Sunday, March 30, 2008

Welcome Home Papito

Kauuwi ko lang galing simbahan. nagsimba kasi kaming buong pamilya, buo? Oo buo nga, dahil kasama na ulit namin si tatay.


hindi kasi mahilig magpapicture si tatay e

Kahapon lang siya dumating, at ako ang sumalubong sa kanya sa airport. pero nandun din naman sina nanay. pero feel ko lang na bumaba sa airport, kunwari ako yung balikbayan. hahaha. tapos naiimagine ko nga na may nakakanta ng ganito with matching sayaw pa habang papalapit ako kay tatay:

Kay tagal mo nang nawala
Babalik ka rin, babalik ka rin
Kay tagal mo nang nawala
Babalik ka rin babalik ka rin

-by GARY V.

syempre ang mga pasalubong nya sa amin ay puro kutsilyo, kaldero at mga gamit sa kusina. Chef kasi ang tatay ko sa barko kaya ayun puro ganoon ang pasalubong nya sa amin. Si Nanay lang ang natuwa sa pasalubong ni tatay. Pero may bago nga pala siyang uwi, mga vitamins. Ang daming bote ng vitamins. May Vitamin c, Vitamin e, Ginkgo biloba, evening primrose oil, Korean Ginseng at ewan ko male enhancement ek ek na vitamins. Malulunod na kami sa Vitamins ngayon, ewan ko lang kung magkasipon pa ako nito.



May nakita ako na magandang bagay sa bagahe ni tatay, ito pala ay isang pabango galing sa Victoria’s Secret. Pero sa kasamaang palad di pala para sa akin yung pabango, sa boss nya pala yun. Ang swerte naman ng boss na yun, nabigyan pa ni tatay ng pabango. Di bale, magpapabili na lang ako ng pabango.



Any suggestions kung ano ang okay na pabango?

Ayos nga ang pasalubong sa kapatid ko na lalaki e, mga cd’s, hulaan nyo na lang kung ano yun. Oo, yun na yun! Apir!


Namiss ko ang tatay ko, daddy’s little GIRL nya kasi ako, pero di na ako little angel ngayon e, isa na akong big angel (angel nga ba?). at masaya ako kasi nandito siya sa birthday ko sa May 2! Yehey! Ano kaya regalo nya sakin? Sana pera na lang. haha.


Bakit masaya at kinikilig si Mia?


Nagprusisyon kasi kami kanina after mass, at nung pa-uwi na kami, may nakita ako na boylet. Una akala ko si alchie yun. Nagtitigan pa nga kami ng look-a-like ni alchie. Ayun, hindi pala si Alchie yun, hawig nya lang pero gwapo din. Haha! Ang puti, syempre kumerengkeng ang lola nyo! Kinilig ba. Malandi lang kasi. Haha. Pis tayo dhie. Hehe. Ayun nagstay pa siya sa tapat namin, ewan ko kung nag-aantay ng i-gigirlfriend o tinitingnan lang ako. Ay nagfeeling daw! Hahaha. Basta kinilig ako talaga! Hahaha. Apir!

56 comments:

xienahgirl said...

umuwi na pala si miong
baka naman
pwede ako makaarbor diyan
bukod sa regalo mo
para sa akin mia?
hahahaha

ayus

yeeee
talandi
naghahanap ng
maigegelpren yun
siyempre ako yun
chos
:)

igno said...

hehehe..

astig..

daming pampalasa..

waaaaaaaa...

tataba ka lalo mia.. :(

congrats..

buo ang pamily niyo ulit.. :)

Anonymous said...

Hahahaha.
Naalala ko tuloy erpat ko nuon bago pa kami pumunta dito, yung uuwi siya tapos sasalubungin ko, with matching hug pa. AHAHAHA.haay. :)

Lapit na pala Berdey mo!


.noime.

FerBert said...

