Wednesday, November 12, 2008

dear tatay

magkaroon ng isa tatay ay isa sa pinakamagandang nangyari sakin.

isa ako sa mga swerteng tao na magkaroon ng isa tatay na katulad nya.

mahal nya kami, oo minsan maloko siya at hindi mapagkakaila na habulin ng babae (mukha ka kasing artista, ala benjie paras ba), syempre hindi ko rin mapagkakaila na minsan di nya malabanan ang tukso pero maswerte pa rin kami dahil kami ang pinili nya. kahit kailan hindi nya naisip na iwan kami at ipagpalit sa mas magandang chika-babes (joke lang nanay).

pinili nya pumunta sa ibang bansa kahit na mahirap para sa kanya na iwan kami, alam nya kasi sa kanyang pag-alis magkakaroon kami ng magandang buhay.

hindi kami mayaman, pero hindi rin kami hirap. sakto lang bale. nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw. nakakapunta pa naman kaming mall paminsan minsan at nakakapag-aral pa naman kami sa magagandang eskwelahan. kahit na hindi kami mayaman, masaya naman kami. super dedicated siya sa amin, actually pag umuuwi siya dito sa Pinas halos lahat ng gusto namin ibibili nya. spoiled kami sa kanya. mahal na mahal nya kami. gusto nya close kami sa kanya palagi.

tay, matanda ka na. salamat sa pagmamahal, pag-aalaga (ikaw ang nag-alaga sakin nung baby pa ako kasi nagttrabaho pa nun si nanay), sa pag-intindi sa amin at sa pagsuporta mo sa mga pangarap namin. pramis di ka namin bibiguin. pipilitin namin maging maganda ang buhay natin. pagsisipagan ko ang pagttrabaho ko para hindi ka na umalis. para kasama mo na si nanay, para magkasama kayo sa pagtanda nyo. ang sweet no. :) basta tay, lab na lab po kita. happy birthday po. mwah. labyu.

ang kamukha mo,
miang

9 comments:

my-so-called-Quest said...

happy birthday kay tatay! inuman na! hehe

miss u mk!

jomar said...

(^^,) swerte ka nga..

NurseReview.Org said...

Hi,

I have a web site, http://NurseReview.Org (Google PR5), and have spent a lot of time and effort to ensure my visitors gain the maximum benefit from their visit, and from what I have to offer.

As our web sites are closely related and our products do not compete, I feel the exchanging of links would be a mutually beneficial arrangement. If you are interested in exchanging links, please feel free to contact me at your earliest convenience.

Kindly add my site to your Link Exchange Tabs / Blog Roll and shoot me an email so that I can do that same for your site.

Title: nclex cgfns Review
URL: http://NurseReview.Org

Best regards,
Myk

NurseReview.Org - Nursing Board Exam Results

Nursing Forum & Discussion Board

Nursing Job Search Online

yeye said...

haberdey sa iyong tatay :)

aun...buti nakakapost ka na ate... nakakasagabal talaga sa pagbblog ang work. jejejeje

.::. Vanny .:. said...

ang sweet naman. swerte mo naman to have tatay like him. ;)

yarnhoj said...

na-touch ako. i can't wait to do the same to my father too...:')happy birthday sa papa mo...

FerBert said...

waaaah! emo

hindi ko tinapos baka maluha ako.. lols

Ishna Probinsyana said...

Very heart warming naman tong entry na to Mia. Sana makapag blog ka na ulet ng mas madalas. Nakakamiss mga entries mo. :)

Pedro said...

never akong nagkatatay.

nagkaroon pero sandali lang.

dumaan at hindi ko man lang naramdaman.

kaya naiinggit ako sa mga katulad mo.

maswerte ka na may tatay ka.

belated hapi bday kay erpats! :)