Monday, June 30, 2008

dakilang tambay no more

at last.. after 2000 years.. masasabi ko na hindi na ako dakilang tambay.. masasabi ko na may work na ako..

June 15, 2008, meron meeeting ang SAS para sa alumni homecoming namin sa February 2009. bale ang presidente ng alumni association ay si Doc Rico, na siyang may-ari ng Gen Trias Maternity and Pediatric Hospital dito sa amin. natapos na ang meeting at ayun nakita ko si kuya joven na forever guard namin sa school namin. aba, kinausap ba naman si Doc Rico na "RN na daw ako" ayun, pinapunta ako sa June 16, 2008 ni Doc sa hospital nya para kausapin si ma'am shiela.

June 16, 2008. anniversary namin ng mahal kong si dhie. may appointment ako with Doc Rico, pinakilala nya ako kay ma'am shiela, volunteer na lang daw muna ang available, ggrab ko na din yung opportunity. ayun nagvolunteer na ako bilang staff nurse sa hospital. volunteer, meaning wala munang sweldo, pag nagka-slot e di meron na. ok na din sa akin yun dahil at least nagagamit ko ang pinag-aralan ko at ok lang din sa akin ang wala munang sweldo dahil malapit lang naman sa bahay namin iyon.

June 18, 2008, first day is the day. kinakabahan ako na na-eexcite. para bang natatae ako pero hindi naman. haha. ayun, pinakilala ako ni ma'am shiela sa mga staff at sobrang friendly nila. parang at home na ako sa first day ko. love ko na nga sila e.

June 30, 2008, 14 days na ako nagwowork. masaya sobra. marami akong natututunan kahit na alang sweldo. hopefully magkaroon na ako ng slot para naman may datung na ako. hehe :)


PS:

AKO PA RIN ANG DAKILANG TAMBAY.

FB, WAG KA MANGARAP AGAWIN ANG TITLE KO. HAHA! :) BELAT!



Thursday, June 19, 2008

paalam

hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan. kilala nyo ako na masiyahin, makulit at makulit talaga ng sobra. Pero sa oras na ito, wala akong gana makipagkulitan, wala akong gana ngumiti, wala akong gana para sa lahat. Bakit? Nabalitaan mo kasi na deds na yung kaibigan ko, close friend, ex-crush, first crush.

Una ko siyang nakilala sa friday group namin. Unang kita ko pa lang sa kanya, kras na kras ko na siya. Imagine 5 years old pa ako nun, napakatalandi ko na. May pa-shy shy effect pa ako, patago tago sa may hagdan at tinitingnan na lang siya. actually ni hindi ko nga siya malapitan e.

Hanggang sa nagmature na kami at kasabay nun ng early parenthood nya. Oo, may anak na siya at parehong panganay. Hindi ko na siya kras kaya nalalapitan ko na siya at nabibiro. Makapal na rin kasi ang mukha ko nung mga panahon na yun. Nakakapagbiruan na kami at nakakapagkwentuhan. Textmates pa nga kami e. Kuyang kuya talaga siya. Siya nga daw ang bubugbog sa bf ko pag niloko ako e.

June 19, 2008 nalaman ko na wala na siya, kinuha na siya ni Lord. Di ako makapaniwala. Parang nung June 13 lang kausap ko siya at kabiruan. Bakit ganung kabilis ang pangyayari? Bakit nya kami iniwan agad?





Hanggang ngayon hindi ako makamove on. Hindi ako makapagsalita. Iyak ako ng iyak.

Mamimiss kita Jiro.




Paalam at hanggang sa muling pagkikita.

1 killed, 10 hurt in Cavite road mishap




Monday, June 16, 2008

Anniversary

Isang taon...

Isang taon na rin pala tayo, naalala mo ang araw na unang naging tayo, alam ko ikaw na ang pinakamasaya na tao, syempre ako rin masaya kasi alam ko hindi mali ang desisyon ko na ikaw ang pinili ko na mahalin. Alam ko na magiging masaya tayo, alam ko na magiging matatag tayo at alam ko na mamahalin mo ako ng sobra sobra.


Masaya ako kasi hindi nga ako nagkamali. Ikaw lang ata ang tao na sobrang umintindi ng mga pagkakamali ko, ng mga topak ko, ng mga mood swings ko, ng kalokahan ko at ng mga kalandian ko. Hanga ako sayo kasi ikaw lang ang nakatiis sa akin, at dahil dyan lalo pa kita minahal ng sobra.

Unang beses ko magcelebrate ng ANNIVERSARY. Alam mo naman yun diba? Ikaw lang kasi yung una kong boyfriend na tumagal talaga kasi isa lang naman ang naging ex-boyfriend ko diba? Alam mo sa totoo lang di ko akalain na magtatagal tayo, hindi ko akalain na mas mamahalin mo pa ako at hindi ko akalain na kaya mong intindihin ang mga kalokohan ko.


