Thursday, May 29, 2008

talandi

bata pa lang ako nasa dugo ko na ang pagiging malandi. oo malandi ako sa paraang five years old pa lang ako may super crush na ako at seven years old pa lang ako marunong na ako maglagay ng lipstick at yung cucumber face mask ng avon. naalala ko pa nung nabali ko yung lipstick ng ninang ko. buti na lang hindi siya nagalit. kinabahan talaga ako nun sobra. mahilig din ako sa mga high heels na sapatos. kahit na matisod at madapa ako, okay lang sakin, makalandi lang ako.

nung nag-highschool na lang ako hindi lumandi dahil naging boyish na ako nun. as in nakapanglalaki pa ako na damit. e uso nun ang hiphop, kaya naghiphop din ako, hiphop na pang-lalaki. malaking tshirt and big pants. o my gulay. highschool din ako hindi niligawan. feeling ko ang panget panget ko nun. ewan ko ba. takot ba mga lalaki sakin? e ako nga lagi nila binubully e.

nang magcollege na ako, girly girl na ulit ako. marunong na ako magpacute at marunong na din ako mang bully. hehe. 3rd year college na ako nagkabf, pagkatapos ko magdebut. hehe. pero di rin kami nagtagal kasi marami kaming pag-kakaiba (un ang sabi nya). ok lang sakin, kung ayaw nya na sakin e di wag. di mo kailangan ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ayaw naman sayo.

after ng break-up ek ek. umariba na naman ang inyong lingkod. di na ako nag-bf nun pero natuto na ako makipagdate date-an (friendly date) at mas dumami ang tropa ko na lalaki. mas feel ko ang tropang lalaki kesa sa babae kasi feeling ko lalaki talaga ako. hehe.

tapos nun.....






nakilala ko SIYA. siya ang nagpatibok ulit sa puso ko. siya ang nagpatino sakin at siya ang dahilan kung bakit hindi na ako malandi. siya ang dahilan kung bakit masaya ako at siya ang dahilan kung bakit ginagawa ko itong entry na ito.

ikaw, oo ikaw. i labs yu. :)

yihee kinikilig yan.



49 comments:

lunes said...

wow. ok lang na maglandi ka mia..ika'y kalandi landi naman talaga. dahil ika't maganda..wehehe.

naku last week na may naglandi sakin..ahead sakin ng two years.Staff nars sa CD ward.ahaha. sabi niya pakasal raw kmi kahit sa papel lang.sabi ko ayaw ko sknya.ahaha.

Dakilang Tambay said...

@lunes- ahahaha.. mas malupit ka pala sakin. may nag-ayaya na ng kasal! hehehe

PoPoY said...

oo nga okey lang na talandi ka miatots kasi maganda ka naman. nkkainis lang yung ibang mga babaeng malandi eh mga mukhang aswang naman hehhe. yung iba HIPON. hahaha. :)

uyyyyy :)

Dakilang Tambay said...

@popoy-hipon..sexy lang siya pero aswang! hahaha! ikaw talaga popoy! hehehe..

lunes said...

sus mia..sira ulo lang kasi tlaga un..ayaw ko dun..ng tsatsansing..nahug nga ako nun..bwiset.kasi pinuntahan ko dun sa ward nya ung trainee na frnd ko..sabi ba naman sakin, wag ka ng mahiya ako naman ang senior nars rito...ahaha..college friend ko rin kasi un nun..kasam ko sa theatre..

churvah said...

what a title..talandi talaga!
lol!

naririnig ko yan sa mga nanay na sinasaway ang mga kerengkeng nilang anak..sabay kuort sa singit.."ikaw na bata ka..ang bata mo pa,TALANDI ka na."

para kanino kaya ang post na ito..kasy david cook ba?

hehe.

antipatika said...

at talagang talandi ang ginamit na term..heheheh!saya ng post. Good luck sa inyo. :)

RJ said...

wow angcheweet naman. hehehe. bata pa lang din pala ikaw nung magka-crush, akala ko nagiisa lang ako. hehehe.

