Sunday, March 30, 2008

Welcome Home Papito

Kauuwi ko lang galing simbahan. nagsimba kasi kaming buong pamilya, buo? Oo buo nga, dahil kasama na ulit namin si tatay.


hindi kasi mahilig magpapicture si tatay e

Kahapon lang siya dumating, at ako ang sumalubong sa kanya sa airport. pero nandun din naman sina nanay. pero feel ko lang na bumaba sa airport, kunwari ako yung balikbayan. hahaha. tapos naiimagine ko nga na may nakakanta ng ganito with matching sayaw pa habang papalapit ako kay tatay:

Kay tagal mo nang nawala
Babalik ka rin, babalik ka rin
Kay tagal mo nang nawala
Babalik ka rin babalik ka rin

-by GARY V.

syempre ang mga pasalubong nya sa amin ay puro kutsilyo, kaldero at mga gamit sa kusina. Chef kasi ang tatay ko sa barko kaya ayun puro ganoon ang pasalubong nya sa amin. Si Nanay lang ang natuwa sa pasalubong ni tatay. Pero may bago nga pala siyang uwi, mga vitamins. Ang daming bote ng vitamins. May Vitamin c, Vitamin e, Ginkgo biloba, evening primrose oil, Korean Ginseng at ewan ko male enhancement ek ek na vitamins. Malulunod na kami sa Vitamins ngayon, ewan ko lang kung magkasipon pa ako nito.



May nakita ako na magandang bagay sa bagahe ni tatay, ito pala ay isang pabango galing sa Victoria’s Secret. Pero sa kasamaang palad di pala para sa akin yung pabango, sa boss nya pala yun. Ang swerte naman ng boss na yun, nabigyan pa ni tatay ng pabango. Di bale, magpapabili na lang ako ng pabango.



Any suggestions kung ano ang okay na pabango?

Ayos nga ang pasalubong sa kapatid ko na lalaki e, mga cd’s, hulaan nyo na lang kung ano yun. Oo, yun na yun! Apir!


Namiss ko ang tatay ko, daddy’s little GIRL nya kasi ako, pero di na ako little angel ngayon e, isa na akong big angel (angel nga ba?). at masaya ako kasi nandito siya sa birthday ko sa May 2! Yehey! Ano kaya regalo nya sakin? Sana pera na lang. haha.


Bakit masaya at kinikilig si Mia?


Nagprusisyon kasi kami kanina after mass, at nung pa-uwi na kami, may nakita ako na boylet. Una akala ko si alchie yun. Nagtitigan pa nga kami ng look-a-like ni alchie. Ayun, hindi pala si Alchie yun, hawig nya lang pero gwapo din. Haha! Ang puti, syempre kumerengkeng ang lola nyo! Kinilig ba. Malandi lang kasi. Haha. Pis tayo dhie. Hehe. Ayun nagstay pa siya sa tapat namin, ewan ko kung nag-aantay ng i-gigirlfriend o tinitingnan lang ako. Ay nagfeeling daw! Hahaha. Basta kinilig ako talaga! Hahaha. Apir!

Saturday, March 29, 2008

Graduation


updated na rin pala ang co.cc ko, pakidalaw naman po at magcomment salamat!

April 11, 2007, PICC. Mag-oone year na pala akong graduate. At hanggang ngayon tambay pa din ako. Keri lang, pero minsan napapaisip na dapat ngayon nagttrabaho na ako at kumikita na. pero ganun talaga pag tamad.



grad pic ko! mukha lang ako eng-eng. la pa kasi akong tulog nyan

May balak naman akong magtrabaho., pero sa ngayon enjoy muna ang pagiging dakilang tambay. Magttrabaho din ako at pag meron na ako trabaho, mamimiss nyo din ako. Syempre assuming lang ng kaunti tingnan ko kung mamimiss nyo ako.

Graduation nga pala last Thursday ng utol ko. Hindi ako nakaattend ng graduation ng utol ko sa kadahilan na nag-away kami nung night before his graduation at binato lang naman nya ako ng dictionary. Diba ang sweet nya. Pero bati na kami kasi labs ko yung kapatid kong yun e kahit ganun un.

