Friday, May 2, 2008

bente uno



Alas otso ng umaga. Ika 2 ng Mayo 1987. Ipinanganak ang isang batang mukhang duwende pero cute.





Maligayang kaarawan sa akin. Bente uno na ako, matanda at binata na ako. Pwede na akong mambabae, ay babae nga pala ako, manlalaki na lang. joke lang. legal na ako gumala pero nararamdaman ko na drawing lang yun. Kulong sa bahay pa rin ang drama ko at matindi tinding paalamanan ang gagawin ko bago ako makaalis. Hay buhay nga naman.

Bente uno na ako, ilang taon na lang ikakasal na ako. Bakit ba kasal agad ang naiisip ko? Aba masama yan mia, wala ka pa trabaho mag-aasawa ka na agad? Ano gusto mo, taga-laba ka na lang at taga plantsa ng damit nyo? Aba, ni hindi ko pinangarap maging labandera at plantsadora. Ni hindi nga ako marunong magplantsa at maglaba e. Wala kang aasahan sa akin. Pag naglaba ako nagsusugat ang kamay ko tapos pag nagplantsa naman ako, gusot pa rin siya. Sayang lang ang nagamit kong kuryente at sayang lang ang pagod ko.

Bente uno na ako, wala man lang ako kaplano plano sa buhay ko. Ni wala pa ako trabaho. Ni wala pa ako ginagawa para makatulong sa magulang ko. Kailangan na ako magseryoso dahil marami na akong panahon at oras na sinasayang. Dapat ngayon nagttrabaho na ako at nakakapag-ipon para sa mga pagsusulit na kailangan kong ipasa. Naku pasaway kasi ako, mabuti pa kung tatalon na lang ako sa dagat.

Bente uno na ako, maraming nangyari sa akin na humulma sa pagkatao ko. Maraming masayang mga nangyari at marami ring mga sakit at iyak. Pero sa lahat ng iyon, masaya ako. Dahil eto pa rin ako, di nagpapatalo sa mga dagok at pagsubok na nadating sa aking buhay.

Bente uno na ako, kailangang magseryoso na sa buhay. Kailangan maiplano ko na lahat ng mga kailangan ko gawin. Kailangan makapag-ipon na ako para sa future.

Bente uno na ako, maraming salamat sa mga taong nagtitiwala sakin at naging mga tunay kong kaibigan. Maraming salamat sa pakikinig ng mga kalokahan at mga kadramahan ko sa buhay. Maraming salamat dahil nandyan pa rin kayo para sakin. Maraming salamat dahil mahal nyo ako.

44 comments:

xienahgirl said...

oo na miaaaaaa
bente uno ka na
pwede ka na makabuntis
hahahaha

wag ka muna ikasal
maghahanda muna ako
hahaha
wala pa rin akong trbaho
wag ka magalala

mahal ka namin mia
happybirthday
:)

seƱora said...

Ate miaaaa!! =)
Bente uno
Bente uno
Bente uno
Bente uno
Bente uno
Puro bente uno nabasa ko. Sige na. bente uno na.
Shyet pareho tayong di marunong maglaba at magluto ampu

Kaya mo yan!

HAPPY BIRTHDAY, dearest!! =)
kissy kissy and huggy buggies for youuuu =)

Tisay said...

rawr, di pala ako late mag-greet. sabi ko sa cbox late na.

happy birthday na lang ulet. mwah!
21 woooot! smile.

hearts and kisses.

PoPoY said...

hapi bday mia... wish u all the luck and hapiness in ur 21st bady hhehehe :)

more bdays to come :)

wanderingcommuter said...

huwaw, bata ka pa lang groovy ka na. hahahah...

hampey bewtdey sa iyo!

♥ KaThYcOt ♥ said...

happy birthday mia! hahaha lapit kana mag asawa! :) at promise matututo ka ding mag laba at magplantsa! lol... believe me! hehehe

Saminella said...

heyheyheypibday






















yebah.

Abou said...

ka bday mo kapatid kong pulis. pbday sa iyo at sa kanya. at sa lahat.

pa cheeseburger ka!

Christian said...

Uhm, first time ko mapadpad dito sa blog mo. So birthday mo pala? Happy Birthday sa iyo Miss Mia. Best wishes and more blessings to come for you, I wish!

Mariano Juancho said...

Alam mo Mia, kahit ganito ako, lasing at puyat eh pinilit ko pa ding bigyan ka ng komento at pabati sa iyong kaarawan.

Para sa lagi nating bitin na pag-uusap dahil sa nakakatulog kaaaaa [oo, ikaw ang nakakatulog] eh masasabi kong marami na tayong napag-usapan. Yun lang naman, haha.

Maligayang Bati sa iyong kaarawan at sana naman eh masaya ka ngayon kahit ipilit mo na. Joke.

Happy birthday!

mnel said...

ayos lang yan mia. isipin mo na lang na mas matanda ako at mas lalong walang kapakipakinabang sa akin ang mga magulang ko. ^_^








happy 22nd birthday!!!

kadeteng civies said...

late na ko bumati! pero better late than absent. happy bertdey po...sana mapasa mo na kung anu man kelangan mo ipasa.

para siguradong una ako, advance happy 23rd bday..yan...

bianca said...

sissy, happy birthday. pwede ka ng mag asawa.hahaha. di mo na kailangan ng parental consent.hahaha. halika! sabay tayo sa city hall. echusa.

hugs&kisses sissy. sabay tayong mag asawa ha. hehehehehe!

gillboard said...

