Tuesday, July 15, 2008

busy bee :)


hoy hoy hoy.

buhay pa ako. Akala nyo lang deds na ang dakilang tambay, pero nagkakamali kayo. Siguro kung friendster lang ito, close na ang account ko. Ang tamad ko kasi maggawa ng entry dahil busy ang lola nyo ngayon sa boys ay sa work pala.

mag oone month na ako sa work na walang sweldo, masaya na mahirap kasi hindi mo maiiwasan na hindi ka pag-usapan. Keri ko naman e, alam ko na kasama sa trabaho ang pag-usapan ka ng ibang kawork-buddy mo sa kadahilan na bago ka pa lang. Minsan kelangan mo na tumahimik para wala na silang masabi tungkol sayo. Aaminin ko nung una nahirapan ako mag-adjust, feeling ko susuko na ako pero sabi ko pag ako sumuko ibig sabihin nun totoo ang sinasabi nila sa akin, at dahil mapride ako minsan ayoko naman sabihin na TALO ako.

Minahal ko na ang trabaho ko at minahal ko na ang mga newly found friends ko na alam ko true friends talaga sila. lalo na yung mga kuya ko. Nung bata pa ako gustong gusto ko talaga magkaroon ng kuya, siguro kaya close ako sa mga boys na minsan namimisinterpret ng ibang tao kaya nasasabihan ako na malandi na hindi naman totoo. Masakit para sakin na sabihan ako ng malandi kasi alam ko naman sa sarili ko na hindi totoo yung mga sinasabi ng iba. Ayaw ko naman makipagplastikan at hindi makipagfriends sa mga lalaki para lang makaiwas sa sinasabi ng iba. Nagpapakatotoo lang ako. Sila na bahala humusga kung ano ang gusto nilang sabihin at tingnan muna nila ang sarili nila bago sila manghusga ng ibang tao.

PS:

sana may mabuting tao na pede gumawa ng header ko. hahaha :) labyu ol!


32 comments:

reyna elena said...

ah basta be yourself anak! kung di nila ma-take na maganda ka, wez maghanap sila nang psychologist para mag-appreciate nila ang beautyness mo! ganun! and remember, always smile hehehe until it hurts hahaha hinay lang baka mag-lock jaw ka!

now, yong header? hehehe! me kakilala akong kuba sa tsina (www.kotsengkuba.com) hahaha o kaya naman yong tamad sa lucena (www.bluepanjeet.net) hahahah sila ang gumawa nang headers ko! walang bayad ateng! pinuri ko lang nang pinuri until na namaga ang nguso ko! hahahaha

Dakilang Tambay said...

lola, kelangan ko talaga ng header :( hehehe.,.

FerBert said...

bakit mo naman papalitan ang header mo?

nagtataka nga ako sa sobrang busy mo na update mo to.. tas nakakapagplurk ka pa minsan.. woot!

good luck sa mga tsismosong katrabaho.. pag uusapan ka talaga.. ang ganda mo eh..

reyna elena said...

yaan mo irefer kita dun sa dalwa heheha

churvah said...

hi mia..

naku..part talaga ng work yan.
lalo pa at bago ka.
i've been in the same situation nung nag work ako sa fastfood..

at mahirap lng basta dedmahin yun.
lalo na kung below the belt na minsan.

goodluck sa work mo!

The Gasoline Dude said...

Magpa-contest ka din tulad ng ginawa ni Greenpinoy. Parang "Pimp My Header" ang concept. Ikaw na bahala mag-isip ng prize. it doesn't have to big naman. Pwede na siguro kiss. *LOL* = P

Rio said...

welcome back , mia
talagal mo ngang nag hiatus..musta work ?

Tisay said...

Miaaa!! hihihi! harr, wag kang magpapa-affect sa mga chismoso. mga walang magawa lang yun, inggit lang sila sa beauty mo. siguro sila hindi nilalapitan ng boys. rawr! hahah!

bkit mo papalitan header mo? maganda pa naman ah? may picture. hehehe!

Coldman said...

wow! busy busyhan ka din pala?!


pagbutihin ang trabaho. lol!