Umuwi na si daddy!
yipeee! :D

sa party ni X madami kang
laladiin.. ihanda mo na sarili mo..
:P

MirrahGanda said...

aba, hindi ka lang maganda. malandi ka pa!

one year supply ng bitamina? haha

lunes said...

oi mia!! kelangan matuwa ka sa bitamina!! dahil pandagdag lakas yan
tuwing maglalandi...

pwedeng humingi ki papie ng kutsilyo??feeling ko matatalim yan..bwisit kasi ang mga kutsilyo namin rito...matalim pa ngipin ko..wehehe

enjoy enjoy mia..ramdam ko daddy's gurl ka!!

Jepoy said...

Yipeee! Andayan na si daddy! hehe. Pa hingi nmn ng pasalubong! uuhhhmmm... ung CDs ng kapatid mo... hehe.

Unga pala, ingat sa mga supplements na todo herbal meds, di mo alam kung toxic sa liver, or me side effects. me binabagayan lahat ng herbs.

At tungkol naman sa paglalandi... hehe. un lang.

Mia said...

Whoa! Daddy's home! lol!

linglingbells said...

wow! ang saya naman! daming pasalubong ng daddy mo! yan ang habol ko pag umuuwi papa ko dito sa pinas.. joke lang! hehe!

kai said...

Vitamins! Meron ba dyan ng pampatangkad? kailangan ko ng ganon, nyehehe.

Go for DKNY be delicious perfume or Chanel chance :) talagang kumakapit kahit d ka maligo. haha.

karmi said...

wow, welcome home tatay. :D kumpleto na kayo ulit.. ^_^

akala ko sayo ung pabango.. hehehe, un pala sa bossing.. hmmm, ano nga ba? la akong alam eh, hanggang ngayon, johnsons baby cologne pa rin gamit ko.. hehehe.. ^_^

ay kilig ang lola. basta gwapo.. hahaha..

Vera said...

anong CD yun? ngayon lang ako napatambay dito e.

madaming mabangong pabango.. pero iba parin ang alindog na naidudulot ng Light Blue ng D&G

KRIS JASPER said...

pwede ka ng magpatayo ng botica.

Dakilang Tambay said...

@xG - oo umuwi na si miong ang tatay ni miang.. ahahaha.. ano bang regalo? vitamins gusto mo? ehehehe! talandi talaga.. pede ba taung dalawa un? hahaha..

@igno - hayaan mo d ako tataba.. promise! yup, buo na ang pamilya ko! yihee.. kso ala naman pera! ahahahaha!

@ noime - oo nga e. sarap ng feeling noh? hehehehe.. oo lapit na! :) tatanda na naman ako..

Dakilang Tambay said...

@ferbert- nakidaddy ka na ngayon?hahahha! :) oo nga e, madami nga akong lalandiin, may makpaglandian naman kaya sakin? hahaha!


@ mirrahganda - oo, malandi din ako.. hahaha! oo, one year supply ng bitamina! yum yum!

Dakilang Tambay said...

@lunes - ahahahaha! oo nga e.. marami akong energy pag naglandi.. hahaha.. cge nenok kita pag di nakatinggin si nanay.. hahahaha! :)

oo namiss ko tatay ko.. hahahaha! :)



@JEPOY -ahahaha!at bakit ung cd's ng kapatid ko ang gusto mo? hahahahaha!

oo nga e..ang liver ingatan :) salamat po sa advice! :P

Dakilang Tambay said...

@mia - wow. parang tinatawag ko lang ang pangalan ko.. hehehehe. :)

!linglingbells - oo nga e, puro pampalakas ng resistensya.hahaha..:)

@ kai - wala ngang pampatangkad e. hahaha! ay salamat po.. ayan may pagpipilian na ako ng pabango! :) salamat po ulit. hihihhi

Dakilang Tambay said...

@Karmi - oo nga e.. :) ang saya.. ahahaha.. yan din gamit ko pag nasa haus lng naman ako. hehehe.. oo bsta gwapo kinikilig.. haha.. apir

@ vera - cd ng b**d... un na un.. hahahahaha! oo, yan nga gamit ko ngaun e.. hahahah .. :) pero gusto ko pa rin magtry ng iba naman :P

Dakilang Tambay said...

@ KRISJASPER- oo nga e,, ahahaha! dapat pharmacist nalng kinuha ko.. haha

the donG said...

i remember my dad who worked in Saudi before (more than 12 years back) where he brought home dozens of bullcaps. kayo naman vitamins. pwede na ngang mag negosyo.

happy days... enjoy your time with your dad.

