Saturday, September 13, 2008

open letter

nalulungkot ako, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. okay naman ako dati. madrama minsan pero mas madalas masaya. bakit ba kelangan humantong pa sa ganitong sitwasyon? actually sinisisi ko ang sarili ko kung bakit ang bilis ko sumuko. hindi ko sinasadya na saktan ka, hindi ko sinasadya na iwanan ka sa ere. sa totoo lang mas nasasaktan ako sa kinikilos ko, hindi ko na kilala ang sarili ko.

nahihirapan ako. ayoko pilitin ang isang bagay na alam ko hindi okay. ayoko maging plastik. gusto ko kung ano ang nararamdaman ko yun ang gagawin ko. hindi ko gusto na saktan ka. pero kailangan ko itong gawin para sa sarili ko. ayoko naman na ipilit na okay tayo, ayoko na unti unti kitang sinasaktan at binabalewala.

hindi pa naman tayo matatapos ng ganito lang. gusto ko lang maintindihan mo ang part ko. hindi kita totally iiwanan. nandito lang ako sa tabi tabi. gusto ko lang mapag-isa. kung tayo talaga para sa isa't isa tayo talaga. sana lang maintindihan mo talaga ako.

katulad nga ng lyrics huwag mo isipin na hindi kana mahal sarili ko'y hahanapin ko lang.

sana sa panahon na babalik ako, nandyan ka pa rin, naghihintay sa akin at handa ako tanggapin with both arms wide open.

nagmamahal,
mia irish pisnge

15 comments:

The Gasoline Dude said...

Ouch! Ang sakit naman!

I don't know the whole story, so I'd rather not take sides.

Just do what you think is best for the both of you. Ingat lagi.

lunes said...

Dear Mia,

Pers of all I Miss You.

Ang maikling buhay natin ay nag-uumapaw ang choices. Tayo ang gumagawa ng desisyon natin sa bawat araw na dumaraan. Pinili mong magmahal, at alam mong may mga oras na masasaktan ka at makakasakit ka. Dahil sa iyon, matapang ka.

Sa ngayon ang bangka na sinasakyan niyo ay pinapasok ng konting tubig. Siguto may maliit na butas kung saang parte ng bangka. Sa tamang panahon makikita niyo ang butas at matatakpan ng maayos. In time.

Kung sakaling di niyo makuha ang butas, Maaari kayong tumalon palabas sa bangka upang isalba ang sarili sa pagkakalunod. At sa pangpang makikita natin kung magkakasalubong kayo uli.

Pinasok mo ang isang relasyon, dahil matapang ka. At kung nasasaktan ka ngayon, hindi yan poreber. Ang pinaka importante habang lumalangoy ka papuntang pangpang. Merong mga taong pwede sumalba.

tc!

Rio said...

=(
parang kelan lang ang saya saya ng entry mo...
sana maging ok din kau...
nalungkot naman ako..

teresa said...

mahirap ipagpatuloy ang isang relasyon kung hindi ka na masaya dito..

sana mahanap mo na iyong sarili,at tama ka,kung para talaga kayo sa isa't-isa,kahit anong mangyari, in the end,kayo pa rin.

goodluck sa pag soul-searching.
^__*

Meryl said...

Awww. Mia. :(

Hindi ko alam ang nangyari. Sana maging maayos ang lahat.

Apple said...

I hope everything will be fine soon :)

KRIS JASPER VAN DYKE said...

take your time, im sure things will be ok if you think/plan about them well.

God bless.

Ishna Probinsyana said...

Mia. :( Nalungkot ako sa entry na to. Well anyways, tama si Kris. Take your time. Maybe you just really have to be with by yourself first. And maybe after that, maginf mas sobrang okay ang lahat! Take care! *hugs!

† Yods† said...

sad naman to... :(

sana maging ayos din lahat...soon!

sana mahanap mo kung anong mga bagay na kelangan mo hanapin sa sarili mo.

karmi said...

*hugs* mia-tot.
i know magiging OK ang lahat sa inyo.. =)

ingatz.

Anonymous said...

di ko alam
ang ipapayo sa iyo
di ko pa kasi nararanasan
yang ganyan e
sorry naman

pero hayaan mo
bukas o sa makalawa
magiging maayos ka rin
:)










.xienahgirl

my-so-called-Quest said...

MK!
smile lang, bawal sa tin ang malungkot dba?
mawawala pagkapretty face mo oi.
sa sembreak. libre mo ko=] hihihi

Noime said...

aruuu.
hindi ko alam kung anung sasabihin ko kase bigla akong natakot. ngayon pang magkalayo kame. haay.
kaya yan ate. ;) maaayos din ang lahat.

FerBert said...

wala akong alam.. kaya hindi ako magrereact.. basta mahal ka namin miang.. XOXO

chroneicon said...

sandali lang ako nawala tapos eto maaabutan ko sa blog mo :(