CAT Graduation nya. bati pa kami nitong time na to.

Naku magcocollege na siya at sosyalerong bata sa La Salle Dasmarinas ba naman siya magcocollege. Daig na naman ako. Kasi yung isa kong kapatid sa CEU naman at Dentistry ang kanyang course. Yung laki ng school ko nung college parang super liit nya lang pag tinabi sa mga school ng kapatid ko. Tsk tsk. Ok lang. graduate na naman ako. Sila hindi pa. belat.

Namiss ko tuloy yung graduation ko nung college. Namiss ko yung mga tropa ko, ang tropang metal, mga best buds ko, mga kalandian ko *haha* at si tooooot.. namiss ko kasama sila. Namiss ko yung mga kadramahan ko, namiss ko yung mga kalokohan ko at ang mga galang umaga na umuuwi, namiss ko ang bluewave, ang MOA at ang Baywalk. Namiss ko ang college life. Namimiss ko nang mag-aral at gusto ko ulit mag-aral.

Ggraduate na nga din pala si dhie. At magttrabaho na din siya. At akin lahat ng sweldo nya. Hahaha! At sana matupad lahat ng mga pangarap nya para maging successful siya at makagawa na kami ng pamilya. Joke lang. haha. Congrats dhie! I’m so proud of you. *kindat*



ubod ng taba ko nung highschool ako. haha

Ang daming ggraduate! Manlibre kayong lahat. Congratulations at sobrang proud si Ate Mia AKA dakilang tambay sa inyo! Apir!

Saturday, March 22, 2008

sampu

thanks bianca for the tag..

may new post din ako sa co.cc ko! pindutero nyo na lang ung co.cc

1. oath taking, d pa rin ako makamove on sa oath taking ko. nurse na ako talga, d ako nananaginip! hihihi.. pero hindi mangyayari yun kung hindi dahil kay GOD! sobrang thank you talaga po! :)


i did it. nars na ako!

2. my family, dahil sa friday darating na ang tatay ko! weee.. so happy talaga!finally uuwi na ang tatay ko! may tatay na ako ulit!


baby mia and tatay

3. banana boy, grabe tong video na toh, sobra akong nagenjoy.. haha!




4. dhie, syempre ang boyps ko na masunurin at mahal ko ng sobra! :)


new year 2008 picture

5. my bestfriends, college friends, highschool friends and newly found friends, maraming salamat at dumaan kayo sa buhay ko! sobrang mahal ko kayong lahat!


patalastas muna tayo:




gusto nyo bang manalo ng IPOD SHUFFLE at mga libro? tara at sumali sa the blog awards challenge.

The Blog Awards Challenge is a blog competition combining literary skills, interactivity and peer polling. The Blog Awards Challenge is bi-weekly theme-based writing event for everyone in the blogosphere. A challenge is posted in the site every two weeks. Bloggers who wish to compete will write about the theme and post the entry in their respective blogs.

para sa ibang detalye maaring pumunta sa THE BLOG AWARDS CHALLENGE.


6. Blogger friends, syempre lahat kayo. sobrang feel ko na welcome na welcome ako. oo, dati na akong blogger. mga 2004 or 2003 ako nagblog. ayun ngayon ko lang napagdecide-an na magblogger, at yun tama ang desisyon ko, dahil nakilala ko kayong lahat! :) maraming salamat. sobra!

7. nanood ako ng JCS sa may Rosario, Cavite (JESUS CHRIST SUPERSTAR), at naalala ko ang nakaraan. ang boylets ko, ang performance, ang hirap, ang saya at success ng play namin! ang samahan na hanggang ngayon buo pa rin!

some of my favorite scenes from Jesus Christ Superstar the Musical (Rock Opera)


everything's alright


last supper


Jesus Christ Superstar Song

8. twitterfox, ginawa namin siyang cbaks at ym! at natutuwa kami dito! hihihi!

9. go girl by pitbull, pag naririnig ko ang kanta na ito, napapasayaw talaga ako at naiimagine ko na nasa warehouse na ako! db? haha! hindi naman halatang medyo excited? ganun talaga! hahaha!.



