Saturday, January 31, 2009

kasal




sarap ng pakiramdam siguro ng ikinakasal. oo naman, pangarap ko rin naman ikasal kahit papaano. ang gusto ko memorable ang kasal ko. yung tipong pag naalala ko mapapaiyak ako dahil sa sobrang ganda ng kasal ko. ang arte ko no. pero yun talaga ang kasal na gusto ko. gusto ko organize lahat, walang palpak, acceptable ang konting palpak pero kung maiiwasan mas maganda.





katulad ng kasal ng bestfriend ko, ang ganda ganda nya. parang pag umattend ka sa kasal na yun, gusto mo na rin makasal. ang ganda ng gown, make-up, ng simbahan at ng reception. at shala pa dahil nakakalesa pa sila papunta sa reception. kelan kaya mangyayari sakin yun? sus matagal pa siguro yun. gusto ko pag kinasal na ako, financially ready na kaming dalawa, may bahay na at may mga plano na for our future. kaso may problema ako. SINO ANG MASWERTENG MAGIGING GROOM KO? SINO KAYA ANG MAKAKATIIS NA MAKASAMA AKO HABANG BUHAY? ISIP ISIP.


Tuesday, January 20, 2009

late update!

hello my dear tambays! syempre naging busy na naman ako. lagi naman e. masyado ako busy sa work at sa mga boylets. hahaha! eto ang mga nangyari sakin ng december to january. update ko lang kayo kung gusto nyo lang naman. hahaha

december 20 - 21, 2008

Nagpunta kami sa Pampanga para makapanood ng Lantern FESTIVAL kasama sina Jaypee at Berto. Ang ganda dun, kaya lang sobrang dami ng tao. Nawala pa nga si Berto at si Kuya Edu e. After ng Lantern Festival nagpunta na kami kina tita Lyn para dun magstay. Grabe ang gaganda ng house dun. Para kaming nasa US. shala diba? Kinabukasan pumunta naman kami sa Clark para mamili ng mga pagkain at mga anik anik. after nun umuwi na kami dahil Christmas Party na sa GT (sa hospital na pinagttrabahuhan ko.)





jaypee, me and berto

December 21, 2008

Gay pageant na sa GT Hospital syempre kasama dun ang friend ko, si Berto. ang cute cute nya pati yung ibang kasali. Mga tunay na lalaki na nagbihis babae. si Berto nga nagkalat lang sa pageant, pero nakasama pa sa top 5 dahil 50% ang beauty. syempre wagi ang friend ko dahil ganda ganda nya talaga.




ninoy, kuya alvin, berto and kuya l.a

December 25, 2008

Merry Christmas. nagspend ako ng Christmas sa Hospital. duty ako ng 6-2pm, pero ok lang. after ng duty pumunta kami ng gabi sa Tagaytay. sobrang mafog dun. pero masaya. kasama namin si kuya bebert at jaypee. ayun kumain kami sa dencio's at libre ko lahat un. nagbigay lang si jaypee ng 500 php para di maubos pera ko.






December 31, 2008 - January 1, 2009

HAPPY NEW YEAR! Duty ako. kakainis nga e. di ko sila kasama sa new year. pero ganun talaga ata. kelangan magsacrifice. Nagkainan kami sa Hospital at ayun, nakapamasko pa ako kay Dr. Torres ng 500. hahaha! ang swerte! :)


HAPPY ANNIVERSARY NGA PALA SA BLOG KO AT ANNIVERSARY NA NAMIN NG TROPANG BLOGOSPERYO! :) YEY! LABYU ALL!