Wednesday, December 3, 2008

disyembre

ang bilis ng panahon. disyembre na. panahon na para maggawa ng mga baby ang mga matatanda, kasi nga naman malamig ang panahon ngayon. kaya nga madaming september na baby ang pinapanganak diba? akala nyo ha. hehehe. seryoso na nga, excited na ako sa darating na pasko, kahit na wala akong jowa ngayon at wala si tatay sa bahay, masaya pa rin ako kasi maraming nangyari ngayong taon na ito, pumasa ako ng board exam, nagkatrabaho ako, nagkaroon ng maraming suitors (joke lang) hehehe, at mas dumami pa ang nagmamahal sakin na mga kaibigan.

oo, maraming nangyari sakin nitong taon na. hindi naman magaganda lahat pero atleast natuto ako sa mga panget na nangyari sakin. naging mas mature na rin ako mag-isip (yung kilos parang wala nang pag-asa magbago e), mas nakilala ko ang sarili ko, mas naging maingat ako sa mga sinasabi ko at ginagawa. mas naging mautak na ako. naging strong ako dahil sa mga nangyari sakin. hindi na ako pede apihin pa. (tapang tapangan).

malamig na naman ang pasko ko. wala akong papa. sino ang gusto mag-apply? joke lang. haha. masaya naman kahit na wala akong boyps ngayon. nandyan naman ang family and friends (specially my super friends) para sumaya ako ha. hindi naman kailangan sa bawat panahon may boyps kang kasama diba?

uso na naman ang monito monita ngayon. at meron sa hospital, ang theme ngayon ay something hard. ano ba ang something hard. bigyan nyo nga ako ng example. hehehe.

isa lang naman ang gusto ko ngayong pasko e. WORLD PEACE. chos. ang gusto ko lang naman ay tumaas sana ang sweldo ko at yumaman ako. haha. tapos sana mas marami pang work para sa mga Pilipino. tapos sana magmahalan ang lahat. walang krimen. walang kasamaan. basta wala lahat. gusto ko naman para sa sarili ko ay



BAGONG CELLPHONE AT



NINTENDO DS LITE.


yun lang. kailangan ko pa kasi ihagis ang cellphone ko para lang tumunog ulit. diba. ang galing.

16 comments:

GYK said...

ang gusto ko lang. world peace at free water, food, and madami pang essential needs sa mga tao sa africa.

mr_d said...

kung sino mang lalaki ang magbigay ng cellphone dapat yung ang i-boyps mo? si mia walang boyps. ohcmon...

lunes said...

advans meri xmas mia. ang saya ng wishlist mo.. ako walang laman ang wishlist.nakakatamad kasing gumawa,tapos di naman makukuha.wehehe...

oi oi..missu!! wala pa rin akong sweldo.wehehe.

yin said...

gusto ko maging gift sa kin ni papa jay ngayong pasko eh isama niya ko sa mga mareregular sa kumpanya namin sa darating na enero. okay na ko dun por dis yir, kalimutan ko na muna yung hiling kong submarine. berdey gift niya sakin tong job ko ngayon eh. ang ganda mo namang tambay, limang taon din akong natambay bago nagkaroon ng matinong trabaho. naisip ko na rin tong pamagat "dakilang tambay" noon ng nandito pa ko sa blogspot kaso parang may nagsabi sa kin ng "wag po koya wag po!" =)

yeye said...

parehas pala tayong myembro ng SMP.hahaha
samahan ng malalamig ang pasko! ahahaha



aun.tama ka nga teh. sana nga tuwing september ung DR namin eh para madaming cases. hmpppft

Ishna Probinsyana said...

Maligayang pasko Mia! Ako din gusto ko din ng bagong cellphone!

my-so-called-Quest said...

wow! parang bumalik na yung template mo ah! hehe

happy christmas mia!
sana wala kng duty sa bakasyon!
makatikim naman ng libre! hehehe

ingats mk!=p

Coldman said...

something hard? - bato? dyuk.


Christmas na naman, kakalungkot. =(

Meryl said...

Ako seryoso: WORLD PEACE.

Hahahahahahaha.

dotep said...

interesado ako sa nin ds... yun lang... pahiram ako pag meron ka na, di ko sisirain... laruin ko lang castlevania series diyan... :D

don't wurry... walang malamig na pasko... maginaw lang...

Ambo said...

gusto ko din yang pone na yan. Di na kelangan ng digicam malinaw na kasi. Pasko na pala ang bilis nga naman ng panahon at di pa tayo nagkikita hehehe.

es said...

hahayyst!dream ko rin magkaroon ng ganyang cp.:D

nice site..

taps said...

Maganda talaga ang DS compared sa PSP, yun e opinion ko lang naman.

Mas enjoy syang paglaruan.

Anonymous said...

natatawa ako lagi
kay manding
kaya mahal ko
yang matanda na yan e

ako e gusto ko lang ng pera

yun
hahahahahaha










.xienahgirl

Beauty Trista said...

Request for link exchange, sis. Your link already in mine. Check it out. Thx. God bless you & happy holiday for all.

reyna elena said...

GURL! joyeux noel and wish you the best of all the best mademoiselle! hahaha! happy holidays and new year's too!