one sweet day
una tayong nagkakilala nung nagkaroon ng teatro dito sa atin . nakita kita- gwapo, moreno at matangkad. alam ko hindi mo ako papansinin nun dahil hindi ako maganda, mataba pa ako nun. kaya binalewala ko na lang ang paghanga ko sayo. masaya na akong nakikita kita sa malayo habang masaya ka nakikipag-usap sa iba. hanggang sa nagkaroon ng meeting nun para sa performance natin sa Simbang gabi. katabi kita nun. dun tayo unang nagkakilala. mas mabait ka pala sa personal. lagi ka nakangiti. kumakanta ka nun habang nakikinig ako at minsan sumasabay pa ako sa pagkanta mo. naaalala ko yung kinanta mo, one sweet day ni mariah carey at boyz 2 men . tinandaan ko yung kanta na yun. after ng meeting kinuha mo ang cell number ko at dun na nagsimula ang lahat. akalain mo napansin mo pa ako nun. higit na mas madaming maganda kesa sa akin nun. One Sweet Day - Mariah Carey & Boyz II Men nag-uumpisa na ang praktis natin para sa Simbang Gabi. natawa ako sayo noon kasi gusto mo lagi tayo magkasama nun s