Tama nga si ma'am swerte ako sayo dahil sobra ka magmahal. Kahit na sobrang nasasaktan ka na, pilit mo pa rin inuunawa ang lahat.
Maraming salamat sa pagmamahal, maraming salamat sa lahat at maraming salamat dahil dumating ka sa buhay ko.

Alam mo bang love na love kita? Ayan alam mo na at alam na ng lahat. At proud ako sabihin na mahal na mahal kita :)





Happy 1st Anniversary dhie!

Ang cheesy ko diba? :)


ilabyu,
MIA :)


Friday, June 13, 2008

Tatay slash Papito


Ilang taon ka na rin nagtitiis mapalayo sa amin
para lang mabigyan kami ng maganda at magaan na buhay.

Nagtrabaho ka sa malayong lugar para lang makaipon
para makapag-aral kaming lahat sa dekalidad na eskwelahan.

Binigay mo lahat ng gusto namin
kahit na hindi mo na nabibili ang mga gusto mong bilhin.

Minahal mo kami ng sobra sobra
kahit na minsan di mo na iniisip ang sarili mong kapakanan.

Maraming salamat Tatay/Papito.

Maraming salamat sa mga sakripisyo na ginagawa mo para sa amin.

Maraming salamat sa pagmamahal mo sa amin.

Gagawin namin ang lahat para lang maipagmalaki mo kami.

Mahal na mahal namin kayo.

Ikaw ang da best Tatay in the whole world.



SI TATAY AT SI NANAY


HAPPY FATHER'S DAY PAPITO...

LOVE YOU ULIT...




COMMERCIAL

magplurk na rin kayo :)

PLURK.COM

Tuesday, June 10, 2008

-10.24 pesos

Naalala ko pa nung nagseminar kami sa Heart Center. Wala ako load nun kaya nagpa-share a load ako sa tatay ko ng 100 pesos. natanggap ko na yung pinasa nya sa akin at ng icheck ko ang balance ko sa 222, aba't wala pa rin akong load. try ko naman na patayin ang cellphone ko kaso ganun pa din. letse talaga. sa kacurious-an ko nagtry ako na mag-unli sa Globe. So eto text ako ng UNLITXT20 send to 2870 at wag ka nagkapag-unli ako ng wala akong load. Pinagloloko ata ako ng Globe . Kaso sa kasamaang palad hindi ako makatext at eto ang malala (tingnan ang picture)



-10.24 pesos ang load ko, saan ka nakakita ng load na ganyan. ako lang ata ang nakaranas ng ganyan e. badtrip na badtrip talaga ako sobra. hindi ko na nga naintindihan ang sineminar namin e. biruin mo nagkautang pa ako sa Globe, e ako na nga ang inutakan nila. asar talaga.

hindi ko matawagan ang Globe.. so antay antay talaga ako. at nung mga 3pm na yun. nagring ang globe service center nila. kaso ayaw sagutin (alam ata nila na aawayin ko sila) so binababa ko yung cellphone ko at check ang balance. ayun normal na ulit ang load ko. 80 pesos na ulit!

pasalamat talaga sila at bumalik sa normal ang load ko. kundi, patay sila sa akin. haha :)




Wednesday, June 4, 2008

paputok

Nanood kami ng pyro olympics last week maganda at nakakaaliw ang mga fireworks. mas masaya sana kung mas malapit kami kaso may bayad kasi, e kumusta naman yun, ang dami kaya namin.



the gang!



my family! :)


magkababata! ayun ung first crush ko
yung mataba na katabi ko! yung malaki yung tiyan! haha

Galing kami nun sa condo blessing ng family friend namin. Mag-aaral kasi siya sa La-salle Taft kaya nagcondo siya. Sobrang ganda ng condo, pero maganda rin naman kasi ang presyo ng pagkakabili nila. Inaangkin na nga namin nina Jovin yung condo e. Pamatay din ang tv nila. grabeng kalaki. imagine isa lang siyang titira dun at kumusta naman yun, 16 years old pa lang siya, hay ang sarap ng mayaman.


after ng condo blessing diretso kami sa Josefina's doon sa may seaside macapagal. ang sarap ng buttered shrimp nila, nung deep fry hito, yung chili crab atbp. libre yun lahat ng family friend namin. halos 30 katao kami un. imagine-in mo ang nagastos nya. hindi ko yun ma-imagine, nag-enjoy na lang ako sa pagkain ko.

napagdesisyunan namin na manood ng pyro olympics after kumain pero hindi sa may MOA dahil baka hindi na kami makauwi after nun dahil sobrang trapik. hindi na sumama yung iba kasi sumama na yung pakiramdam nila at may gagawin sa bahay yung iba. ayun dun na lang kami sa may Mcdonald's Macapagal. dun sa may likod dun. ayun kitang kita namin yung fireworks. kakaenjoy at ang ganda talaga. lalo na yung heart shape na paputok.

masarap sana manood ng fireworks pag kasama mo ang labs mo e. moments ba ito? haha!

ENJOY THE VIDEO! Pasensyahan nyo na kung maingay kami. hulaan nyo na lang kung nasan ang boses ko! hehe.