Wednesday, June 4, 2008

paputok

Nanood kami ng pyro olympics last week maganda at nakakaaliw ang mga fireworks. mas masaya sana kung mas malapit kami kaso may bayad kasi, e kumusta naman yun, ang dami kaya namin.



the gang!



my family! :)


magkababata! ayun ung first crush ko
yung mataba na katabi ko! yung malaki yung tiyan! haha

Galing kami nun sa condo blessing ng family friend namin. Mag-aaral kasi siya sa La-salle Taft kaya nagcondo siya. Sobrang ganda ng condo, pero maganda rin naman kasi ang presyo ng pagkakabili nila. Inaangkin na nga namin nina Jovin yung condo e. Pamatay din ang tv nila. grabeng kalaki. imagine isa lang siyang titira dun at kumusta naman yun, 16 years old pa lang siya, hay ang sarap ng mayaman.


after ng condo blessing diretso kami sa Josefina's doon sa may seaside macapagal. ang sarap ng buttered shrimp nila, nung deep fry hito, yung chili crab atbp. libre yun lahat ng family friend namin. halos 30 katao kami un. imagine-in mo ang nagastos nya. hindi ko yun ma-imagine, nag-enjoy na lang ako sa pagkain ko.

napagdesisyunan namin na manood ng pyro olympics after kumain pero hindi sa may MOA dahil baka hindi na kami makauwi after nun dahil sobrang trapik. hindi na sumama yung iba kasi sumama na yung pakiramdam nila at may gagawin sa bahay yung iba. ayun dun na lang kami sa may Mcdonald's Macapagal. dun sa may likod dun. ayun kitang kita namin yung fireworks. kakaenjoy at ang ganda talaga. lalo na yung heart shape na paputok.

masarap sana manood ng fireworks pag kasama mo ang labs mo e. moments ba ito? haha!

ENJOY THE VIDEO! Pasensyahan nyo na kung maingay kami. hulaan nyo na lang kung nasan ang boses ko! hehe.









42 comments:

Jmar said...

Wow! Fireworks! Kainggit naman! I wish I saw pro olympics too! LOL.

Pedro said...

Ang ganda pa nung makatayong balahibo na dulot ng orchestra. Nakakatuwa yung pyro, kasi kahit mga bulag at bingi eh mag eenjoy, ang mga bingi sa makulay na kalangitan at ang mga bulag sa magandang putukan at tugtugan.

xG said...

naiinggit ako
gusto ko manood ng pyrolympics e
hay
:|

swerte mo

my-so-called-Quest said...

e bat di mo ko sinama?
nakita nakita! ahihihihi

ingats mk!=]

ayzprincess said...

alam mo bang andun din si jeck nung araw na yun..

oo ang sarap talagang maging mayaman.. dati ang past time ko ay kulitin ang bestfriend ko na tumambay sa condo ng ate nya sa may rockwell..

grabe.. makapasok ka lang ng condo e parang ikaw na rin ang may ari. ahihih ang sarap! :D

gyk said...

nakapanood din kami ng pyro olympics last year naman. sa may moa. nakakabana, naka open lang bibig ko almost the whole time. loser talaga ako.

anyway. i missed you ate! uber!

lunes said...

kelangan ba ng katulong nung 16yo na family friend niyo?? dun sa condo niya??free ako..wehehe.

ifoundme said...

inggit akooooooo!!!!!

gillboard said...

all of the contestants in pyrolympics I got to see from our rooftop. NOt as great as being there but, it's ok.

RJ said...

di ba sila sanchai at dao-ming-su ay nanood din ng fireworks sa meteor garden? hahahaha masyado akong obvious! =D

nakapanood na din ako nyan nung 2006, first pyrolympics ata iyon kung di ako nagkakamali, parang mas masarap manood kung ikaw mismo ang nandun sa barge ng mga paputok. hahaha! parang giyera.

Jake The Miserable said...

Medyo special sa'kin 'yung fireworks display nu'ng Loovapalooza some three years ago. :)

repah said...

mganda naman yung pagkakuha ng video.. gusto ko nga pumunta dyan eh.. kso layu smin.. di ble parang napanuod ko n rin.. ehhh

Pedro said...

uso ba isnaban at walang pansinan ngayon? o busy lang talaga ang mga tao? hehe..katawa yung comment ni lunes, matanong ko na nga din, body guard, kelangan din ba nun? free din ako. haha..

mentholGUY said...

Bonggang-bongga ka Mia ah. Papyro-pyro olympics ka na lang at pa-condo condo blessing!

DIBA SAYO YUNG BOSES NA MALAKI SA VIDEO? lololz

Tric said...

Gusto ko rin manood ng Pyro kaso ang daming tao parati!! :)

> Vanny said...

nasave ba comment ko?? hnde yata. ulitin ko na lang..

hnde ako nakapunta sa pyrolympics. namiss ko 2loy yung pag ilaw sa heaven..

bloghoppin po!
;)

Maldito said...

masarap sana manood ng fireworks pag kasama mo ang labs mo e. moments ba ito? haha!---

paki explain naman yan aber?nagpaparinig?ahahhaa......flip lang ako..hu hu hu..

oo...maganda nga yan manuood.kagaya namin nungnag new year...sa loob ng opisina nag new year....tapos kalevel mo lang ang mga paputok dahi nasa building ka..yahoo!

dyosa said...

ang ganda ng mga fireworks display. alam mo gustung-gusto kong manood nyang pyro na yan, kaso walang gustong sumama sa akin. LOL.

