Sunday, August 3, 2008

Agosto

Dahil Agosto ngayon, kelangan may maisip ako na maipost sa blog ko. Sa tinggin ko kasi nilalangaw na siya, meaning wala nang kwenta ang blog ko. shet mang aminin yun ata talaga ang totoo.

Sa aking palagay maayos na ang pakiramdam ko, hindi na ako maya maya napunta sa banyo para maglabas ng sama ng loob. Masaya ako sa pakiramdam ko. Feeling ko tumalino ako at naging mas healthy pa dahil nailabas ko na lahat ng toxins ko sa katawan. Ayos diba?

Unang araw pa lang ng Agosto sumabak na agad ako sa katoxican. Pumunta kasi ako ng NBI, may kailangan lang aayusin kasama ko si Rochelle (tropa ko nung higschool) at si dhie. Ayos nga kasi sumama si dhie, may taga pila kami lagi at taga reserve. kaya gumaan ang life namin Hehe. Enjoy naman sa NBI at lalo pa akong nag-enjoy dahil nakita ko si Friend (Joel), schoolmate ko siya nung college at sobrang close kami. Mas higher siya sakin ng isang taon kaya parang may kuya na ako, kuya na gwapo at mabait at magaling magbasketball. hehe. After lunch na kami natapos sa NBI. Pagkatapos nun, nagpunta kami sa Kalaw kasi kukunin ni dhie yung seaman's book nya. Ang daming seaman dun sa pinuntahan namin at naalala ko tuloy si Tatay, medyo nagtagal kami dun kasi nasa ilalim pa ata yung seaman's book ni dhie. Kaya ayun hapon na kami nakauwi. Dumaan muna kami sa SM kasi may bibilhin si dhie at kumain na din kami. Sobrang pagod na pagod ako nun. Pero keri pa rin.

Kinabukasan, nagpunta naman kami sa Las Pinas para magpaprint kasi mura lang print dun. 2 pesos per page. Kaya ayun, di ko expect na makikita ko si fafa Ran dun. Siya pa nga ang unang bumati sa akin e. Ayun konting usap at kinuha nya yung number ko. Namiss ko si Ran, kasama kasama ko rin palagi yan nung college kami tapos kamukha nya pa si Ryan Agoncillo. Magkabatch sila ni Friend at pareho silang basketball player. Sobrang close din kami nyan. Hindi naman masyadong halata na namiss ko talaga siya diba? hehehe. Ayun balik na tayo sa pagpapaprint. 82 pesos lang ang nagastos ko kaya tipid. Dun na rin kami naglunch at ang lunch namin, chicken strips na mura lang. hehe. masarap siya at yummy. hehe. after kumain nagpunta na ako SM at naggala gala tapos nanood ng The Mummy. Ang ganda nya at ang galing ni Jet Li kahit medyo matanda na siya. hehe.



Nakakapagod talaga. Tapos bukas duduty na ako. Balik toxic life na naman ako. Minsan naman isama nyo ako sa prayer nyo na sana wag na ako magkasakit. Salamat po at tatanawin ko yun na isang malaking utang na loob. ehehehe :)

Paano, kailangan ko na magbeauty rest. Paalam.


23 comments:

Anonymous said...

shet na picture.
nakakagutom.

pag-pe-pray kita.
God Bless.

Nang Magblog si Winkii said...

pagpepray din kita. :)

Lance said...

Sa aking palagay maayos na ang pakiramdam ko, hindi na ako maya maya napunta sa banyo para maglabas ng sama ng loob.

Sure ba na sama ng loob lang ang ipinalabas mo dito??hehehe
just kidding..
cheers!

The Gasoline Dude said...

Ang ganda ng design ng plato. *LOLZ*

berlai said...

maganda talaga yung the mummy? makapanood nga :)

Pedro said...

mukang masarap ang chicken.

ang dami mong nakitang kakilala, hahaha, ang galing.

di ako makapagcomment ng mahaba, may sakit din kasi ako ngayon, nahihilo ako sa harap ng pc.

ge ge. goodluck na lang at sana wag na tayong magkasakit!

Ishna Probinsyana said...

ang saya naman. andami mong nakitang kakilala. hehe. buti magaaling ka naa! :))

KRIS JASPER VAN DYKE said...

wow! ang linis! wala na siyang toxin sa katawan.

anw, buti naman at nasabi mong ok yung the Mummy... nabasa ko kc sa isang blogger kahapon na di raw ok so nawalan ako ng gana. pero i'll watch it sa Wednesday.

mr_d said...

hindi ka na talaga dakilang tambay. tsk tsk. magflush pagkatapos maglabas ng "toxins".

wanderingcommuter said...

naks, bagong template. i can relate, haggard pero dapat gawin... sisikat din ang araw para sa atin. HAHAHAHA

UtakMunggo said...

zero-in lang ako sa pa-print ha. ang mahal naman ng two pesos. hayblad! piso lang kasi dati pag clear copy, tapos singkwenta kapag ordinary.

Rio said...

pag pray k namin..ingat lagi mia

Abou said...

mia d best lay out natin a he he. gween he he ingat palagi

NOIME said...

oh noeeees. nagutom ako bigla. :| HAHA.

~ buti naman at ayos ka na ate. ako, ewan ko. laging nasakit tsan ko na parang gusto kong jumebs pero walang laman. hehe.

dyosa said...

buti ka pa napanood mo na ang The Mummy. makapanood nga sa weekend. ingat ka palagi! :-)

ayyzzz said...

pagpepray kita :D
hakhakhak...

nakakatakam ang nasa piktyor :D

repah said...

mia.. nku wag kng magpakapagod kc bka mhawaan ka ng mga pasyente mo kya di ako nag nursing dahil sa sobrang toxic.. kya mo yan.. pagpreprey kita.

taps said...

waw shiken

Cindy said...

namiss ko magbloghop! LOL

matulog ka nga. kwawa ka nman. prang pagod ka plagi.

yihee. fafa ran ha. juday is dat chu?

miss you =D

Holy Kamote said...

wow, ngayon ko lang uli nasilayan ang tambayan mo. bagong damit ah, parang pamasko. teka gusto ko kumain ngayon ng pakwan.

huh?

wag mo ng intindihin yun.

anywhy, gudlak sa'yong beauty rest.

UtakMunggo said...

kras na kras ko dati si jet li. hihihi

penge siken strips.

The Islander said...

idol ko si jet li. gusto kong lumipad katulad nya.

Chadchad said...

nakakagutom yung pitchur