Saturday, January 31, 2009

kasal




sarap ng pakiramdam siguro ng ikinakasal. oo naman, pangarap ko rin naman ikasal kahit papaano. ang gusto ko memorable ang kasal ko. yung tipong pag naalala ko mapapaiyak ako dahil sa sobrang ganda ng kasal ko. ang arte ko no. pero yun talaga ang kasal na gusto ko. gusto ko organize lahat, walang palpak, acceptable ang konting palpak pero kung maiiwasan mas maganda.





katulad ng kasal ng bestfriend ko, ang ganda ganda nya. parang pag umattend ka sa kasal na yun, gusto mo na rin makasal. ang ganda ng gown, make-up, ng simbahan at ng reception. at shala pa dahil nakakalesa pa sila papunta sa reception. kelan kaya mangyayari sakin yun? sus matagal pa siguro yun. gusto ko pag kinasal na ako, financially ready na kaming dalawa, may bahay na at may mga plano na for our future. kaso may problema ako. SINO ANG MASWERTENG MAGIGING GROOM KO? SINO KAYA ANG MAKAKATIIS NA MAKASAMA AKO HABANG BUHAY? ISIP ISIP.


11 comments:

> Vanny < said...

wow. usapang kasal. :p

love the 3rd photo. so cute. ;)

Ishna Probinsyana said...

Ang ganda ganda naman ni Mia! Lalo na dun sa first pic!

my-so-called-Quest said...

mk! basta invited ako sa kasal mo ah! hahaha

nasa dugo kung bakit maganda si mk! mana mana lang yan! hehe

yeye said...

ok open na ang application ni ate mia. hehehehe


ung mayaman ah. hindi yaman-yamanan. hahahaha

Meryl said...

Oy imbitahan mo din ako sa kasal mo ah! It's an order! Hahahaha.

Isip isip pa.

Eh mukhang meron na yata ah?
Hahaha.

krishA said...

wow nung nakita ko yung word na kasal, akala ko ikaw na yung kinasal hahaha.

ganda naman ni ate mia :)

Jomar said...

hehe sino nga po ba ate? hehe

Basti said...

masarap nga cguro ikasal ng ganun.. pero it requires a lot of funds. Kaya yung kasal ko sa judge lang simple at walang gastos. Pero one day... cguro it will happen din, mas masaya pag ring bearer ang anak namin. :)

nakikitambay lang..

Ambo said...

Wow ang ganda mo palang talaga pag naka gown. Pahiram nga ng gown hahahaha. Pamilyar sa akin yung me chess na yun. San na nga yun?

UtakMunggo said...

ang danda danda naman ni nurse mia! gustong gusto ko rin ng mga kasal, nakakaaliw lang kasi pagmasdan yung mga disenyo ng simbahan, ng reception, pati na rin ng mga gowns..

haaaaayyyyy...

caryn said...

how true ;-) tuwing may ikakasal ay wish kong ikasal ulit. ang saya! para kang prinsesa! ;-)

just blog-hopping. have a nice week!