Friday, October 16, 2009

new blog

Monday, September 21, 2009

Singapore Trip


dakilang tambay strikes again. unti unti binabalik ko na naman ang sarili ko sa blogosperyo. i miss this. i miss my blogger friends, ay hindi pala ang mga kaibigan ko dito sa net :)

ayun na nga, gumala na naman ang dakilang tambay, syempre libre lang yun, asa naman kayo na gagastos ako. ahaha.

first time ko mag out of town at mag airplane, inosente na inosente ba ako. hahaha :)

masaya at mahal ang mga bilihin, bawal magconvert kasi di ka talaga makakabili.




Friday, July 10, 2009

stress

nitong nakaraan na araw medyo nastress talaga ako sa mga bagay bagay na talagang nakakastress. nakakastress pala magkaboyfriend. hahaha :) ngayon ko lang naramdaman ulit itong feeling na ito. basta. hehehe :) pero okay na ako ngayon atleast alam ko na tao pala ako marunong din pala ako magreact ng ganun.

Friday, June 19, 2009

paalam?

hindi ko alam kung dapat ko na ba iwanan itong blog na to at magsimula muli sa umpisa. marami kasing mga alaala dito ng nakaraan, alam nyo na siguro ang sinasabi ko.

Sunday, June 7, 2009

me and my soulmate







Kunwari sweet kami. haha. I am just happy that I have chose the right person. I super love him. He always makes me feel that he loves me forever. Thank you soulmate :)

Thursday, May 21, 2009

adik ka

ngayon dumating ka na, wala lang. dumating ka lang. di naman tayo nakapag-usap ng maayos. ayos ka talaga. bahala ka nga.

Monday, April 6, 2009

hayzz

i really miss you pisnge. i really really do. nasanay na ako na kasama kita palagi, kausap, kaasaran at sa lahat. ang tagal pa bago ulit tayo magkita. ilang daliri pa ang bibilangin ko para lang makasama ka ulit. sana tapos na ang isang buwan para makasama na ulit kita.

Monday, March 30, 2009

ingget ka lang

ewan ko ba. parang napakalaking isyu ata ng pagiging in a relationship ko. parang lahat ng tao inaabangan ang pagkakaroon ko ng jowa. eto lang yun. maging masaya ka na lang para sakin at magiging masaya na rin ako para sayo. mas ikaw pa ang apektado kesa sa ibang tao dyan. naku bahala ka nga dyan. ingget ka lang at masaya na ako. sinunod ko lang naman ang puso ko :) belat sayo.

Thursday, March 26, 2009

bakit ako malungkot

ewan ko ba bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. nalaman ko na magleleave siya para magreview. as in one month leave yun. makakaya ko ba iyon? hindi kami magkikita ng one month. ewan ko. habang papalapit ang araw na aalis siya parang unti unti na rin nawawala ang dahilan kung bakit ako masaya ngayon :(

Monday, March 16, 2009

new

gusto ko na magbago ng blog? ano kaya ang maganda na pangalan?

Friday, March 6, 2009

Noop Dogg

noop dogg is in the house. napakasaya ko kasi kasama si Anoop "noop dogg" Desai sa top 12 ay top 13 pala ng american idol. mukhang maaadik na naman ako sa american idol. Kinanta nya yung My prerogative. This the first time na top 13 ang american idol :) IDOL NA TALAGA KITA NOOP DOGG

francis magalona

nalungkot ako nung malaman ko na namatay na si francis magalona. di ko akalain na mawawala na siya dito sa mundo :( sobrang gusto ko ang mga kanta nya. iba siya sa ibang rapper dito sa pinas. may meaning ang mga kanta nya. mamimiss ko siya .

Wednesday, March 4, 2009

scared

i don't know what to do. I'm scared of my moms' decision. I hope that she can forgive me for being a bad daughter to her. Mababaliw na ata ako. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Ayoko mangyari sakin to.

Monday, February 16, 2009

what if

What if we were wrong about each other?
What if you were really made for me?
What if we was `sposed to be together?
Would that not mean anything?
What if that was `sposed to be my house that you go home to every day?
How can you be sure that things are better? If you can't be sure your heart is still here with me Still wanting me


-what if by babyface



yang ang mga kanta na binitiwan mo ng huli kang pumunta dito. oo, chaka talaga ang boses mo. wala na ako magagawa dun. pero tagos sa puso ko ang mga salita sa kanta na yan. para ba sakin yan? ako ba ang kinakantahan mo? bawat salita sa kanta na yan damang dama ko. oo filingera ako. pero feeling ko talaga ako ang kinakantahan mo nyan. tabi pa kaya tayo nung kinakanta mo yan. yan ba ang gusto mo sabihin sakin dati pa? sayang naudlot pa ang pagmamahal natin. meron nga ba? oo alam ko meron talaga. sayang e di sana tayo pa rin hanggang ngayon kung natuloy ang naudlot nating pagmamahalan. ayan tuloy ngayon ako na ang kumakanta ng kanta na yan. what if naging tayo? hay sayang. pero ganun ata talaga. di talaga siguro tayo para sa isa't isa. siguro hanggang magkaibigan na lang talaga tayo. siguro hindi ka talaga para sakin.