Dakilang Tambay said...

@the dong - oo nga e.. magnegosyo na kaya ako? hahaha! :) salamat sa pagdaan !

Ambo said...

Pwede bang humingi ng kutsilyo? ahaha ayos naman un kasi chef naman pala di dadiyo! Yaan mo magpapakontest ako ang premyo pabango! Shellguard Cologne. hahahaha. Oooppppsss. check my site, i have something for you. Di ako mag eemail hanggat wala kang comment dun. Sige ka haha. Congrats!

Dakilang Tambay said...

@ambo - nandito ka na! wee.. namiss kita..

kutsilyo, ipupuslit kita kung kaya ko, matalas ang mga mata ng butihin kong nanay e. hahaha!

anu ka ba gusto ko pabango, cologne naman toh. demanding ba?

waaaaaaaaa..anu un ambo.. excited na ako.. :) salamat!

Ambo said...

ambilis sumagot hahaha. miss u too mia. hehe. nag email na ako ha. congratulations!

PS. gawin nating shellguard perfume hahahaha

mnel said...

wah. namimiss ko tatay ko. wah

eloiski said...

nyz!
dumating na pla papa mu ah!
inggit akU!
tagal pa dumating si papa eh!
HAhaha!

Grabe puro vitamis ah!
Buti si tatay puro foods inuuwi!!!
hehehe

superym said...

edi penge ng tskoleyts.

adbans hapi berdey sa may, mama mia. muaH!

Coldman said...

daming ngang vitamins!
tataba ka nyan! dyuk. =)

mapi said...

wow! dami pasalubong! hehe!

The Islander said...

talagang may ganun? kamusta naman si buraot na laging nagpapakilig sayo? nyahaha

claire said...

Aww. Buti kayo magkasama na kayo ng dad mo. :(

reyna elena said...

kala ko pa naman kinilig ka dahil me boylet ka nang ibibigay saken! indi mo man lang naisip ang lola mo! grrrrr!! hu! hu! hu! waaaaa!!!

pst! me nakita ako dun sa balay ni ambo! dali! hahaha

PoPoY said...

@mia. daming vitamins pedeng akin na lang ang VITAMIN E??? talo pa nyan ang Gluthatione sa pagpapaganda ng kutis eh hehehe. :)

uyy mia diba may "dhie" k na? bakit ka tingin ng tingin sa iba?? hahaha

magakakakuliti ka nyan hehehe piz mia!!!

Ambo said...

Mia reply to my email grrrr......

elayas said...

wow...ayos pala dito eh....kabatak. ahehehe salamat sa pagkumento sa aking blog...


'yas

Vera said...

@ vera - cd ng b**d... un na un.. hahahahaha! oo, yan nga gamit ko ngaun e.. hahahah .. :) pero gusto ko pa rin magtry ng iba naman :P

--- b**d??
band?
bald?
bend?
bond?
bind?
bead?

tsss... hahahaha :D

tartin et chocolat -- ewan ko, sa rustans lang ako nakahnap nyan. amoy fresh, parang pwet ng baby na meron pang polvo.

janelleregina said...

Wawa naman si dhie mo! Nako hindi ako papayag. Mhie and dhie forever. hahahaha

Grabe ang daming vitamins naman niyan. Sos. haha

my-so-called-Quest said...

abah! may balikbayan!
penge pasalubong! heheheh
musta na mk? ingats palagi=]

M said...

Mia!!! Pakisabi kay tatay mo kung pwede bang makahingi ng ilang butil ng MALE ENHANCEMENT VITAMINS!!!

Nanlalata na ata ang male-ness ko kaya kaylangan ko ng supplements!!!

komski kuno said...

yes naman, andyan na si tatay:) at mga pasalubong hehehe:D kami e wala namang umaalis kaya walang ganyang tagpo, hehehe.

jep said...

aba chatbox ba ito.. daming nagcocomment ha.. teka, ano bang masasabi ko? aha, ang aking tatay ay malapit na rin umuwi.. haha ganon yata pag alam na nilang nars na tau sabik mag celebrate.. haha.. pero walang dalang ganyang kadaming pasalubong ang aking tatay.. haha..

