Tuesday, June 10, 2008

-10.24 pesos

Naalala ko pa nung nagseminar kami sa Heart Center. Wala ako load nun kaya nagpa-share a load ako sa tatay ko ng 100 pesos. natanggap ko na yung pinasa nya sa akin at ng icheck ko ang balance ko sa 222, aba't wala pa rin akong load. try ko naman na patayin ang cellphone ko kaso ganun pa din. letse talaga. sa kacurious-an ko nagtry ako na mag-unli sa Globe. So eto text ako ng UNLITXT20 send to 2870 at wag ka nagkapag-unli ako ng wala akong load. Pinagloloko ata ako ng Globe . Kaso sa kasamaang palad hindi ako makatext at eto ang malala (tingnan ang picture)



-10.24 pesos ang load ko, saan ka nakakita ng load na ganyan. ako lang ata ang nakaranas ng ganyan e. badtrip na badtrip talaga ako sobra. hindi ko na nga naintindihan ang sineminar namin e. biruin mo nagkautang pa ako sa Globe, e ako na nga ang inutakan nila. asar talaga.

hindi ko matawagan ang Globe.. so antay antay talaga ako. at nung mga 3pm na yun. nagring ang globe service center nila. kaso ayaw sagutin (alam ata nila na aawayin ko sila) so binababa ko yung cellphone ko at check ang balance. ayun normal na ulit ang load ko. 80 pesos na ulit!

pasalamat talaga sila at bumalik sa normal ang load ko. kundi, patay sila sa akin. haha :)




56 comments:

lotto 649 numbers said...

Thanks to the owner of this blog. Ive enjoyed reading this topic.

Pedro said...

magulang talaga yang globe na yan. globe din ako eh. kaya nga minsan eh, pag nagreregister ako ng unli, tapos nakareceive ako ng text galing sa 2870 ng sinasabing, U can now use your unlimited chuchu, nirereplayan ko ng, ows? di nga? tapos ayun, hangga't hindi sumasagot ng oo, hindi ako nagtetext, umabot nga sa puntong natapos na yung unli ko eh, di man lang ako nakapagtxt, ta*gn*ng globe, magulang na snob pa. ang korni. argh! haha.

mentholGUY said...

HAHA dapat ididemanda ka talaga ng Globe eh, naawa lang sayo.

:p Ngayon nga lang ako nakarinig ng ganyang klaseng load. Negatib. Astiiig! Nagpapautang na pala Globe ngayon! LULz

Baka nga error lang yan.

Rio said...

hindi lang globe ang madaya..pati sun at smart ang lakas magbawas ng load..

Angie said...

Hahaha! Ang kulit naman nang balance mo.

Try mo tawagan yung globe para maayos yan baka kasi isang malaking error ang nangyayari.

V said...

buti ka nga nabawi mo pa.. huhu. andami na nilang utang na load sakin na hindi mababawi ng globe rewards. hanggang 120 pesos lang ang pinakamalaking globe reward na nakuha ko. eh malaki pa dun ang nakain ng sistema nila.

apple :) said...

Magsmart kana sis! HAHAHA. Ikaw pa tuloy ang nagkautang! San kapa? Hahaha.

Funny story :)

KRIS JASPER VAN DYKE said...

tonto ang mga yun... di ka tuloy naka focused sa seminar nyo... dapat e-demanda mo sila...

lol.

redlan said...

mag smart ka na. me na me. lol. at biruin mo may bagong pakulo na ang manloloko ngayon mostly sa globe subscribers sini-send. Hindi ito paninira sa globe ha. yung sister ko kasi tm tapos yung boss ko globe plan. same text ang natanggap nila at tawa ako. sabi: love last load ko na to please pasaham mo ako. bla bla. hindi ko pa natanggap to kasi smart ako. pero before may mga nati-text na: si atty ek ek to. nananlo ka sa ganyan ganito na paraffle o pacontest, ang number mo ang napili thru electronic whatta pak pok pok.

kingdaddyrich said...

nag panick ka naman agad. cool ka lang. :D

Tisay said...

rawr. di ako naman makarelate sa entry na ito, kc di ko alam kung pano nagwo-work yang mga ganyan. kaya wala akong ma-comment.

eto na lang, baka ine-april fools prank ka lang ng globe... sa june. hehehe!

hearts and kisses! :)

Cindy said...

tulog yata sa kangkungan yung mga tao sa globe at yung load mo. LOL. atleast narecover mo diba =)

chroneicon said...

classic! buti pinost mo! nag-enjoy ako sa pagbasa pero sana hindi na maulit ito! tae sila!!!

