Wednesday, March 2, 2011

Naaalala kita...

Ilang araw pa lang na hindi tayo nagkikita pero pakiramdam ko ilang taon na kitang di nasisilayan. Ikaw kasi, sinanay mo ako na nandyan ka palagi sa tabi ko, tumatawa, kumakain at nagkwentuhan magkasama. 

Oo, sabihin na natin na ilang linggo lang yan pero naman nakakalungkot talaga at sabihin na natin na ako rin naman aalis at mag-iibang bansa at hindi biro ang dalawang taon na mawawalay ka sa taong pinakamamahal mo. At hanggang ngayon iniisip ko pa din kung aalis ba ako dahil para rin sa kinabukasan namin yun o hindi na lang ako aalis dahil hindi ko kaya na hindi siya makita at makasama.

Hay, sana umuwi ka na. Sana magkasama na ulit tayo. Ilang araw pa. Ilang araw na lang makikita na ulit kita at mayayakap.