10. summer 2008, excited na ako sa summer! at nagddiet na talaga ako!wish me luck dahil gusto ko ng bagong swimsuit! hahahaha! :) summer summer! welcome summer!

kahit sino pede gumawa ng tag na toh! :) salamat po!

Tuesday, March 18, 2008

special day!

march 16, 2008, gabi before oath taking

nakapagdecide kami ni nanay na isasama namin si royce para may sasakyan kami at hindi naman ako mukhang busabos pagdating sa SMX, MOA. tinawagan ko si royce para sabihin sa kanya un. pero ang lolo mo may tampo pa at naghahanap nga ng banner. e aun pinakita ko sa kanya sa webcam yung ginawa ko at sobrang saya nya talaga. at dahil dun,umoo siya na samahan kami sa oath taking tomorrow.

9:00am, march 17, 2008
ginising ako ni nanay at sabi na wag na lang daw kami ihatid ni royce sa MOA, kesyo hindi pa daw sanay magdrive si royce sa manila etc etc. tinawagan ko si royce at sinabi ko na d na siya sasama. alam ko nagtampo siya, syempre nalungkot ako, pero ala naman ako magagawa diba. umiyak pa nga ako tapos sabi ni nanay na si royce na lang daw ang pasamahin. e naku naman, syempre mas gusto ko kasama ang nanay ko. pero malungkot pa din ako. kaya ang lola nyo, nagbiyahe na lang. medyo mukha na nga ako busabos pagdating sa MOA e. at sobrang dami ng tao tapos ang init pa.

nanay and me

hul bode


antay ako ng antay sa bestfriend ko na dumating kasi expected ko na sabay kami mag-ooath taking. pero mali pala ako. sobrang paiyak na talaga ako, kasi yung mga taong mahahalaga para sakin wala sa special na araw ito. buti na lang, nakita ko si franco at ian, kung hindi mag-isa akong mag-ooath taking. ang lungkot naman nun db?


tuwang tuwa lang

bakit nakapeace sign si yani?

with franco and ian.

parang totoo lang

past ni patrick, present ni patrick, future ni mikoy

japan japan

mia,janelle,abby and shiela!

nagstart na yung program, nantrip lang kaming tatlo sa loob. nakigulo, nakisama sa mga picture taking ng iba at tumawa ng tumawa. at least kahit sandali nawala yung lungkot na nararamdaman ko, dahil nandyan sila.

hindi na kami kumain sa MOA after ng oath taking. umuwi na lang kami at nagpahinga.

sa fone nakausap ko si royce, napaiyak na lang ako nung tinatanong ko siya kung nagtatampo ba talaga siya. d siya kasi sumasagot. pero d rin naman ako natiis ng loko e. haha. mahal talaga ako nito :) wahahahaha.

royce: kya gus2 kitang ihatid knina kc khit ppno gus2 ko n pra kang prinsesa n ba2ba dun s sskyan...kc spcial ung araw n 2 e
mia: e ok lang naman sakin magbiyahe..pero alam ko kasi na gusto m talaga sumama:(
royce
: kng s gus2 e tlgang gus2 ko...pro my point din nman ung nanay mo e..nde p ako gnung ksnay s pgma2neho
mia: :(
royce: ...gus2 ko lng mkita ung start ng ktuparan ng mga pngarap mo
mia: alam ko naman un:(
royce: tahan kna bka 2mulo ung sipon dun s laptop..:))
mia
: hay nku
royce
: hehehe:))
mia
: tawa pa
royce
: yoko ng pgusapan p un
mia: :(
royce
: sobrang proud ako sau...and i hope n m2pad lhat ng pngarap mo for u and your family
mia
: :(
royce
: wla kna msbi noh?! whahahaha
mia: wala lang..bka umiyak ako lalo e
royce
: ...wag kna umiyak..ur spposed to be clebrating kc finally RN kna...
mia
: e kahit na:(
royce: kpg umiyak k tlgang mgta2mpo nko sau
mia
: e:(
royce
: wag kna iiyak h..pnget mo kc kpg naiyak e
mia: knina pa ako umaga naiyak
royce: umaga??
mia
: yeah, after ko tumawag sau
royce
: hehehe, kainis kc tlga e
mia
: alam ko, ako din naiinis
royce
: alm mo ang nka2inis p...6am gcng nko pra khit pa2no e presentable ung karwahe n sskyan mo...
mia: sorry tlaga
royce
: okei lng...tpos n nman un e..hehehe
mia:
khit na:(
royce: wla n taung mga2wa dun kundi klimutan nlng...hehehe., kya nga sna hyaan mo n nsa tbi moko kpg my spcial n event s buhay mo..hehehe...iloveyou so much, and pls...trust my driving!...:))
oo, inaamin ko, iyakin talaga ako. hindi na ata mawawala sakin yun.. haha..pero masaya ako kasi ok na kami. hindi na siya nagtatampo sakin.. yehey!