Zololkis said...

SECURITY CENTER: See Please Here

Cindaaay said...

MUAHAHAHAHAHAH miah nakkatuwa ka mgblog. anu sibalihan mo sa candymag? wag funniest blog kasi mattalo moko! hahahhha. kamusta naman ang pasalubong na kaldero at kutsilyo ng tatay mo? LOL. IMISSYOU =D

apple :) said...

Sis! OMG. I’m sorry for not leaving a message or something na I’ve updated na. Let me explain. Hehehe. Ano kasi, kagabi ko lang ako nagpost ulit, I think umaga ko na napublish coz marami akong ka-chat kagabe. hehehe. Anyway, I MISS YOU SO MUCH! huhuhu. I promise sis, lagi akong nagvivisit dito kaya lang di ako naglealeave ng message coz gusto kong magmessage nalang sau when may new entry na ako. Para astig. Hehehe.

I’m always here sis. Minsan nga, una pa akong pumupunta dito before my own blog. Hahaha. Promise :D

Don’t worry, as a repay to my being madaya, I’m gonna plug your blog in my blog para dun sa Teen Blog Awards. Goodluck sis. I have a feeling that you’ll win :) Syempre, I’ll be helping you thru voting and encouraging voters. Ok ba yun sis? Hehehe.

apple :) said...

Penge ako ng Ginko biloba mo! hehehe. I need that one :p

natuwa naman daw ako dun sa

Kay tagal mo nang nawala
Babalik ka rin, babalik ka rin
Kay tagal mo nang nawala
Babalik ka rin babalik ka rin

hahaha. may ganon?

gyk said...

gustong gusto ko talaga yung ralph lauren cool. sobra.

yarnhoj said...

gusto ko yung theme song...galing...ok lang sa akin kahit anong pabango..total ikaw naman ang gagamit...daan ka naman minsan sa blog ko

Mel said...

haha, sori natawa lang ako sa word mo na 'kumerengkeng'... hahaha

Nicole24 said...

مرحبا ،
واريد ان اقول لكم عن عظيم الموقع وجدته. إنهم لا يدفعون لي لقراءة البريد الإلكتروني ،
زيارة المواقع على شبكة الانترنت وأكثر من ذلك بكثير.

انها مجانيه وسهلة للانضمام الى التسجيل! انقر على هذا
لزيارة الوصله :
http://www.ft-mails.com/pages/index.php?refid=chuach2008


---------------------------------

Hello,

I want to tell you about a great site I found. They pay me to read e-mail,
visit web sites and much more.

It's free to join and easy to sign up! CLICK THIS
LINK TO VISIT:
http://www.ft-mails.com/pages/index.php?refid=chuach2008


Top blogger, Be a Top Cash earner!

reyna elena said...

asan u?

RJ said...

akala ko anak ikaw ni benjie paras. ahehehe.

napadaan lang pow! =D

Tisay said...

ahahha!! si benjie paras! naalalako din... ahhaha!!

ako favorite ko talaga yung Ralph by ralph lauren chaka yung Ralph cool chaka yung Soul by Curve. mabango yun, yung tipong isang araw ka ng hindi pumapasok sa kwarto mo eh andun pa din yung amoy. ahahha!!!

male enhancement.... ahahahah!!!!

The Gasoline Dude said...

Hahaha! Akala ko din si Benjie Paras! Ayus panalo! = D

Interesting blog. = D

BURAOT said...

ang peborit kong gamit ay clinique. pero bagy sa yo yung bago nilang labas, pambabae..

Clinique Dalandan Cologne.

O Kya yung specially formulated para sa mga Pinay...

ang Paternity Durian for Women... "bring out the Pinay goddess in you!"

Patok yun.

dyosa said...

pabili ka ng Clinique Happy For Him (mas mabango kesa For Her) pero kung para sayo ang pabango, dapat For You. LOL. ang gulo ko.

ayus din yung Victoria's Secret Very Sexy For Her. ;-)

brattyeynah said...

XD si alchie oh yihee