BURAOT said...

sya sige na nga talandi ka.... haylabshu na din... hehhehe.

joke lang... baka hantingin ako ng boypren mo.

arhey! said...

naks. walang problemang lumandi basta nasa lugar. =) kilig naman! lab s en da er. =D

Avee said...

hi ganda, grabe natutuwa ako sa post mo kasi ang sarap magbasa ng tagalog. parang na iencourage tuloy akong mag blog ng tagalog.

Anyway, love ko talaga ang new font ko hihihi =) cutie di ba. Ninakaw ko lang yan hahaha buti na lang di copyrighted. good day talandi ako di malandi eh hahaha =)

Abad said...

Parang dinescribe mo ng husto ang 8 yr old sister ko sa una mong paragraph. kaya lang ayaw niyang amining may crush siya kahit lagi siyang kinikilig sa isang classmate niya. pero hindi siya pwedeng mayboypren. hindeeee

UtakMunggo said...

makiki-"mia" na rin ako ha, miss landi. hehe

sa ending mo pa lang i derpor conclude na binabasa ng bopren mo ang mga blagadags mo.

haay... yung "boypren" ko naman walang kaalam-alam na mine-murder ko na ang katauhan niya sa blags ko, dangan kasi ang tamad nung magbasa.

naenjoy naman ako sa post mo, saktong sakto yung unang paragraph sa 7 years old kong panganay na ubod rin ng landi.

sarap na ngang kalbuhin eh.

;P

Maldito said...

malandi ka pa din naman..ahahhaa...awts..kaka kilig..anobeh!!
wish ko lang..mafeel ko uli ang na feel mo...yung feeling na may minamahal..

:(....emote na anman ako. Hu hu hu

Maldito said...

malandi ka pa din naman..ahahhaa...awts..kaka kilig..anobeh!!
wish ko lang..mafeel ko uli ang na feel mo...yung feeling na may minamahal..

:(....emote na anman ako. Hu hu hu

nicoleyy said...

hahah! "umaariba" na namn enoh? kakatwa and super cute itong post mo na ito LOL :p go girl, lpa ka girly ka. cant imagine you as a boyish kinda person.
ps. feelin close ako! haha. wala lang jus browsing tru yr page lang hehe. hope u don mind! x

coldman said...

parang di ko alam ang sasabihin ko! Hahaha!


speechless..... lol

my-so-called-Quest said...

kanino ka kaya nagmana?
wahehehehhe

mr_d said...

errr sino ito? si david cook?

Dra. Rio said...

kinikilig naman ako sa kwento mo..hehehe...binabsa ni boyfren blog mo noh???/

Mel said...

haha, may stages pa pala ang paglalandi mo nun! hekhek!

yiheee!

baket 'talandi' ang title?

(usisero ako sorry talaga haha!)

ifoundme said...

hehehehe! yung post mo parang ako... hahahah! parang i see myself in this post. ok lang yan. eh ano naman kung malandi basta wala kang inaapakan na ibang tao?

Dakilang Tambay said...

@lunes-ay ganun. wag ka na nga dun. baka biglaan ka magkaanak. hahaha! talandi din pala un.hehehe

@churvah-syempre..hindi naman ako nakurot ng nanay ko.. muntikan na. haha.. kay fafa bf ko yan. seselos na kasi kay david. haha

Dakilang Tambay said...

@antipatika-hehe.talandi kasi tawag ng nanay ko sakin dati. hehe :) goodluck din po sayo!

@rj-apir tayo!hindi ka nag-iisa. hehe

Dakilang Tambay said...

@buraot-hahaha.talandi ka rin pala. hehe!

@arhey-oo naman. nasa lugar naman ang pagiging talandi ko. hehe

Dakilang Tambay said...

@avee-cge magpost ka na rin ng tagalog. hehehe! ang cute cute talga ng font mo ngayon. hehe. love ko na siya.

@abad-haha. ako din ganyan. tatago pa ako sa likod ng hagdanan pag nadating kras ko. hehe. takas lang naman ang pagkaboyprend ko dati nung 3rd year. hehe..

Dakilang Tambay said...

