Monday, June 30, 2008

dakilang tambay no more

at last.. after 2000 years.. masasabi ko na hindi na ako dakilang tambay.. masasabi ko na may work na ako..

June 15, 2008, meron meeeting ang SAS para sa alumni homecoming namin sa February 2009. bale ang presidente ng alumni association ay si Doc Rico, na siyang may-ari ng Gen Trias Maternity and Pediatric Hospital dito sa amin. natapos na ang meeting at ayun nakita ko si kuya joven na forever guard namin sa school namin. aba, kinausap ba naman si Doc Rico na "RN na daw ako" ayun, pinapunta ako sa June 16, 2008 ni Doc sa hospital nya para kausapin si ma'am shiela.

June 16, 2008. anniversary namin ng mahal kong si dhie. may appointment ako with Doc Rico, pinakilala nya ako kay ma'am shiela, volunteer na lang daw muna ang available, ggrab ko na din yung opportunity. ayun nagvolunteer na ako bilang staff nurse sa hospital. volunteer, meaning wala munang sweldo, pag nagka-slot e di meron na. ok na din sa akin yun dahil at least nagagamit ko ang pinag-aralan ko at ok lang din sa akin ang wala munang sweldo dahil malapit lang naman sa bahay namin iyon.

June 18, 2008, first day is the day. kinakabahan ako na na-eexcite. para bang natatae ako pero hindi naman. haha. ayun, pinakilala ako ni ma'am shiela sa mga staff at sobrang friendly nila. parang at home na ako sa first day ko. love ko na nga sila e.

June 30, 2008, 14 days na ako nagwowork. masaya sobra. marami akong natututunan kahit na alang sweldo. hopefully magkaroon na ako ng slot para naman may datung na ako. hehe :)


PS:

AKO PA RIN ANG DAKILANG TAMBAY.

FB, WAG KA MANGARAP AGAWIN ANG TITLE KO. HAHA! :) BELAT!



37 comments:

Trina Labandera said...

fulfilling naman mia ang pagvolunteer. mabuti naman at na eenjoy mo ang kawanggawa. bless you child. magkakaron ka rin ng magandang break.

miiszangel said...

sabi sayo meron ding dadating na work na talagang para sayo e.

nice to hear that you are having fun kahit na walang sweldo.

Tisay said...

wow! good looks. congrats to you mia. maganda din ang pag volunteer, at least nagge-gain ka na ng experience.

have fun at work! apir!

utakGAGO said...

Pakigamot naman ang sakit ko sa puso...


LOL!

gillboard said...

congrats... good luck sa iyong trabaho!!!

yeye said...

RN na RN na ang ate hehehehehehe

Pedro said...

nung bata ako, gusto kong maging doctor.

para makatulong ako sa tao.

hindi importante ang pera.

ang importante, eh yung mga kapwang matutulungan.

tapos tumanda na ako.

naisip kong kagaguhan lang pala mga naisip ko nung bata.

importante pala ang pera. hahaha.

napakabuti mong nars. isa kang huwarang pilipino.

saludo ako sayo nars mia. :D

ifoundme said...

welcome to our world... the world of underpaid or unpaid overworked nurses na minsan ay nawiwindang sa mga kasungitan ng mga people of the world, may sakit man o wala. hihihi! pero di bale... ok lang yan... wala ka naman choice eh kagaya namin. hihi!

Islander said...

volunteer is the keyword nowadays for employment. most employers are hiring staffs that has backgrounds. so sa hirap ng buhay ngayon, di bale nang volunteer. ikaw din naman makikinabang.

"ayi" said...

finally :D

congrats..congrats..congrats...

ate mia..

lunes said...

naku mia, ayan na. nagsisimula na ang pagiging tunay na nars mo! congrats.

wag kang papayat. ingat lagi. ipagpray ko na ilayo ka ni Lord sa errors..mwah!

my-so-called-Quest said...

malapit na yan mk.

intay ka lang saglit=]

mabait naman si docRico=p

Ishna Probinsyana said...

wow! congrats Mia! hindi ka na nga tambay! ikaw na ang dakilang volunteer ngayon. haha. :P miss na din kita! mwah!

chroneicon said...

at kapag nagkasuweldo ka na, magpakita ka na sa amin at manlibre ;) feeling close ako haha...

FerBert said...

ibigay mo na sakin ang titulong dakilang tambay.. mas deserving na ako kesa sayo! hahaha

DK-FB!

ayos ayos!

bunso said...

congrats po! msarap tlga mgvolunteer, kso mas masarap din ang may sahod hehehe...

