Wednesday, August 18, 2010

Wanted Perfect Man like my Papito

Mahal ko ang tatay ko, kahit tinotopak siya minsan sa maliit na bagay ay palagi pala siyang may topak, e okay lang sa akin. Mamimiss ko din naman yung topak nya pag wala siya dito. Ang sinabi ko sa sarili ko dati na kung mag-aasawa ako gusto ko katulad ni Tatay. Katulad nya na inuuna muna ang pamilya kesa sa kanyang sarili, magsasakripisyo para lang mapabuti ang buhay namin at makakain kami ng tatlong beses sa isang araw at yung paninindigan niya para sa amin laban sa ibang tao (ninja).

Bakit ang drama ko? WOLO LONG. hoho. Naappreciate ko lang si Tatay lalo, kasi kahit na napakapasaway ko at lagi rin tinotopak pilit pa rin nya ako iniintindi. Tsaka kaya lang naman siya naghihigpit pagdating sa lalaki ay sa kadahilanan na ayaw na ako masaktan, kasi kung di nyo natatanong babaero si tatay dati (may pinagmanahan lang po. ehem. joke) pero kahit ganun siya hindi nya kami pinabayaan at feeling ko naman nagtino na siya ngayon. Hello lang, umayos na siya, ang tatanda na namin at baka kami pa makahuli sa kanya. haha.

I love you tatay :)



7 comments:

yeye said...

babaero ka din te? loljk

parehas sila ni papa. yun nga lang, hindi masydong strikto si papa pagdating sa akin sa mga boys. di naman kas ako palaboypren kaya ganun ahahahaha

Dakilang Tambay said...

errr. oo babaero din ako. haha. naku di naman ako palaboyfriend ha? hehehe.

ishna said...

haha. Yung tatay ko din, dumaan sa phase na ganon. lol. pero katulad ng tatay mo, matino na sya ngayon. aba, dapat lang! :))

Grabe, buti na lang binista ko yung lumang blog ko at nakita ko yung link mo dun. I;m glad you're back here! dakilang tambay na ba ulet? :P

mia said...

@ishna- naku. dapat lang tumino na sila no. hahaha. naku oo balik dakilang tambay na naman. hahaha. :)

musta ka na?

ishna said...

Okay lang naman. Pareho tayo. Tambay na ulet ako kaya back to blogging na din. =))

Fickle Cattle said...

That is so cute. Mahirap yan, no one can live up to your father. :-)

http://ficklecattle.blogspot.com/

Jag said...

tatay ko wapakelz sa amin kasi puro naman kami lalake ahihihi...confident siya na mababait kami LOL.

Hangsweet mong anak...