Dra. Rio said...

sayang! sana nakapunta din ako..ang layo naman kasi nyan e.=)

apple :) said...

I love fireworks!!! if ako ang nakapanood nyan baka nakaopen mouth ko the whole time until matapos! hahaha.

KRIS JASPER VAN DYKE said...

swerte naman ng family friend mo... sarap nung foods na bili niya sa inyo.. ginutom ako... sana maging family friend ko din sia... lol.

Dakilang Tambay said...

@jmar- next year meron ulit nyan!:)

@pedro-tama ka jan! kahit may kapansanan naeenjoy ang mga fireworks!

Dakilang Tambay said...

@xG-hayaan mo next year manonood tayo, papalibre tayo kay mariano! hehehe!

@mk-e nasan ka ba? tsk tsk.. kuh madaya ka! haha

Dakilang Tambay said...

@ayzprincess-talaga? hehehe.. sayang naman..oo nga e.. nagffeeling rin ako pag nakapasok na ako sa condo e. hehehe

@gyk- last year din napanood ko sya. maganda yung heart shape na fireworks. hehehe.. i miss you too gyk! mwah

Dakilang Tambay said...

@lunes-ahehehe..naku mare. kung kelangan nga lang sana nagapply na ako. hahaha

@ifoundme-meron pa naman next year!

Dakilang Tambay said...

@gillboard-mas maganda sana kung mas malapit kaso ang dami kasing tao e. haha

@rj-ahaha..oo nga e.. naalala ko ang meteor garden.. hehehe.. mas maganda nga kung mas malapit ka dun e.. feeling mo sayo babagsak lahat ng fireworks.. hehe

Dakilang Tambay said...

@jake- yihee.. may naaalala..

@repah- ahehehehe.. yaan mo next year mas madaming fireworks ako na ivvideo. hehe

Dakilang Tambay said...

@pedro-uy sorry busy lang po ako.. heheh! oo nga e.. gusto mo rin mag-apply bilang katulong? hehe

@mentholguy- ahahaha..wala kasi magawa eto talaga.. oi di naman malaki boses ko e. pisnge ka talaga

Dakilang Tambay said...

@tric- ay tama ka dyan.. tuwing weekends meron silang fireworks display sa moa kaso di kasing ganda at galing pag pyro.. hehe

@vanny- yaan mo may next time pa naman!

Dakilang Tambay said...

@maldito-anubayan! ako na naman ang dahilan kung bakit ka nagddrama.. hehehe... naku oo nga .. mganda din ung nasa building ka.. hehehe

@dyosa- naku marami naman sasama sayo.. ikaw talga hehe

Dakilang Tambay said...

@dra-rio- next year na lang dra. hehehe!

@apple- naku pareho lang tayo sissy!

Dakilang Tambay said...

@krisjasper- oo nga e.. pag naiisip ko nga ulit un nagugutom ako.. haha

ToxicEyeliner said...

wow!

saya nio naman! =D

Dakilang Tambay said...

@toxiceyeliner- oo nga e.. sana nga meron pang next year! ehehehe

Ruthan said...

pag kasi sinabing tapos na.. tapos na.. pero pag yoko mo.. meron pa palang fireworks na bonggang bongga..(madalas manyari sakin ang ganun.. linsyak!) hehehe..

kelan ulit ang pyro olympics??

bonggang-bongga! 16 yrs old may condo na! wagi!

UtakMunggo said...

naku sa kabihasnan lang meron niyan. dun sa aming fravins eh pati new year ipinagbawal na rin ang fireworks ni meyor.

dito naman sa pinagtaniman sa akin ni lord, one week bago mag-halloween labas lahat ng uri ng fireworks at paputok para sa bonfire night. ang mamahal ng mga lintek. nood nalang kami sa bintana, mura na, safe pa. haha

pero talagang masarap ng live fireworks.

Shari said...

Hey! Wow i wanted to watch the Pyro Olympics also! Inggit ako!

Coldman said...

wow! sarap naman ng bonding moments ng buong pamilya!

malapit na rin ang fireworks dito sa July!

Ingatz!

E-Tavasi said...

Wow... i like fireworks... it nice :)

Avee said...

uyyyy ayan meron na din akong tagalog blog. hihihi

Avee's Adventures
Fil-Am Stories
Essay of Life
All About Reviews

The Gasoline Dude said...

Bakit dito hindi kamukha ni Benjie Paras yung Dad mo? Dun lang sa isang pic? Hehe.

Matagal ko nang binabalak pumunta ng Pyro Olympics last month. Pucha walang natuloy sa mga balak ko. Ang sama kase lage ng panahon di mo alam kung matutuloy kase daming araw na umuulan.

mnel said...

sa loob ng tatlong taon na may pyrolympics, ngayon lang ako di nakapanood. wah. wala kasi akong kasama. =( sayang!