdo

mukha na akong haggard talaga, tingnan mo naman yung eyebags ko

nagpunta si dhie sa mcdo para sunduin ako kasi nag-away kuno kami. haha. ayun mukha lang siya tanga kakahanap sakin. d nya kasi ako makita. haha. pero ayun nakita nya din ako. kaasar. haha. tatakasan ko na dapat siya e. ang sama ko db?

after nun, dinala nya ako sa Rosario para makita ko yung fountain dun. ang cool nga at ang ganda. panoorin nyo yung video :)



iba't ibang klase ng tao ang nandun. meron magboyfriend, tropa, family etc. inaabangan ko na nga yung play sa teatro e (dati kasi ako member ng teatro). ang title ng play nila ay JESUS CHRIST SUPERSTAR. dapat mapanood ko un. :)

PS.
> ung mga may tag sakin. nasa isa kong blog yun.
http://dakilangtambay.co.cc welcome din kayo din! inuunti unti ko na gawin. medyo di na busy ang lola nyo ngayon.

> namimiss ko na si noime, misha, holy kamote bianca at iba pang nag-hiatus sana bumalik na sila. (nawala na lang bigla ung blog ni sissy misha, siguro may nag-hack. naku kayong mga hackers talaga)..

> iniisip ko magwowork na ba ako or hindi muna at magrereview for nclex? ano sa tinggin nyo? haha..

23 comments:

manager said...

sinong gumupit sa buhok ni mia??

sinong gumupit sa buhok ni mia??

Isauli niyo ang buhok ni mia!

Isauli niyo!!!

churvah said...

aba..tinamo nga nman!
at may part 3 pa..ibang level ang sosyal life mo, girl...hehehe!

panay ang lakwatsa ah..
at tlang kelangan sa Mcdo nag momoment?

Ishna Probinsyana said...

oha, oha! may part 3 na. im waitng for part 4 naaa. lol

i agree, simple but elegant yung gift sayo ng ninang mo. and tama lang naman na proud sila sayo. aba, RN na yata si Mia! :) Kung ako nga na friend mo lang dito sa cyberworld, proud sayo, yung family mo pa kaya, diba? :P

grabe noh, nahack talaga yung mga accounts ni misha? tsk. nakakmiss tuloy. and pati si biamca, miss ko na rin. haaaay. sana nga bumalik na sila!

PoPoY said...

hi mia :)
abay part 3 na akalain mo yun? :)
naku, ganda ng fountain san ba yan?
if kaya mo na magexam eh di why not makunat di ba??

gudlak if ipagpapatuloy mo ang exam ngayon :)

Cindaaay said...

ano baaa mia? bt hndi moko miss? huhuhu. LOL.

bolera ka pala eh. dapat un nalang name ng blog mo. bolera.blogspot. miahahah. actually wag nlng kc parang gusto ko nun for me. LOL.

RN kna nga pla! kelang lipad mo? san ka lilipad? australia? states? canaduh? AAMPUNIN KITA! bsta ipagshopping mko. niahahah.

Dakilang Tambay said...

@manager - ung dating naggugupit sakin.. haha.. kung isasauli ba ung buhok mo kya mo ikabit? hahaha

@churvah - sympre! sarap maglakwatsa! hahaha.. malapit na kasi ako magwork ewan ko! haha.. ang gulo.. favorite ko kasi c mcdo! hahaha.. kya dapat dun magmoment! hahaha

@ishna - thank you ishna! grabe miss ko na nga ung lahat ng nagblog leave! :( sana bumalik na sila

Dakilang Tambay said...

@popoy - sa rosario, cavite toh.. hehehe.. ganda nya talga sobra.. kakaamaze.. hihihi.. part 4? siguro meron pa.. haha.. sana! at sana may pang bayad ako sa exam! hahaha

@ cindy - sympre namiss kita.. bolera? pede din.. hahaha.. mga taga cavite kasi may pagkabolera.. hahaha. juk lang.. baka mga after 2 years ang lipad ko, shopping? hahaha.. pag yumaman ako! bsta ampunin mo ako.. hehehe..

yeye said...

galing

hehehe

buti ka pa ate hehehe

ok lang na may eyebags maganda ka padin..kras pdin kita ayiiiii hahahaha

lapit n hellweek namin

mahal ko na talaga si brunner at suddarth

hehe
kelan kaya ako makakagala.
hmmm

BURAOT said...

miatots... sosi na nga itong tambayan mo.. parang travel blog na. heheh..

kung ako ikaw.. kuha na kaw ng nclex.. para mapasyalan mo na ko dito at ikaw na manlilibre sa kin sa mga sosyalan..

sempre.. mayayaman nars dito no.

