Wednesday, March 2, 2011

Naaalala kita...

Ilang araw pa lang na hindi tayo nagkikita pero pakiramdam ko ilang taon na kitang di nasisilayan. Ikaw kasi, sinanay mo ako na nandyan ka palagi sa tabi ko, tumatawa, kumakain at nagkwentuhan magkasama. 

Oo, sabihin na natin na ilang linggo lang yan pero naman nakakalungkot talaga at sabihin na natin na ako rin naman aalis at mag-iibang bansa at hindi biro ang dalawang taon na mawawalay ka sa taong pinakamamahal mo. At hanggang ngayon iniisip ko pa din kung aalis ba ako dahil para rin sa kinabukasan namin yun o hindi na lang ako aalis dahil hindi ko kaya na hindi siya makita at makasama.

Hay, sana umuwi ka na. Sana magkasama na ulit tayo. Ilang araw pa. Ilang araw na lang makikita na ulit kita at mayayakap.

10 comments:

Axel said...

kung sinu man yang lalake na yan ay masasabing kong napaka-swerte niya at may isang babae na tulad mong nag-aalala sa kanya at nangungulila sa kanya..

ISTAMBAY said...

ate.. nag update na ulit ah...

ibuhos mo lang.. isipin mabuti bago pagdesisyon.. then panindigan..

magandang araw po :)

Dakilang Tambay said...

@Axel ako na kinikilig. haha :P

Dakilang Tambay said...

@Istambay hello. oo pinag-isipan ko talaga at excited na ako umuwi siya! :)

Axel said...

@DT >> ahahaha, bakit ka kinikilig?

Rio said...

mabilis lang ang 2 taon mia pero advice ko sau kailangang maging matatag ka.kelan alis? happy trip

Minoruelle said...

Sweet mo naman. ;)) More patience na lang siguro. :D

my-so-called-Quest said...

kaya yan MK. miss you btw! :D
pakilala mo kasi sa akin ha, haha

The Gasoline Dude said...

Medyo nagulat ako sa balitang ito, pero kilala ko 'yang lalakeng 'yan. Mabuhok, este matinik pala. LOL!

Axel said...

@Gasul >> tae ka!! sobrang late ka na sa balita.. may binabakuran ka nanaman kasi dyan.. hahaha..