Pedro said...

hay nako mia, wag kang nakikinig sa mga panget at inggitera. ganun lang talaga ang buhay, kung panget ka, hindi ka pag uusapan. ganun lang yun.

isa pa pala, dapat sinabi mo sa kanila yung sinasabi mo samin, iba ang malandi sa talandi, mga tanga!

at panget! haha, humabol pa. :D

Nanaybelen said...

basta malinis ang conscience mo, hayaan mo na sila

mnel said...

ay! may issue ka rin???

haha. lahat na lang talaga ng maganda, ginagawan ng issue. tsk. parang artista lang. hehehe

alam mo, nung high school ako, naganyan din ako kaya nakakarelate ako sa iyo. nahusgahan din ako na malandi sa kadahilanang close ako sa mga lalake. eh anong magagawa ko? sa nakikipagkaibigan sila eh. tsaka parang mga kuya naman ang tingin ko sa kanila. kung sila, iba ang tingin sa kin eh di ko na problema yun.

hayaan mo lang sila mia. ganyan talaga ang mga inggitero at inggitera. if i know, may gusto lang yang mga makakating-dilang yan sa kanila kaya lang di sila pasado sa taste kaya ayun. bitter. hehe.

Nang Magblog si Winkii said...

wag mo silang pakinggan..
iba na tlga kpag insecure.

header? mgnda naman header mu ah?
ano bng gusto mong ilagay?

salamat nga pla sa pagdamay.

lunes said...

mia...

mabuti naman at medyo ok ka na over there..wehehe. hayaan mo na sila. maganda ka kasi.

mwaaaaah.

ingat jan mare..

miss u!!

Anonymous said...

keri na yan mia
yaan mo
the experience is worth it
kasama yan sa trabaho
:)



goodluck pa rin sa tin
:)



.xienahgirl

Saminella said...

hoy mia kamusta kna!



















i texted yu but no reply.

wanderingcommuter said...

hindi naman importante ang sasabihin ng mga tao...tama ka, above all, you should always trust yourself..

at pagdating naman sa header pasensyia na wala talaga akong alam sa mga ganyan..hehehe

ced said...

mamma mia...


miss na kita

my my, how can i resist yah.


haha!


miss u mk!=]

yeye said...

ayan nagupdate na si ate mia ahehehehehe

ok un ah napaguusapan ka..sikat! hehehehe

pagbutihan sa pagttrabaho :)

mang BADoy said...

dakilang tambay perst tym ko ba? or nakadaan nako dito dati at nalimutan ko lang... heheheh!

Kat said...

Kaya pala wala nang Mia Sortijas na tambay sa blog ko eh. :D

Anonymous said...

What's your friendster email?

Cindy said...

at least hndi kna tambay =)
nax working gehl na.
pero bakit walang bayad?
ay pbyaan mo na umga haters mo
gnun lang talaga un.
u cant impress everyone.

ingat ingat miakins
loveyah =)

Tric said...

Agree ako sa sinabi mo, bakit ba porket madaming friends na lalaki iniisip kaagad ng ibang tao na malandi na ang isang babae? Diba? Parang napaka judgmental ng ibang tao.

Bakit wala pang sweldo my dear? 15th na ah! Hehehe! :)

MAARTE said...

ahahahaha busy sa boys ha--este work pala!

ragayano said...

nice attitude...

tama yun, hayaan mo cla...

paki ba nila...

header, d ako artistic eh...

^_^

Kevin said...

Dapat black na lang header mo. Tas walang mukha. Nakakawalang gana eh.

Magaling akong gumawa ng header, pero dahil ikaw..

ang..

nakikiusap..

MAY BAYAD. haha. ewan, pag sinipag ako at pag kailangan mo pa.

:d yun lang.

KRIS JASPER VAN DYKE said...

kahit saan, parte na yata ng buhay ng mga tao ang tsismis... kahit nga d2 eh.

ok lang yan, at least feeling celebrity ka. lol.

The Islander said...

biglang ganun e noh.. haha.

ayos lang yan. sabi nga nila mas maigi na raw yung pinapansin ka kesa parang wala lang.

UtakMunggo said...

miatots!
wag na ikaw lungkot, inggit lang yang mga maria clarang hilaw dahil di naman lahat ng girls eh gustong barkadahin ng boys. alam mo, ang hiatus ay nakakasira ng prenship. balik ka na. tagal na tong post na to eh. hehe

PoPoY said...

miatots. ngayon lang ulit ako nakabisita dito sa site mo bago na pala.

wag mo nang pansinin ang mga sinasabi sau, tama ka, basta alam mo kung ano ka, at ano ang ginagawa mo at alam mong wala kang ginagawang mali, bayaan mo na silang humusga. ang mga taong yun ay hindi Diyos. Kaya wag kang magpadala sa mga sinasabi nila.

Insercure lang yung mga yun sau. Baka kasi pangit sila?? hahahaha

Ingats miatots! :D

napunding alitaptap... said...

howdy there. . . hehe, ika nga ng mga lolo't lola ol ober da world, may bunga lan ang punong binabato!!

shalaaaan! ahaha!

hmmm, ako din diba? walang compensation pero mas mararamdaman mo yun serbisyo, MAS TOTOO. walang kapalit.

flyfly!