Wednesday, September 24, 2008

anak

kagabi habang ako ay nagpapaantok at nagpapalandi, ay mali. hindi pala. naglalandi joke lang, merong balita na hindi ko nagustuhan. harujosko, may anak na daw ako. kelan pa nangyari yun? e ni hindi lumalaki ang tiyan ko. oo may belly fats ako pero laman nyan puro pagkain, taba at ibang kaek-e-kan. 

hay sus. ni hindi ko naramdaman ang paglalabor, ang probable, presumptive at positive sign ng pregnancy. ni hindi ko namonitor ang paghilab ng aking pregnant belly kung meron man. ni hindi nagrupture ang aking bag of water at walang bleeding na nangyari. anubayan.

ang mga balita nga naman o. bakit ba nila naisip na may anak na ako. mukha ba akong may anak? pagbabatukan ko ng isa ang mga naglabas at nagkalat ng isyu na yan e. 

at bakit ako lagi ang napagttsismisan. hindi naman ako artista, hindi ako sikat, at hindi ako karapat dapat na pag-usapan kasi wala sila mapapala sakin.

hay, ano kaya ang sunod na tsismis tungkol sakin? ikinasal na ako? o malala patay na ako? 

Sunday, September 14, 2008

mamam

masarap palang mag-inom pag may problema ka. pansamantalang nakakalimutan mo ang mga problema mo sa buhay. hindi ako manginginom, ocassionally lang. pag napagtripan at kung may problema man.




huli kong inom nung nagpaparty si Pedro sa QC pagkatapos nun, clean living na ako. kahit dati akong tambay, hindi ko naranasan mag-inom. strict kasi ang parents ko. bawal ang mga bisyo na ganyan. corny ng buhay ko pero sanay na ako e.


parang gossip girl. xoxo.

itong huling inom ko sa manila pa. kasama ko mga katrabaho ko. saktong sakto kasi marami ako problema. ayos na ayos mag-inom para makalimot. panget ang gimik namin na ito kasi nag-uulan. basa basa tuloy kami. nagsayawan sila pero hindi ako sumayaw kasi nabadtrip ko. iniinis kasi ako ng isa kong katrabaho. hay naku. pikon ko noh? haha.



after gumala diretso sa chowking para kumain. sarap sarap. haha


sarap ng pagkain. yum yum.

masaya maliwaliw pag kasama mo ang mga kaibigan mo. salamat sa pulang kabayo, lagi mo pinapasaya ang buhay ko.



 mga tropang blogosperyo, kelan ang next bonding. text nyo ako ha :) sana lang wala ako duty. hehe.

xoxo. mia pisnge

Saturday, September 13, 2008

open letter

nalulungkot ako, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. okay naman ako dati. madrama minsan pero mas madalas masaya. bakit ba kelangan humantong pa sa ganitong sitwasyon? actually sinisisi ko ang sarili ko kung bakit ang bilis ko sumuko. hindi ko sinasadya na saktan ka, hindi ko sinasadya na iwanan ka sa ere. sa totoo lang mas nasasaktan ako sa kinikilos ko, hindi ko na kilala ang sarili ko.

nahihirapan ako. ayoko pilitin ang isang bagay na alam ko hindi okay. ayoko maging plastik. gusto ko kung ano ang nararamdaman ko yun ang gagawin ko. hindi ko gusto na saktan ka. pero kailangan ko itong gawin para sa sarili ko. ayoko naman na ipilit na okay tayo, ayoko na unti unti kitang sinasaktan at binabalewala.

hindi pa naman tayo matatapos ng ganito lang. gusto ko lang maintindihan mo ang part ko. hindi kita totally iiwanan. nandito lang ako sa tabi tabi. gusto ko lang mapag-isa. kung tayo talaga para sa isa't isa tayo talaga. sana lang maintindihan mo talaga ako.

katulad nga ng lyrics huwag mo isipin na hindi kana mahal sarili ko'y hahanapin ko lang.

sana sa panahon na babalik ako, nandyan ka pa rin, naghihintay sa akin at handa ako tanggapin with both arms wide open.

nagmamahal,
mia irish pisnge

Wednesday, September 3, 2008

awting



rainy season na naman. syempre di na uso ang swimming, pero sa amin walang uso uso. basta maisipan na magswimming, go lang. parang ngayon. magsswiming kami sa los banos, laguna. ayos na ayos dahil off season ngayon, walang masyadong magsswimming.

kasama ko ang mga katrabaho ko. masaya kasi mas makikilala ko ng lubusan. nakakatuwa kasi ang saya nila kasama. puro kalokohan. puro tawanan. mas nafeel ko na belong na ako sa group nila.

bago kami nagswimming dumaan muna kami sa bahay ni Jose Rizal. ayos nga e, parang educational tour ang napuntahan namin. at nakakatawa kasi para kaming mga tanga na nagpipicture-an sa loob ng bahay ni Rizal.




After ng educational tour, nagpunta na kami sa splash mountain, masaya kasi nagreminisce ako ng swimming ko nung first year college ako. haha. nagslide kami sa mga pambata na swimming pool, nag-inuman, nagkantahan, nagbilliard, nagkwentuhan, nagtawanan, nag-asaran, nagswimming at naglaro na parang mga bata sa pool. para kaming nakawala sa isang malaking hawla.masaya sa pakiramdam.



sana lagi na lang outing para kahit minsan makalimutan mo ang mga problema mo sa mga bagay bagay. minsan kasi nakakasawa na mag-isip ng mga problema. masarap magpakasaya at makalimot kahit sandali.