Islander said...

hahaha! kakaiba. akalain mo yun meron palang negative na load? post-paid ka ba?

Avee said...

naku d ka nag iisa ako naman eh smart eh mantakin mong kakaload mo lang d ka matawag kasi balance is not enough daw pero pag check mo ang balance andun ang load. anak ng tinapay gusto lng mag load ulit. ahahha Pero ang tindi ng sayo, me utang ka sa kanila hahaha!!

naku sutil ka din palang bata ka.

yarnhoj said...

ganyan na ang mga networks, lalo na pag unlimited ang pag-uusapan. kahit sun, may flaws din

pare-pareho lang sila lahat...kaya gaantext na lang ako lagi...

linglingbells said...

ang weird naman nun!

coldman said...

ang lakas mo sa globe! lol


paalam muna. =)

Saminella said...

Pwede pala yung negative balance?

























parang lablayp ko lang. Nega. Wushu.

Keiyt said...

Nakakalok yun ha! Nagkautang ka pa. :)) Naloka talaga ako. Pag nangyari sa akin yon, nakuu lang talaga. :))

Maldito said...

globe din ako..pero indi pa ako nakaranas ng ganyan....wala naman akong load parati eh..ahhahaa..

power..power to the people!

The Gasoline Dude said...

Bulok ang Globe! Mahina din signal nila dito sa bayan kong Novaliches!

Dakilang Tambay said...

@pedro-ahahahah..natawa naman ako dun. ikaw talga..

@menthol guy- ows, ako idedemanda? baka sila idemanda ko. hahaha.try mo din mangutang sa globe? hehe

Dakilang Tambay said...

@rio-lahat nga sila madaya. hehe

@angie-naayos na po siya.pero kung di talaga siya naayos nung araw na un, susugurin ko ang globe talaga. hehe

Dakilang Tambay said...

@v-naku kung di ko nabawi yan, pupuntahan ko ang globe at bitch mode ako dun. haha

@apple-ahehe..natry ko na actually lahat ng network apple, haha!

Dakilang Tambay said...

@krisjasper-ahahaha..kung pede lang tlaga.

@redlan-tlaga? hahaha.. ang ibig sabihin nyan, wag na daw tayo magcellphone. haha

Dakilang Tambay said...

@kdr-sympre sayang load ko. hihi

@tisay-baka nga inilipat na sa june ung april fools day? hehehe

Dakilang Tambay said...

@cindy-ahihihi.. baka nga nagkakangkungan pa sila :) namiss kita! welcome back!

@chroneicon-syempre naman. hanggang ngayon di ako makamove on jan e. hahah

Dakilang Tambay said...

@islander-prepaid po ako e. hehehe

@avee-asar talaga ang globe e. hahaha.ay naku matagal na ako sutil hehehe!

Dakilang Tambay said...

@yarnhoj-ahahaha.. ako nga ayaw ko na magload e. hehe

@linglingbells-oo nga e. hehe.. natatawa nga mga kasama ko nung natanggap ko un. hehehe

Dakilang Tambay said...

@coldman-ahahaha.. oi oi oi..san ka pupunta?

@saminella-i miss you! pede un! ahehehe

Dakilang Tambay said...

@keiyt-haha..ganyan din ako. naloka talaga ako

@maldito-ahahaha! tm naman yan e

Dakilang Tambay said...

