Tuesday, January 20, 2009

late update!

hello my dear tambays! syempre naging busy na naman ako. lagi naman e. masyado ako busy sa work at sa mga boylets. hahaha! eto ang mga nangyari sakin ng december to january. update ko lang kayo kung gusto nyo lang naman. hahaha

december 20 - 21, 2008

Nagpunta kami sa Pampanga para makapanood ng Lantern FESTIVAL kasama sina Jaypee at Berto. Ang ganda dun, kaya lang sobrang dami ng tao. Nawala pa nga si Berto at si Kuya Edu e. After ng Lantern Festival nagpunta na kami kina tita Lyn para dun magstay. Grabe ang gaganda ng house dun. Para kaming nasa US. shala diba? Kinabukasan pumunta naman kami sa Clark para mamili ng mga pagkain at mga anik anik. after nun umuwi na kami dahil Christmas Party na sa GT (sa hospital na pinagttrabahuhan ko.)





jaypee, me and berto

December 21, 2008

Gay pageant na sa GT Hospital syempre kasama dun ang friend ko, si Berto. ang cute cute nya pati yung ibang kasali. Mga tunay na lalaki na nagbihis babae. si Berto nga nagkalat lang sa pageant, pero nakasama pa sa top 5 dahil 50% ang beauty. syempre wagi ang friend ko dahil ganda ganda nya talaga.




ninoy, kuya alvin, berto and kuya l.a

December 25, 2008

Merry Christmas. nagspend ako ng Christmas sa Hospital. duty ako ng 6-2pm, pero ok lang. after ng duty pumunta kami ng gabi sa Tagaytay. sobrang mafog dun. pero masaya. kasama namin si kuya bebert at jaypee. ayun kumain kami sa dencio's at libre ko lahat un. nagbigay lang si jaypee ng 500 php para di maubos pera ko.






December 31, 2008 - January 1, 2009

HAPPY NEW YEAR! Duty ako. kakainis nga e. di ko sila kasama sa new year. pero ganun talaga ata. kelangan magsacrifice. Nagkainan kami sa Hospital at ayun, nakapamasko pa ako kay Dr. Torres ng 500. hahaha! ang swerte! :)


HAPPY ANNIVERSARY NGA PALA SA BLOG KO AT ANNIVERSARY NA NAMIN NG TROPANG BLOGOSPERYO! :) YEY! LABYU ALL!

13 comments:

Meryl said...

Hinanap ko si Ninoy at hindi ako makapaniwalang siya 'yun! Hahaha. Baklang bakla si Papa Ninoy. Hahaha.

MIA! Ipamana mo na sa akin ang DAKILANG TAMBAY! Hahaha. Namiss ka namin, dalas dalasan mo naman ang update. Haha. Demanding?

Ingat ka! Misyu!

The Gasoline Dude said...

Hangkyut nung L.A. Mga chubby type ko eh. Anong number niya?

Jowk. *LOLz*

Abou said...

na miss ko mga photo albums mo na ganito sa blogosphere

my-so-called-Quest said...

mia/mk! buti naman nagpost ka na! hhehehe

miss you! ahihihi


teka bat di ka kasali jan? aehehe

Toilet Thoughts said...

Ang daming updates! hehe. ang kulet nung pageant.

hehe. :P

Ishna Probinsyana said...

Super belated Merry Christmas and Happy New Year! And Happy anniv sa blog mo! =)

Nakakamiss ka naamn, mia! :)

reyna elena said...

mamamatay ako nang kakatawa sa gay pageant nyo na yan hahaha at balbon pa yong isang gurl hahaha namaannn sumakit talaga panga ko hahaha

yeye said...

welkam bak ate mia!! kay taga mong nawala ah ahahahaha...mwah..we missed you!

teresa said...

uy,si mia nag update na!
msta naman? dami na nakaka miss sau dito. :-)

FerBert said...

miss gay sa ospital.. eh bat di ka kasali? hahaha

putangina! bumalik ka na! sabi ko sayo magresign ka na.. konti na lang makakaimutan na kita... hahaha

PISNGE!

kheed said...

wahehe happy anniversary sa inyo, bago pa lang ako sa pagbablog at mukhang enjoy ang tropang blogosperyo, pede ba kong makiangkas dyan? hehe

Jomar said...

ang saya naman! :D

Happy said...

Maganda talaga lantern festival sa pampanga :) Sayang di kami nakanuod last christmas. Dapat pinicturan mo yung mga giant lanterns hehe