Happy Birthday!!!

blog hopping... napadaan lang sa blog mo... you're funny. ;)

DarkBlak said...

happy bday po kahit pers tyme ko dito

chroneicon said...

eto ang susi, iyong regalo mo nasa garahe. maligayang kaarawan!

The Gasoline Dude said...

Haberdey! Sarili ko ang regalo ko. Nyahaha joke! Baka magalit si Coldman. Hahaha! = P

kingdaddyrich ♥ said...

maligayang kaarawan sa iyo mama miah! i miss your peys! ;)

siguro nag labor ng husto ang nanay mo noong may 1,..

mapi said...

awwww. HAPPY HAPPY HAPPY BIRTHDAY!
best wishes okay? i missed you. :)
mwah! lots, mapi x]

RJ said...

happy birthday! youre 21 and you have a full life ahead of you. try to enjoy every moment. wish you success on your endeavors. nosebleed.

The Gasoline Dude said...

LOL @ Insan RJ.

English kung English. Yesss... = P

Abad said...

belated happy birthday mia!!

karmi said...

belated happy burpday mia-tot. :)
enjoy mo lang habang 21 ka pa. inuman na to! hahaha.. ^_^

grabe. antanda ko na pala talaga. :| pwede pa lang ate ang itawag mo sa akin.. hehehe.. lol

ay labs yu..

yesha said...

happy birthday to you...
god bless you more

xoxo

freakazoid said...

Maligayang bati. Belated. :) hehehe.. karirin mo na ang buhay!

gyk said...

wow ate! belated happy birthday! pacenxa na. di ko alam. huhuhu. enjoy being 21! yei!

linglingbells said...

belated haberday! bente uno ka na nga.. naniniwala na kong bente uno ka na kasi ilang beses mo inulit-ulit at ipinagdiinan na bente uno ka na.. hehe! :D

gasti said...

happy birthday mia! 21 ka na! binatang binata na nga..hehe!

late na bati ko kasi ngyon lang ulit ako pumasok eh..haha!

siomai said...

Happy birthday! (kahit late na ang greeting ko...) ^_^

Toilet Thoughts said...

Happy Burdey kiddo! :)

Uy, dapat kahit mahigpit ang iyong mga magulang sa paglalabas mo... dahil bente uno ka na... dapat me strategy ka na. mga kasabwat at alibis. hehe.

ingat lage.

Tric said...

Hi Mia! Happy birthday!! Ang cute mo naman sa picture, naka shades pa!! Hehe! :)

KRIS JASPER said...

Happy Bday!!!

advanced na ba ako for next year????

sori....

Namayapang HK said...

i know i'm dead. and dead people are not suppose to be roaming around the blogosphere to disturb the online people that are still living happily.

but since it's your birthday four days ago, i felt the urgency to ask permission to my parole-officer-slash-angel in hell... este heaven, to come here and greet you.

although you've already received a lot of birthday greetings and gifts, i know it's still not too late to say this special message in the most affectionate manner i can:

Pretty Mia, hindi pa tapos ang month of may, kaya magpa-berger ka naman! yung eat-all-you-can!

(p.s. ay teka, how old are you na nga?) n_n

jep said...

nakalimutan kong magcomment ng happy bday.. di bale nag greet naman ako sa ym di ba? hahaha.. naka shades pa ha, siguro para ndi masilaw ang iyong mata sa flash ng camera hahaha.. wala naman kasing araw eh.. hahaha..

cedeux said...

bat ganun, di nagappear na may update ka!

musta namn ang bday?
happy dapat ha!
marami k ng utang sakin.

RN tapos Bday pa. di lang lugaw yan!

heheheh

ingats MK! belated happy bday!

lunes said...

Mia, bente uno ka na!

kung hindi ka marunong maglaba at magplantsa, wag kang mag-alala. papasok akong katulong sainyo ni dhie.hihihi.

yeye said...

angkyut ng shades hehehe


belated ate!

hehehe

un nga gaya ng sabi ko sa friendster, makukuha mo na agad ang lisensya mo sa PRC hahahahaha wooooo

kurisujae said...

BELATED HAPPY BIRTHDAY!!!

apple :) said...

OMG! sis! I'm really sorry for missing your birthday! kabirthday mo pa yung bestfriend ko. well anyways, I mISS you bitime and I hope we can catch up on each other soon.

belated happy birthday sis!!!

BURAOT said...

yebah! bente uno ka na!

lam mo kapag daw bente uno ka na, isang taon na lang....

















bente dos ka na!

nyehehehehe! ganda ng pic mo, para kang bangaw na kyut! hehehhe. di ko lam may 2 ka pala, sana napadalhan kita ng tiket... sa lotto.

GODDESS said...

belated happy birthday mia!!

Dakilang Tambay said...

salamat po sa mga bumati sa kaarawan ko.. :)

the donG said...

belated happy happy birthday!

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
Contact Number: 09465046302
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/