Wednesday, February 11, 2009

puso

sino ba ang dapat mag may-ari ng puso ko?

yan ang mga tanong na bumabagabag *nakakabulol* sa isip ko. araw na naman ng mga puso, wala ako jowawer. well choice ko naman yun, kaya lang nakakamiss din pala minsan. anyways change topic. bawal magdrama.

hindi naman sa sinasabi ko na maganda ako kaso minsan mahirap mamili sa mga manliligaw mo. hindi mo alam kung paano mo sasabihin sa kanila na hindi mo sila gusto., minsan kasi makukulit din sila, sinabi mo na ayaw mo, go pa rin sila ng go, ayaw sumuko. at oo, ayaw ko makasakit, minsan nga sinasabi ko sa sarili ko na ayaw ko na magmahal kasi ayaw ko makasakit at ayaw ko masaktan. alam ko na parte ng love ang hurt pero minsan hindi mo na talaga keri ang sakit e. mas mabuti pa ang magbigti ka na lang. joke lang. sayang lahi natin. :)

oo masaya ako. aaminin ko na may nagpapatibok na ng puso ko, kaso natatakot ako na baka masaktan ko siya at masaktan nya ako, in short baka magkasakitan lang kami. ayaw ko naman mangyari yun. saka nag-iisip pa ako kung siya na ba talaga ako lab ko. siya na nga ba? ewan ko. clueless ako. tikom bibig.

sa mga may jowa hapi balentayms at sa mga single hapi balentayms din! tagay na!:)

Saturday, January 31, 2009

kasal




sarap ng pakiramdam siguro ng ikinakasal. oo naman, pangarap ko rin naman ikasal kahit papaano. ang gusto ko memorable ang kasal ko. yung tipong pag naalala ko mapapaiyak ako dahil sa sobrang ganda ng kasal ko. ang arte ko no. pero yun talaga ang kasal na gusto ko. gusto ko organize lahat, walang palpak, acceptable ang konting palpak pero kung maiiwasan mas maganda.





katulad ng kasal ng bestfriend ko, ang ganda ganda nya. parang pag umattend ka sa kasal na yun, gusto mo na rin makasal. ang ganda ng gown, make-up, ng simbahan at ng reception. at shala pa dahil nakakalesa pa sila papunta sa reception. kelan kaya mangyayari sakin yun? sus matagal pa siguro yun. gusto ko pag kinasal na ako, financially ready na kaming dalawa, may bahay na at may mga plano na for our future. kaso may problema ako. SINO ANG MASWERTENG MAGIGING GROOM KO? SINO KAYA ANG MAKAKATIIS NA MAKASAMA AKO HABANG BUHAY? ISIP ISIP.


Tuesday, January 20, 2009

late update!

hello my dear tambays! syempre naging busy na naman ako. lagi naman e. masyado ako busy sa work at sa mga boylets. hahaha! eto ang mga nangyari sakin ng december to january. update ko lang kayo kung gusto nyo lang naman. hahaha

december 20 - 21, 2008

Nagpunta kami sa Pampanga para makapanood ng Lantern FESTIVAL kasama sina Jaypee at Berto. Ang ganda dun, kaya lang sobrang dami ng tao. Nawala pa nga si Berto at si Kuya Edu e. After ng Lantern Festival nagpunta na kami kina tita Lyn para dun magstay. Grabe ang gaganda ng house dun. Para kaming nasa US. shala diba? Kinabukasan pumunta naman kami sa Clark para mamili ng mga pagkain at mga anik anik. after nun umuwi na kami dahil Christmas Party na sa GT (sa hospital na pinagttrabahuhan ko.)





jaypee, me and berto

December 21, 2008

Gay pageant na sa GT Hospital syempre kasama dun ang friend ko, si Berto. ang cute cute nya pati yung ibang kasali. Mga tunay na lalaki na nagbihis babae. si Berto nga nagkalat lang sa pageant, pero nakasama pa sa top 5 dahil 50% ang beauty. syempre wagi ang friend ko dahil ganda ganda nya talaga.




ninoy, kuya alvin, berto and kuya l.a

December 25, 2008

Merry Christmas. nagspend ako ng Christmas sa Hospital. duty ako ng 6-2pm, pero ok lang. after ng duty pumunta kami ng gabi sa Tagaytay. sobrang mafog dun. pero masaya. kasama namin si kuya bebert at jaypee. ayun kumain kami sa dencio's at libre ko lahat un. nagbigay lang si jaypee ng 500 php para di maubos pera ko.






December 31, 2008 - January 1, 2009

HAPPY NEW YEAR! Duty ako. kakainis nga e. di ko sila kasama sa new year. pero ganun talaga ata. kelangan magsacrifice. Nagkainan kami sa Hospital at ayun, nakapamasko pa ako kay Dr. Torres ng 500. hahaha! ang swerte! :)


HAPPY ANNIVERSARY NGA PALA SA BLOG KO AT ANNIVERSARY NA NAMIN NG TROPANG BLOGOSPERYO! :) YEY! LABYU ALL!