Monday, June 20, 2011

Father's day

I really miss my Papito. Its been how many months?? Uhmm approximately 8 months being away from him. Celebrating father's day without him? It really makes me sad and lonely.

Proud to be daddy's girl, I miss the time when he woke me every morning with his kisses and hugs. He was my first kiss and hug. When I attended mass yesterday, they have a presentation for father's day and I diverted my attention because I knew that I will cry if I paid attention to the video.

How many months will I wait? August. August you will be here. I can't wait to be with you Tatay. I love you so much and I'm so proud that you are my father dear. Mwah!!

Monday, April 18, 2011

Kaarawan

Malapit na ang aking kaarawan at parang wala lang. Wala akong kaplano plano. Una, dahil may trabaho ako sa birthday ko, Monday kasi yun at queuing sa work kaya bawal umabsent or magleave. Pangalawa, nagkukuripot ako dahil may bibilhin ako na sobrang gusto ko talaga at ang huli gusto ko sana sa Tanza gawin yung birthday celebration ko kaso sobrang layo ng place ka si namin at mag-iinarte lang yung mga ininvite ko. Maiinis lang ako.

Wish ko sa Birthday ko ay makapagshopping ako. *ehem* haha.  Dalawa lang naman ang hiling ko sa kaarawan ko, iyon ay ang laging maging okay kami ng pamilya ko (health and wealth) at ng Baby ko, sana lagi kami magmahalan. hehe. *regalo ko* hehe.




Wednesday, March 2, 2011

Naaalala kita...

Ilang araw pa lang na hindi tayo nagkikita pero pakiramdam ko ilang taon na kitang di nasisilayan. Ikaw kasi, sinanay mo ako na nandyan ka palagi sa tabi ko, tumatawa, kumakain at nagkwentuhan magkasama. 

Oo, sabihin na natin na ilang linggo lang yan pero naman nakakalungkot talaga at sabihin na natin na ako rin naman aalis at mag-iibang bansa at hindi biro ang dalawang taon na mawawalay ka sa taong pinakamamahal mo. At hanggang ngayon iniisip ko pa din kung aalis ba ako dahil para rin sa kinabukasan namin yun o hindi na lang ako aalis dahil hindi ko kaya na hindi siya makita at makasama.

Hay, sana umuwi ka na. Sana magkasama na ulit tayo. Ilang araw pa. Ilang araw na lang makikita na ulit kita at mayayakap.