for more pictures : check my multiply site




Sunday, March 16, 2008

happy happy



gawa ko para sa kanya :)

9 months na tayo nagkukulitan, nag-aasaran, nag-aaway at naglalambingan. salamat kasi dumating ka sa buhay ko. salamat kasi minahal mo ako ng totoo. happy monthsary dhie ko. iloveyou so much..

PS.
Oath taking ko na bukas.,. waaa.. balitaan ko kayo.. miss ko na kayong lahat.


Wednesday, March 12, 2008

may social life na ako part 3

akalain nyo bang may part 3 pa ang aking sosyal (SOCIAL) life. haha. galaera na ako at parang travel blog na ang aking tambayan. haha.

one year death anniversary ng lola ko ngayon. grabe naaalala ko pa na napunta kami lagi sa makati med kasi dun nakaconfine ang lola ko halos one month ata siya dun. ang cool nga ng ICU dun e, paikot. haha. tapos yung pinsan ko nilalandi nya yung isang nurse dun at sa ngayon nakapanganak na yung nurse at may bago na naman siyang panganay. haha. tapos one year na rin kami unang nagkita ni dhie sa burol pa ng lola ko. hehe.

puyat ako at mukhang haggard nung pumunta ako sa bahay ng tito ko. inapi pa nga nila ako kasi daw para na daw akong matanda. sabi ko wala pa akong tulog kasi nag-gawa pa ako ng term paper ng kapatid ko at 4:30 am na ako nakatulog. kumusta naman yun, 6am ginising na ako ng nanay ko. hahaha.



painting ng pinsan ko from australia.. my lola and my ninang



nandun nga pala yung ninang ko from australia, ayun syempre bilang inaanak nya, binola ko ang ninang ko at ang galing kasi may gift siya sakin. isang necklace and earrings. simple lang siya pero sobra ko yun na-aappreciate, tapos sobrang proud pa sila sakin kasi RN na daw ako. papagawa pa nga daw sila ng banner, haha. patawa talaga yung mga yun.



simple but elegant

sumakit ang ulo ko pagkatapos manood ng cable sa tv nila na pagkalaki laki, pumunta na kaming LBC kasi may papadala ang ninang ko na package sa Quezon City (tamadera kasi pumunta dun) hahaha. tapos nagpagupit na kami. yes, tama ang nabasa nyo, nagpagupit na po ako. picture? sa susunod na lang na entry. haha.

nagpa-iwan na ako sa may bayan sa amin dahil gusto ko lang maging loner at magdrama. nagpunta ako sa MCDO tanza at dun bumili ng Coke float at tumambay dun. nandun si RISKOR (tropa ni dhie) pero sympre working hours kaya bawal akong inentertain. natuwa ako kay riskor kasi binigay nya sakin yung hat nya. haha. ayun mukha lang akong tanga kasi mag-isa lang ako. at nagpicture pa sa mcdo. haha.



wala ako magawa sa mcdo

mukha na akong haggard talaga, tingnan mo naman yung eyebags ko

nagpunta si dhie sa mcdo para sunduin ako kasi nag-away kuno kami. haha. ayun mukha lang siya tanga kakahanap sakin. d nya kasi ako makita. haha. pero ayun nakita nya din ako. kaasar. haha. tatakasan ko na dapat siya e. ang sama ko db?