Dumuro said...

This comment has been removed because it linked to malicious content. Learn more.

Coldman said...

tignan mo nga naman, lakwatsera ka na rin pala ngayon?!

Pagbutihin natin! lol

Abou said...

kelan kaya ako makaka lakwatsa din? hay...

*envy*

janelleregina said...

Naiinggit ako sa mga lakwatsa places mo. Ang sayaaaaa. Hay nako. Ako naman na-iinggit ngayon. =)))

Ayaw mo ba mag-work na? Haha para may maipon ka na tapos chaka ka mag-review.. or nottttt. Ewan ko. Naisip ko lang.

Haha sorry pakielamera =)))

jamie said...

buti kapa ate.. may social life. ako. social lang.. walang life. lol.

nick said...

Hi I'm nick from pinoydreamer.com, I'm currently running a contest right now wherein you can win as much as 5000 ec plus a 2-month 125x125 advert spot in my sidebar. the requirements are very easy to meet..

I hope you can join..

here is the URL of the contest

http://pinoydreamer.com/the-easy-pd-contest-win-as-much-as-5000-ec-plus-bonus/2008/03/11/

lica said...

coke float is love. parang nagiging tubig ko na siya this past few weeks heheh

i say, magvolunteer ka while reviewing. atleast pagvolunteer, di ka pressured na magduty everyday while at the same time, you gain 1st hand experience while reviewing din kasi mas makakarelate ka sa nirereview if may experience ka. dava? hehe :)

kurisujae said...

hanep super sosi life n ha.hehe.di k n nman nag-aya.

re ur question.tingin ko pede k nman mag-work at the same time e mag review. ung sister ko kasi RN din cya.habang nghahanap cya ng work e ng rereview cya and now n ngwowork n cya,every day-off ng review parin.medyo mahirap dw at toxic.pero im sure it will pay off.

gudluck sa job hunting at reviewing!!!

miranda said...

wow angas naman ng blog mo. patambay nga sa tambayan ng dakilang tambay. putek kelan kaya sisikay ung blog ko kagay nito. hahahaha

magtrabaho ka na.. for experience

Joy said...

Nice going! Love the necklace and earrings.

It's great to have a life - whether social, love, or personal. It makes us feel fulfilled and happy! Keep going.

Thanks for visiting Your Love Coach and leaving your comments. Terribly sorry I've been busy decorating our new house and in the middle of packing, too. Once settled I shall be able to visit your blog more regularly. Have a great week ahead!


joy
A Pinay In England
I, Woman
Norwich Daily Photo

apple :) said...

ay, sosyalan naman yang social life mo. may part 3 pang nalalaman! akalain mo! hahaha. love you sis :D

at natawa na naman ako (as usual) sa blog entry mo na to lalo na yung magisa sa mcdo! whahaha.

ano na ulit yun..."ayun mukha lang akong tanga kasi mag-isa lang ako. at nagpicture pa sa mcdo. haha."-LAB talaga kita sis!

miss ko na din si sis misha natin :( hay, how can we help kaya? tsk. badtrip talaga yang mga hackers na yan! MGA LETSE sila! LOL.

apple :) said...

Reply: oo, kasama ka sa ten person kaya INOOBLIGA kitang gawin yang tag na yan, ok?? haha. labyu sis :D

yah, chn nurse sana, hopefully. dun ata talaga ang destiny ko eh... hay, excited na din akong maging RN like you.

yep, kasama ako sa choir. ayos ba? LOL. haha. natawa ulit ako sa saling pusa na hirit mo!

monday na ulit bukas. hay naku.

Jan Alvin said...

Wow Congratz!!

Mel said...

waw fountain! hehe