Monday, September 13, 2010

14

Bukas, bukas sana natin ipagdidiwang ang isang taon at anim na buwan natin pagiging magjowa pero ganun ata talaga, hindi tayo lagi magkasundo, lagi ako irita sayo kahit wala ka ginagawa na masama, lagi na lang tayong nag-aaway kahit sa maliliit na bagay na hindi naman dapat pinag-aawayan. Oo, ako naman talaga ang may kasalanan, ako ang unang sumuko. Hindi ako magaling magbalanse sa mga bagay-bagay at lagi na lang meron akong sinusuko. Mas pinipili ko ang tama at hindi ikaw yun. Pasensya ka na, hindi ako kasing tapang ng inakala mo. Oo duwag ako, hindi kita kayang ipaglaban sa kanilang lahat. Sa totoo lang takot talaga akong magmahal ng sobra, lagi ko pinipigilan ang sarili ko na magmahal at takot ako masaktan katulad ng mga kaibigan ko.

Ayokong nakikita kang ganyan na nasasaktan at malungkot dahil alam mo ba na mahal na mahal pa rin naman kita. Hindi naman ganun kadali na kalimutan lahat ng nangyari sa atin, lahat ng challenges at hirap na pinagdaanan natin. basta just give me time to think, actually kung papapiliin ako, ikaw pa rin naman ang gusto kong makapiling at mahalin. Wag ka sana magsawa na antayin at mahalin ako. Babalik ako sa takdang panahon pag okay na ang lahat.

6 comments:

FerBert said...

tatlong taon na kami ng blog ko bukas. LOL

Dakilang Tambay said...

@efbee- jowa mo ung blog mo? haha

yeye said...

happy 3rd year anniversary sa inyo efbee. haha

hay. ate. sana nga mahintay ka pa niya. :)

Anonymous said...

happy birthday mami UM!

(parang maling blog napuntahan ko...)

- chroneicon

Hopeless Romantic said...

hope everything will be fine in the end :) at naka relate ako bigla sa hiwalayan blues :(

hailey said...

Hi, I came across your site and wasn’t able to get an email address to contact you. Would you please consider adding a link to my website on your page. Please email me back and we'll talk about it.

Thanks!

Hailey William
haileyxhailey@gmail.com