Anonymous said...

malapit na rin ako
woot
:)

.xG

Rio said...

congrats mia!...

masaya naman ang mag volunteer e..=)

jep said...

volunteer na rin ako.. saya naman.. wala rin allowance pero okay lang.. maraming natututunan.. charting the best tlga hahaha.. saya rin pag may estudyante eh... nagpapatulong.. sila na rin ang nagVVS hahahaha...

jamie said...

congrats ate! may trabaho kana! magkano sweldo? lol.. nyahaha!

dakilang tamabay ka parin.. lol.

KRIS JASPER VAN DYKE said...

dami na cgurong nurses ngayon jan no? cge lang.. ako rin, di ako nagkaroon ng paid job sa pinas noon. Volunteer for 2 years.

bariles said...

Wow! From the world of the unemployed, welcome to the world of the underpaid and overworked PInoys!

Yeheey!

Love your work, nag-iisa lang yan! :)

Cheers from the Tuna Capital! :)

napunding alitaptap... said...

hello mia, um, sabi ko lan sa friend ko kanina"

"what is tambay?"

ahahaha... naging tambay din kasi ako ng matagal tagal. at talagang hindi ko rin ikinahihiya na tambay ako..wahahaha. saya kaya!

e nayun volunteer ako sa isang sped class sa local school dito. wala ding sahod, at minsan, di ko na gugustuhing magkasahod pa.

pero ika nga ni pedro, importante din(in a way) ang pera. hehe.

Gb mia,rn. . . shoshalnashoshalangtambaynaito! ahahaha!

flyfly!

napunding alitaptap... said...

teka, ill just clear things. . .

joke lan yun "what is tambay?"-me

"so feeling mo naman, dahil may volunteer work ka na. . . "-friend

pero natawa sya sa tanong ko kasi nga lagi kong binabanggit before na tambay ako. . . and all those bum shits, PROUD THOUGH. ahahaha. tapos ngayon, yup, actually nayun araw hindi ako pumasok

"namiss ko kasi ang pagiging tambay" ahahaha. .

reyna elena said...

anak ni narsisa oo! congratulations! at ako naman ngayon ang gusgusing tambay! hahaha!

Tric said...

Congrats!! :) Happy for you! :)

† Yods † said...

congrats sa work! weee!

karmi said...

wow, di ka na talaga dakilang tambay, pero sau pa rin ang tronong un dito sa blogosphere. =) congrats..

ok yan, magkakaron ka na ng experience.. malay mo magkaslot agad.. :D datung agad yan.. ^_^ hehe..

tc!

linglingbells said...

naks naman!! ok lang yan, kahit volunteer, yung iba nga, as in walang trabaho, di man lang nagagamit yung mga pinag-aralan nila..

yaan mo, magkaka-slot din dyan!

gudlak sa trabaho!!! go go go! :D

yarnhoj said...

i am so happy for you. congrats! i pray na magka-slot ka na nga. parang ako. may slots na ako sa radyo. 3-hour slot 4 times a week. hehehe. ang saya.

pasensiya na kung hindi makablog at blog hopping. busy pa eh.

Blog2u said...

Congrats congrats on the new job! Nagpapasalamat din kami na di ka na nagtatambay.

Blog2u said...

Congrats congrats on the new job! Nagpapasalamat din kami na di ka na nagtatambay.

UtakMunggo said...

congratulations!
hay ang tamis nga naman ng unang trabaho...
nawa'y maging mabuti kang nurse sa iyong mga pasyente.
dignity, quality of life, and the whole nine yards.
andami kasing nurses na kinalimutan na ang florence nightingale's pledge at sa pera na sumumpa.
God bless your endeavors, miatots!
:D

Nang Magblog si Winkii said...

saludo ako syo. :)
yan din ang gusto kong propesyon, kaso ayaw niya ata skin.

mr_d said...

sabi sa iyo mia humingi ka ng sahod kahit 1kilong bigas. hehehe. wala na si fb na ang dakilang tambay. tsktsk hahaha

mnel said...

mabuti na yung ganyan para nappractice mo ang pinag-aralan mo. ;)

ipasa mo na kay ef bee ang titulo. dapat sa iyo eh, dakilangalila. hahaha

Pietro said...

My name is Pietro Joaquin and I'm the webmaster of http://pinhole-glasses-direct.com/

I wanted to know if by any chance you would be interested in doing an unbiased review of one of our products.

If you agree, we will send you a product sample so that you can try it and then write a review about it. Please note you won't have to return the product sample after publishing the review.

Please let me know if you are interested.

Thank you

Pietro Joaquin
pietrojoaquin@gmail.com