Saturday, May 29, 2010

Pagkain

Bakit ba ang hirap ayawan ng pagkain? Nahihirapan na ako magbawas ng timbang. Tipong sa una aayaw ayaw ka pa tapos sa huli susuko ka na lang din dahil di mo mapigilan ang sarili mo sa mga nakikita mo na pagkain. Hay bakit kasi pinanganak ako na matakaw at madaling tumaba, tapos ang tamad tamad ko pa pumunta sa gym dahil feeling ko mamanyakin lang ako dun. Nakakatamad din naman magjogging dito sa amin dahil ang mga kasabay mo e naglalakihang mga truck ng basura o di kaya mga tricycle o mas malala hahabulin ka pa ng mga asong gala sa kalye.

Ang laki ng problema ko no? Pangarap ko na kasi dati pa na pumayat ayaw lang ata talaga ako pagbigyan ni Lord sa wish ko. Hay katulad ngayon ang dami ko na naman nakain. Tulong! Kailangan ko ng tulong nyo para makapagpigil na ako sa pagkain ko.

2 comments:

health and wealth said...

No guts no glory sabi nga nila. Lahat ay may kapalit. May naka pagsabi sa akin na kung mahilig ka daw talaga sa pagkain dapat daw kunti kunti lang maski maraming beses sa isang araw ka kakain. About sa exercise naman dapat daw maski window shopping okany na as long as you are moving. Di mo na kailangan mag gym, magastos pa.

Yani ٩(̾●̮̮̃̾•̃̾)۶◙ said...

hi! just blog-hopping!

i guess most of us eh problema din ang weight loss. thankfully for me eh mabilis ang metabolism!

tsk tsk! masarap kasi kumain eh! hehehe! and we filipinos simply love to it!

happy weekend! take care!