Wednesday, September 3, 2008

awting



rainy season na naman. syempre di na uso ang swimming, pero sa amin walang uso uso. basta maisipan na magswimming, go lang. parang ngayon. magsswiming kami sa los banos, laguna. ayos na ayos dahil off season ngayon, walang masyadong magsswimming.

kasama ko ang mga katrabaho ko. masaya kasi mas makikilala ko ng lubusan. nakakatuwa kasi ang saya nila kasama. puro kalokohan. puro tawanan. mas nafeel ko na belong na ako sa group nila.

bago kami nagswimming dumaan muna kami sa bahay ni Jose Rizal. ayos nga e, parang educational tour ang napuntahan namin. at nakakatawa kasi para kaming mga tanga na nagpipicture-an sa loob ng bahay ni Rizal.




After ng educational tour, nagpunta na kami sa splash mountain, masaya kasi nagreminisce ako ng swimming ko nung first year college ako. haha. nagslide kami sa mga pambata na swimming pool, nag-inuman, nagkantahan, nagbilliard, nagkwentuhan, nagtawanan, nag-asaran, nagswimming at naglaro na parang mga bata sa pool. para kaming nakawala sa isang malaking hawla.masaya sa pakiramdam.



sana lagi na lang outing para kahit minsan makalimutan mo ang mga problema mo sa mga bagay bagay. minsan kasi nakakasawa na mag-isip ng mga problema. masarap magpakasaya at makalimot kahit sandali.





24 comments:

FerBert said...

walang pic na naka-swim suit
MADAYA!!!

hahaha

NOIME said...

Hahaha. Loko si Kuya FB.:))
Nako. Swimming? Hanggang lublob lang ako ng paa sa pool eh. Hehe.

vera said...

nakakainggit.
antagal ko nang hindi nakakaranas ng sea or kahit man lang chlorinated water ahuhu

thejournicler said...

parang fieldtrip lang oh...

Rio said...

huwaw! swimming? tamang tama sa minsang sobrang init ng panahon...

hope na nag enjoy ka sa lakad nyo=)

lunes said...

wehehe.. oo nga. wala ng pix na naka swimwear??

i lab outing.. kaya lang parang wala na akong nasasamahan na outing ngaun ah. wala kasi pera. miss u mia..

my-so-called-Quest said...

ahaha!
oo nga wala ung naka 2 pc ka?
2pc chicken joy lng ha! heheh
madaya ka mk!

pero madami na sa atin jan na resort e. bat di pa kau satin nag swimming?

teresa said...

ay walang pics sa pool?
ehehe.

aus yan,mia.
relax and unwind lng paminsan minsan.
pantanggal stress.

^__*

arvin said...

Oo, sobrang init. Huwaw, gusto ko yan, fieldtrip, hehehe:D

Anonymous said...

wala itong si mia!
di nagaaya
kahit nung piyesta sa kanila
di nagaya

walaaaaaa
:|





.xienahgirl

reyna elena said...

PSST! sino yang katabi mo? hehehe! wafuuu hehehehe

mr_d said...

paswemeng swemeng na lang ah... okay lang yan maging masaya hindi yung lagi ka na lang malungkot... o kaya masakit ang tyan... hehehehe. pero i second the emotion of FB. pag swemeng, bathing suit. next time ha. tsk

† Yods† said...

haay. inggit ako, sarap din sana magswim swim at magaya ang langoy ni dyesebel. ehehe

yeye said...

hehehe parang field trip nga lang ah hehehehe

aus buti may off kayo. madalang lang makapagouting ang mga nurses,hehehe

Kevin said...

So kayo na ang maraming alam na pose? :D

Kamukha mo yung nakasalamin.

Pedro said...

tinigna ko lang yung mga pictures hahaha. sipag mong magpost ngayon ah. ge ge, ok yan. :D babalikan ko tong entry na to promise! :D

Ishna Probinsyana said...

buti naman at nakapag relax relax la mia! amg saya! :)

KRIS JASPER VAN DYKE said...

is this post about:

team building?

or make me a supermodel USA? lol.

nice.

Have a nice day DT.

karmi said...

un eh. sarap naman ng awting. :D yan talaga ang namiss ko dyan sa Pinas eh..

^_^

taps said...

ang sarap mag swimming kapag umuulan...

GYK said...

gusto ko rin magswimming! ang init ngayon!

ifoundme said...

ang mga nurses ay marunong mag enjoy sa mga outing.. kahit hindi outing marunong pa rin tayo mag enjoy... kahit saan pumunta puro tawanan lang ang alam... kahit nag aambubag, tawa pa rin... o di ba?

prinsesa000 said...

sarap talagang mag unwind lalo na at masasaya ung mga kasama. bakit kaunti lang ang pics?

lica said...

wow raodtrip! miss ko na ang dagat lalo na napapaligiran ako ng bundok dito at may topping pang yelo! gahd.