after nun, dinala nya ako sa Rosario para makita ko yung fountain dun. ang cool nga at ang ganda. panoorin nyo yung video :)



iba't ibang klase ng tao ang nandun. meron magboyfriend, tropa, family etc. inaabangan ko na nga yung play sa teatro e (dati kasi ako member ng teatro). ang title ng play nila ay JESUS CHRIST SUPERSTAR. dapat mapanood ko un. :)

PS.
> ung mga may tag sakin. nasa isa kong blog yun.
http://dakilangtambay.co.cc welcome din kayo din! inuunti unti ko na gawin. medyo di na busy ang lola nyo ngayon.

> namimiss ko na si noime, misha, holy kamote bianca at iba pang nag-hiatus sana bumalik na sila. (nawala na lang bigla ung blog ni sissy misha, siguro may nag-hack. naku kayong mga hackers talaga)..

> iniisip ko magwowork na ba ako or hindi muna at magrereview for nclex? ano sa tinggin nyo? haha..

Monday, March 10, 2008

may social life na ako part 2!

hello mga katropa! may part 2 pa pala ang aking social life. sa Lucban, Quezon naman siya ngayon, sa may kamay ni Hesus. diba nasabi ko sa last entry ko na this saturday and sunday nasa megamall ako at pupunta sa nursing expo, d ako natuloy kasi i put God first. ahehe. seryoso, dahil ang ginawa namin sa Quezon ay nag-Station of the Cross, nagdasal, nag-picture at kumain.

me and my sister..

para akong bata na ngayon lang nakalabas at nakagala. hahaha. tuwang tuwa ako sa mga view at places. haha. inosente talaga. tapos eto ang nakakatawa, sobrang tuwang tuwa ako dahil nakakita ako ng kalabaw. ahahaha. mukhang tanga lang talaga ako kasi nakakita ako ng sungay, sayang nga hindi ako nakapagpicture with the kalabaw. hehehe.

mga 10:00am na kami nakarating sa Quezon. nag-gala muna kami at tamang picture-picture. ang saya kasi mga life size ang mga rebulto dun at meron halos 30 ft ata kataas na Mama Mary. hehe. 10:30 am nagsimba na kami sa may simbahan dun at after 1 hour nagmerienda muna kami. 12:00nn, nag-start na kaming mag STATION OF THE CROSS. ang ganda ng view kasi nasa bundok siya at pag nasa taas ka na talaga makikita mo yung buong Quezon *actually di naman buo* hahaha. habang pataas din kami ng pataas, umuulan siya. d ko tuloy napicture-an ang lahat. haha. :) nakakatakot bumaba sa may hagdan kasi baka madulas kami at mahulog, e kauulan pa naman nun. kaya sobrang ingat kami sa pagbaba.


ano ba ang meeting ngayon?

yes.. yes.. yes.. kinikilig ako..
ako ang panganay pero ako ang pinakamaliit
sa aming tatlo. kay saklap nga naman. haha


naka-akbay sakin ang first crush ko nung 5 years old
pa lang ako.
hindi ako nagtaksil. malandi lang. haha.




view sa taas, sobrang ganda and relaxing.
nakita mo si mama mary? ayun o


KAMAY NI HESUS, LUCBAN QUEZON

after ng station of the cross pumunta kami sa BUDDY'S sa may Lucban, Quezon din. ok yung pancit habhab nila, yung pancit yun na nilalagyan ng suka. haha. actually meron siyang francise sa Makati at Market Market daw. syEmpre ang inorder ko ay SISIG. haha. yung kapatid ko sizzling korean barbeque. ang sarap ng food nila. try nyo. bumili rin kami ng longganisang lucban at broas. haha. ang takaw ko talaga. baboy na ako. haha.


ang ganda nya no? model ko yan :) at magaling mag-emote yan

FIESTA TALAGA. SARAP NG FOOD!

ang famous na PANCIT LUCBAN nila

ang favorite sisig!sarap!

natuwa pa ako sa ginagawang kalsada sa SLEX, hahaha. mukha lang tanga talaga. parang ngayon lang nakakita ng mga sasakyan at kalsada. nakakapagod ang biyahe kasi ang layo pero ok naman kasi productive ang aking gala ngayon at mas naging close pa ako kay God.


photo blog na ang blog ko.. haha.. mas madami pang pictures sa multiply site




Disclosure Policy

This policy is valid from 10 March 2008


This blog is a personal blog written and edited by me. For questions about this blog, please contact mia (mimai014@gmail.com).


This blog accepts forms of cash advertising, sponsorship, paid insertions or other forms of compensation.

This blog abides by word of mouth marketing standards. We believe in honesty of relationship, opinion and identity. The compensation received may influence the advertising content, topics or posts made in this blog. That content, advertising space or post will be clearly identified as paid or sponsored content.

The owner(s) of this blog is compensated to provide opinion on products, services, websites and various other topics. Even though the owner(s) of this blog receives compensation for our posts or advertisements, we always give our honest opinions, findings, beliefs, or experiences on those topics or products. The views and opinions expressed on this blog are purely the bloggers' own. Any product claim, statistic, quote or other representation about a product or service should be verified with the manufacturer, provider or party in question.

This blog does contain content which might present a conflict of interest. This content may not always be identified.


To get your own policy, go to http://www.disclosurepolicy.org

Thursday, March 6, 2008

may social life na ako!

Masyado naging busy ang week na to para sakin. TAGAYTAY, PRC, SIMBAHAN AT MOA. kakaloka, hindi tuloy nagana yung utak ko, at hindi pede yun. san ko ba uumpisahan? wala ako maisip. badtrip talaga. pagpasensyahan nyo na ang post ko na ito.

kausap ko ang bestfriend ko nung isang linggo, napagbalakan namin na maggala with our boyfriends, saan?? sa TAGAYTAY syempre. 4 years and 1 month na kasi sila, ayun makikigulo lang kami ni boyps sa kanila. haha. atsaka kaya tagaytay?? para malamig tapos legal na mag-hug dun. wahahaha. YES! hahaha.. tsaka malapit lang sa Cavite ang tagaytay. masarap magrelax at magroadtrip..


monday, 9am..
hindi ako nakatulog nung gabi, ewan ko ba kung excited. haha. ayun late ako ng 5 minutes ata, at wag ka, nandun na si dhie! ang aga nya, 8:30am nandun na siya sa meeting place. mas excited pa ata sakin un e. haha. late ang bestfriend ko, kaya niloko namin na manlibre siya. haha.



happy monthsary sa inyo sugar

ayun road trip lang kami. tapos sobrang tipid dahil bilang isang DAKILANG TAMBAY, wala naman ako pagkukunan ng pera! haha. bumili kami ng pagkain sa tapsihan na nadaan namin at tumambay lang kami sa may PICNIC GROOVE. ang bilis namin kumain para walang maniningil samin sa table. (binabayaran kasi ang table dun. 100php ang bayad) nag1-2-3 kami. haha. mga pasaway. ahahaha. naku hindi malamig sa tagaytay. kairita tuloy maghug. haha. sira ang plano ko. wahahahaha. may hidden plan pala. haha. Bumili nga rin pala kami ng pinya. Ang sarap nga e. hehehe.


buji and me

us...

miang and catring

foursome na toh. haha

palitan ng partner. sige lang dhie, tuwang tuwa ka naman
patay ka sakin mamaya. haha. joke lang.

boy to boy, girl to girl naman para masaya. haha

nagpicture picture lang kami. at kwentuhan to the max. ako nga daw si DORA the EXPLORER dahil nakabackpack na naman daw ako at nakapink. Hahaha. sobrang nagenjoy ako sa lakad namin. mga 3 pm umuwi na kami dahil may work pa si cathy sa hospital at mukhang tinatamad na si buji. haha. pero dumaan muna kami sa PINK SISTERS at nagpray J tapos umuwi na kami. Ayun si buji ang nagdrive para daw makapag moment kami, e asa ka naman na magmomoment kami. Hahaha. Nagpicture lang ako ng mga clouds dun. Hehe. Ang ganda kasi.


nakakarelax tingnan

After nun hinatid namin si cathy sa bahay nila at eto ang nakakatawang part, nasabihan si dhie ng lola ni cathy na GWAPO. Ahahaha. Tawa lang ako ng tawa after masabi nun. Ang pag mumukha ba naman ni dhie, smile na smile pacute at kinikilig pa. hahaha. Anyways, nagpunta kami sa sm dahil nagpapicture ako ng passport size, 2x2 and 1x1 na picture para sa PRC bukas. Pag-uwi ko sa bahay, nakatulog agad ako sa sobrang pagod. Haha.

Tuesday, PRC

Ang aga ko nagising pero late na rin ako umalis sa bahay, pupunta kasi ako sa PRC para magfile at ayusin yung para sa OATH TAKING for Nurses. Ayun, wala akong kasama, para lang tanga. Pero may nakilala ako, si KC at Kateleen. Actually kasama ko si kateleen sa march 8-9, 2008 sa Megamall para sa seminar about nurses. After 25 years bago kami natapos, buti na lang hindi gaano mainit. Last stop namin sa PNA. Bumili ako ng ticket para sa OATH. Tapos after nun nagpunta ako ng MOA dahil nandun si apple and cathy. Nanlibre si Apple ng yellowcab, at ang dami kong nakain. Haha. Ang takaw. Tapos sa wendy’s kami nagstay kasi nakicharge ng phone si apple dun. Hehe. Umuwi na kami kasi hindi rin naman nagccharge ung charger dun. Bulok. Haha.



sa YELLOWCAB, MOA
kiss mama cathy.. mukhang extra lang ako, haha


Wednesday

Sa bahay lang ako pero naglinis naman ako ng bahay. Haha. Akala ko makakapagpahinga na ako. After ko maglinis ng bahay nagsimba na kami at nag NOVENA kay mother of Perpetual Help. Hindi ako nakapunta sa Baclaran kasi baka patayin na ako ni Mamita. Ang dami kong gastos. Haha.

----------------

Ngayon tambay na naman ako, inaantay ko na lang mag Saturday para makapunta na sa Megamall. Haha.

Masaya ako kasi kahit papaano nagging productive ang week na to, productive nga ba? Kayo na bahalang maghusga dun. Haha..

PS:
pagpasensyahan nyo na ang post ko ngayon.sadyang tuyo lang ang utak ko ngayon. :)







Saturday, March 1, 2008

dakilang tambay is back!


nagbabalik muli ang Dakilang Tambay...

ano ang dahilan? namiss ko kasi kayong lahat :) di ko kayo matiis. kaya pinareformat ko na lang yung laptop ko. kasi nga ganyan ko kayo ka-love :)

akala nyo naman 3 months ako mawawala (diba ferbert) hindi noh. as if matitiis ko ang hindi mag internet. para na akong mamamatay pag d ako nakahawak ng computer. haha.

ano ang ginawa ko nung nawala ako? naggala lang. nagpunta sa bahay ng tropa ko at nakikain ng pizza at nag-ayos ng gamit nya sa kwarto. *naging katulong ba? haha*

tapos pag-uwi ko galing sa bahay ng tropa ko, nakita ko si george. waaaa.. kilig ako :) highschool seatmate ko na uber pogi :) nasa tricycle ako nun at nakita ko siya, ayun tinawag ko. tinawag nya din ako. actually gusto ko bumaba ng tricycle para makausap siya. haha. malandi lang ako. nakatingin pa rin siya sa akin habang papalayo na yung tricycle. haha. it must be love. jokeness lang.

pag-uwi ko ng bahay kinabukasan, nag picture picture lang ako, wala e. picture addict lang. haha. ang taba ng pisnge ko.. kainis. hahaha. ayan igno yung picture ko. :) tapos reformat na ng laptop at inaayos ang site na pangalanan nating AYRISHA


ayan yung picture ko


sa mga tropang blogosperyo :) namiss ko talaga kayo. ako, namiss nyo ba ako?