@gasul-pareho kau ng bf ko!:)

churvah said...

ahaha..
buti na lng di aq globe..
pero sa smart minsan gnun din..

nangyayari yun madalas pag nag subscribe ka sa mga promo nila..kahit one time lng,then kahit di mo na ina avail ung service nila dumadating pa rin ng kusa at binabawas sa load..

kahit nman alin atang network gnun.

buti na lng ala akong fon ngaun..
tipid load..hahaha.

bunso said...

whahaha, dami load, penge..hehe..ito number ko... 09----, wag na lng...hehe...

ei di po ako inlove, hmmm, di pa kc ako bakla..hehehe...

ingats po...miss you po...

technofied said...

Naku, baka may interes yang utang mo sa Globe. I-report na agad!

Nung mabasa ko yung title, akala ko tungkol sa isang memorable na kaganapan noong October 24. Hehe.

toniiiiiiii said...

flip talaga ang globe minsan. it happens to me a lot. kaya super tempted na ko magpalit ng sim.

ayzprincess said...

ako rin lageng kinakain ng globe ang load ko.. andami dami ko na ngang reklamo sa globe!

pero never pa naman akong na negative :P

my-so-called-Quest said...

may load ka pa ba mk?
ako bahala next time!

malakas ako sa globe e. hehehe


ingats mk. miss yah!=]

arvin said...

Haha, negative na load. Nakakapraning naman niyan, grabe. Anu kayang programmers ang meron sila, hmmmm. Sana naman ayusin nila yung service nila. NagGlobe ako dati pero sandali lang. Di ko pa naman naranasan yan:)

dyosa said...

nyahahahahaha! panalo, nagkautang ka pa sa globe.

pinasaya mo na naman ang araw ko Mia. :D

yvan said...

ahehehe... nagka-utang ka pa ata sa globe...

blog hopping :)

RJ said...

globe user ako eversince, pero hindi na ko kuntento sa service nila lalo pagdating sa roaming. nakakabwiset na.

FerBert said...

omg nakautang ka sa globe.. hahaha

UtakMunggo said...

mag smart ka nalang para maiba naman ang problems mo. hehe wala naman yatang network na da best talaga.. maliban na lang kung mag mental telepathy ka nalang, tipid pa. ahaha

pero kaloka yang negative na balance ha. parang credit card na kailangan mong punan? haha

Dakilang Tambay said...

@churvah-oo smart nga nangangain ng load. heheh :) mas tipid pag alang fone. ehehehe

Dakilang Tambay said...

@bunso- daming load? may utang pa nga po ako e. hehehe.. nku inlove ka e. hehehe

@technofied- ahehehe.. naku tae talaga sila. ako pa nagkautang. heheh :)

Dakilang Tambay said...

@toniiiii- talaga? nag-negative na balance m? hehehe

@ayz- naku ibig sabihin nyan wag na tayo magcellphone.. walki-talkie na lang. hehehe

Dakilang Tambay said...

@mk- naku wala mk. load-an mo nga ako, may allowance ka na naman e. hahaha

Dakilang Tambay said...

@arvin- ay naku tama ka. hanapin mo nga. hahaha :) ako lang ata nakakaranas nito e. hehehe

Dakilang Tambay said...

@dyosa- salamat at napasaya po kita. hehehe:)

@yvan- oo nga e. samantalang nayaman sila sakin. hahha

Dakilang Tambay said...

@rj - puso mo ehehehehe

Dakilang Tambay said...

@ferbert- tae ka bumalik ka pa. hahaha :) pa omg omg ka pa na nalalaman. hehe :)

@utakmunggo- naku smart naman nangangain ng load hahah.wag na daw magcellphone. mag walkie talkie na lang daw. hehehe

mnel said...

hahaha! ang kulet. negative balance??? =P magline ka na kasi mia. :P

beero said...

di lang ikaw ang nakaranas na mag-negative ang balance. naranasan ko din yan 2 weeks ago. hehe. -4.79 ang load ko nun. akala ko epekto yun ng pagi-internet ko using my cp. pero di naman pala. nagpa-load ako ng 25 then later on nadagdagan pa load ko. hehe.

na-add na nga pala kita sa links ko. hehe. globe ka pala? ano number mo? hahahah

Frances said...

Bago yang pauso ng globe a. -10.40. ((= pero kaasar a. amp.

onga pala, pahiram po nitong picture na'to a! (: