Monday, June 16, 2008

Anniversary

Isang taon...

Isang taon na rin pala tayo, naalala mo ang araw na unang naging tayo, alam ko ikaw na ang pinakamasaya na tao, syempre ako rin masaya kasi alam ko hindi mali ang desisyon ko na ikaw ang pinili ko na mahalin. Alam ko na magiging masaya tayo, alam ko na magiging matatag tayo at alam ko na mamahalin mo ako ng sobra sobra.


Masaya ako kasi hindi nga ako nagkamali. Ikaw lang ata ang tao na sobrang umintindi ng mga pagkakamali ko, ng mga topak ko, ng mga mood swings ko, ng kalokahan ko at ng mga kalandian ko. Hanga ako sayo kasi ikaw lang ang nakatiis sa akin, at dahil dyan lalo pa kita minahal ng sobra.

Unang beses ko magcelebrate ng ANNIVERSARY. Alam mo naman yun diba? Ikaw lang kasi yung una kong boyfriend na tumagal talaga kasi isa lang naman ang naging ex-boyfriend ko diba? Alam mo sa totoo lang di ko akalain na magtatagal tayo, hindi ko akalain na mas mamahalin mo pa ako at hindi ko akalain na kaya mong intindihin ang mga kalokohan ko.


Tama nga si ma'am swerte ako sayo dahil sobra ka magmahal. Kahit na sobrang nasasaktan ka na, pilit mo pa rin inuunawa ang lahat.
Maraming salamat sa pagmamahal, maraming salamat sa lahat at maraming salamat dahil dumating ka sa buhay ko.

Alam mo bang love na love kita? Ayan alam mo na at alam na ng lahat. At proud ako sabihin na mahal na mahal kita :)





Happy 1st Anniversary dhie!

Ang cheesy ko diba? :)


ilabyu,
MIA :)


48 comments:

angie said...

Happy Anniversary! More anniversaries to come.

Stay in love and if ever you have a problem you now where am at. Sarap naman talaga nang feeling nang in love.

Dakilang Tambay said...

@angie- salamat po sa pagbati at sa suporta! :) love you sissy! :)

xG said...

hanuberr mia
ininggit mo naman ako
alam mo naman
na ako ay nagmamayari
ng sugatang puso
hahahahaha

happy anniversary
sa inyo ni dhie
:)

Dakilang Tambay said...

@xg- di naman po kita sinasadya na inggitin. hehe. hayaan mo xG darating din si mr.loveofyourlife. shet. hehe :) salamat po sa pagbati :) mwah!

FerBert said...

ang daming inlab... yay! masyado atang masipag si kupido ngayon sa pagpana ng mga puso.. Happy Anniv sa inyo mia! basta imbitado ako sa kasal mo ha. lib

Keso.. Napakakeso.. Mas makeso ka na sakin.. weee.. mabuhay ang mga Keso! :D

lorefel said...

hi, i just stumbled on your site. i look forward to future posts. congrats on your anniversary!

ragayano said...

preho taung hopeless romantic ngaun ah?

check out my entry "Thank You"

^_^

Pedrong Tsuper-hero! said...

nasa on-the-go playlist ng i-pod ko yang i'm yours ni jason mraz. wala lang nasabi ko lang, tsaka para masabi lang din na ay i-pod ako, kunyari big time ganun, haha.

maligayang isang taon ng inyong taos pusong pagmamahalan.
naway magpatuloy kayo sa landas na inyong tinatahak.
manatili kayong maligaya at sana ay magbunga pa ng maraming taon ang inyong napakatatag na samahan.
pag-ibig rocks!

happy anniversary, paburger ka naman! :D

Mel Avila Alarilla said...

Hi,
You really have the guts to put the name of your BF in your Blog Catalog profile. Iba ka talaga. Sana huwag siyang aswangin nang iba. I really admire the openness of your feelings for him. I hope he feels the same way as you do. HAPPY 1st ANNIVERSARY to both of you. God bless your relationship that it may last a lifetime. Favor lang sister, pakialis lang yung mura sa sidebar mo, nakakailang kasi. Kung pwede lang naman. Thanks for your touching post. God bless you both.

Tisay said...

mia! happy anniversary sa inyo ng boylet mo. :) sweet naman. heheh!

monica said...

syet and sweet!!! kakainggit! hehehe.. happy anniversary sainyo!!!

Rachel said...

it was so sweet nice naman. kakakilig ah. bihira na lang ang tumatagal ng ganyan, kaya youre both lucky!

chroneicon said...

unang anniv! aawwwwww... dagdagan pa yan!!! wohoo!!!

my-so-called-Quest said...

huwawwwwwwwwww!
nako mk! happy one year!

malaki na utang ko senyo ni dhie!
hehhe

libre check up na lng. pwede ba un?

ingats kayo palagi. more years to come=]

ifoundme said...

wow... ang cute niyong 2.. happy anniversary!

Dakilang Tambay said...

@ferbert-ikaw din naman inlab ah.. yihee.. :) salamat sa pagbati.. mabuhay ang mga keso

@lorefel-salamat po sa pagbati! :)

Dakilang Tambay said...

@ragayano-sarap maging romantic noh:) hehe! sure check ko po siya!salamat sa pagbati!

@pedro- tae ka, pinaalala mo ang ipod video ko na nawala. nalungkot naman ako. hay.

ayun salamat sa pagbati po! :) hihihi..weee..napakadrama mo..

Dakilang Tambay said...

@mel- syempre naman po. sobrang proud po kasi talaga ako!@

@tisay- salamat po! hihihi.. sana magtagal pa ng sobrang tagal..

Dakilang Tambay said...

@monica- salamat po! :)

@rachel- wee.. buti na nga lang po nagtagal kami at sana tumagal pa ng sobrang tagal.. salamat po sa pagdaan

Dakilang Tambay said...

@chroneicon- hehe..sana na mgtuloy tuloy na toh

@mk- weee.. naku sige libreng check up ah! :) hehehe:)

Dakilang Tambay said...

@ifoundme-weee..salamat po!

Abou said...

makikisawsaw na rin ako sa mga pagbati.


happy 12th month sa inyo!


gudluck sa mga pagsubok na darating he he.

Dakilang Tambay said...

@abou- ahehehe.. salamat po! :) tats naman ako

Tric said...

Awww ang sweet mo naman. Talagang mas nakaka-antig ng damdamin pag filipino ang ginagamit para magsabi ng nararamdaman. :)

Happy anniversary sa inyong dalawa! More years for the two of you! Stay happy! :)

Dakilang Tambay said...

@tric- sana nga mabasa nya to at maappreciate nya. hehe :)

salamat po sa pagbati!: )

RJ said...

wow, ang sweet naman. more to come! =D

Cindy said...

naks miakins naiiyak ako! hahahah. happy anniversary senio dalawa im so happy for you!

Dakilang Tambay said...

@rj- hehehe.. salamat po! :)


@cindy- naiiyak ka ba? hehhehe:) salamat sa pagbati :) uy namimiss na kita!

redlan said...

kinilig ako ha. parang itataob ang lab team ni ann at sam ha. hehehe. happy anniversary sa inyo. magpawalang hanggang pagmamahalan.

♥ KaThYcOt ♥ said...

huwaw! 1 year na sila! uy... :) congrats and may you have a lifetime blissful years ahead!

stay in love!

Mosquitero said...

ang sweet naman. sana kami din ni master ko. hehe.

PoPoY said...

yihiii!!! congratumalation miatots 1 year and still counting naks :)

yeye said...

happy bertdey sa inyo ni dhie mo heheehhe ang sweet!!

:)

francesca said...

congrats sis! :)

kingdaddyrich said...

ippm sana kita sa YM para batiin pero wala ka pala.

aantayin na lang kita ulit sa YM para personalized ang bati. :D

Kisty said...

Aww. So sweet! :)
Sana someday, I'll find someone a love that'll last.

Dakilang Tambay said...

@redlan- hehehe..salamat po! :)

@ate kathy- weee.. opo nga po! idol ko kasi kayo ni kuya amiel. hehehe

Dakilang Tambay said...

@mosquitero- hehehe. oo naman! basta di magfafade love nyo!

@popoy!- hihi.. oo nga e. one year one day na kami! hehehe

Avee said...

uy hapi anibersari sa inyong dalawa

KRIS JASPER VAN DYKE said...

awww...

hapi anniversary sa inyo.. and more years to come..

jojitah said...

yiheeee!

happy anniversary sa inyo ni dhie. kakakilig naman. :D makapagpalit kaya ng boytoy para makapag-pers anniv ulit. wahahahaha! op kors i'm kidding. :P

Dakilang Tambay said...

@yeye-salamat sa pagbati! :) apir!

@francesca- salamat po

Dakilang Tambay said...

@kdr-napm mo na ako at maraming salamat talaga! :)

@kisty-oo naman, just wait :)

Dakilang Tambay said...

@avee- salamat po!

@krisjasper-thank you po! :)

Dakilang Tambay said...

@jojitah- hihihi.. boytoy? ang cute.. hehehe :) salamat po sa pagbati! :)

jamie said...

wow naman! ang sweet! haha.. happy anniversary! Good luck to both of you! :] sana nga tumagal! FOREVER!

Nang Magblog si Winkii said...

ang sweet. :) kami last May 5 kami nagcelebrate ng anniv. Nagbabloghop lang ako. Gawi ka sa site ko ha? Salamat!

dodong flores said...

Wala akong masabi...
Ang swerte-swerte talaga ng boyfriend mo s'yo :)