@utakmunggo-binabasa nya nga po.. dapat nga may kapalit to dahil sweet ako sa entry ko ngayon. hehehe.. naku normal lang sa mga bata ang malandi basta may guide lang at paalala ng mga magulang lagi. hehe

@maldito- hahaha.. oo nga e.. laging david cook.. hehe.. kinilig ka ba? haha.. ay naku naku.. wag ka mag-eemote.. bawal yan.. papanget ka sige ka.. hehe

Dakilang Tambay said...

@nicoleyy-oo naman boyish ako dati. hehehe.. welcome ka dito sa blog ko. balik ka po ah..:)

@coldman- magsalita ka! hehehe..

Dakilang Tambay said...

@mk/ced-sayo ako nagmana mk! hahaha!

@mr.d - kay boyps yan. sana lang nababasa ni david cook to diba. hehehe

Dakilang Tambay said...

@dra.rio-oo binabasa nya nga po..hehehe

@mel-syempre.. may stage 1, 2 3 ahahaha! talandi? kasi talandi ako e. haha

Dakilang Tambay said...

@ifoundme-talga? hehehe.. tama ka po dun! :) be true to yourself nga naman! hhehehe

redlan said...

iba talaga kapag in love. congrats sa lucky person na yan.

Dakilang Tambay said...

@redlan-salamat po! :) yihee!

nicoleyy said...

sure. balik lagi ako :) pdeng palink or sumtin like that?kasoo yung blog ko ala wenta.walng laman. naguumpisa palang kasi ako :P helpnamna. hehe? if k lan?

Eyebags said...

psst. gusto rin maglandi ni eyebags. turuan mo nga ako nars mia..wehehe.

superym said...

hahahaha.
pareho lang tayong malandi miaRN.
hihihi.

nga pala, nagpalit na ako ng bahay.
www.superym24.multiply.com.

tambay ka minsan ha.
: )

redlan said...

may i-add ako base sa text na natanggap ko:

dati hiindi lahat ng babae ay malandi. Ngayon, hindi lahat ng malandi ay babae.

monica said...

haha! ang kulet ng post mo pati mga comment. tama naman si redlan, maraming malandi ngayon ang di babae.. kahit nga yung ginamit mong word na "talandi" di pambabaeng language yun e... hehe.. nice post. :)

reyna elena said...

an lufeet! hahaha! nagmana ka talaga sa lola mo! hehehe! kung talandi ka, talandi landi ako! hahaha!

mayee said...

waaaaahhhh ganyan din ako kalandi hahaha. natatawa ko ganyan na ganyan..hahahaha..

Keiyt said...

Okay lang naman maglandi. :)) ano naman sa iba? HAHA. Ganyan din ako pero ako yung malanding hindi nagma-make up! :))

Mas open ako ngayon sa mga lalaking friends kasi napaka dami ko nang girl friends... Para maiba naman at syempre kasama na rin ang landi don.

Ayiiiii. Kung sino man siya. :))

linglingbells said...

naks naman! di na siya malandi!! :D

jep said...

ganon naman tlga eh.. dami ko kayang kilalang girls na ang aga aga eh naglalagay na ng blush on at lipstick.. haha tapos ngaun wala na aun naaamazed na sila sa blush on at lipstick ng iba hahaha t-bird na pala huhu.. pero buti nlang ndi ka naging t-bird haha..

KRIS JASPER VAN DYKE said...

di naman siguro si david cook yan? lol.

Ishna Probinsyana said...

Naku, malandi din ako. Lalo na nung elementary at HS. pero nung college, medyo hindi na. Hahahaha!

miss you too!!!!! mwah!

apple :) said...

ganda ng title mo sis! lovette :)

sure, why not? talandi din ako nung bata! Yoohoo. kakampi tayo dyan! HIGH FIVE :)

karmi said...

hahaha.. kinder pa lang din ako may crushness na ako.. talandi ko rin pala.. :P

Enday said...

ok lang maging malandi..hehe di ka nag iisa.. malandi din ako..
Mabuhay ang mga malalandi!!

chroneicon said...

yikeee!!! ang landi mo pero ang sweet ng post! hehe