lisensya
Ala-una, iyon ang oras na umalis kami dito sa bahay para pumunta sa LTO at kumuha ng driver’s license. Napakainit ng panahon ngayon, tulo ng tulo ang pawis ko. Gusto ko ulit maligo kahit kaliligo ko lang. napakadaya nga ng panahon, naulan daw sa Manila, samantalang dito sa Cavite ubod ng init. Tapos nagugutom pa ako, masarap ang pancit canton. Mamaya makakain pag-uwi sa bahay. Naka-kotse kami pero sa tito ko iyon. Yung kotse na gamit naming ay kailangan pang buksan ng driver para makalabas kami dahil sira na ang pinto nito. Hindi ka makakalabas pag hindi binuksan ng driver. Ganyang kaganda ang unique na kotse na pinahiram samin.feeling reyna ka kasi pagbubuksan ka pa ng driver. Hindi ko alam ang dami dami naman nilang kotse, ang pinahiram sa amin ang unique na kotse na ito. Tae talaga, bakit sila may kotse samantalang kami wala. Inggetera na naman ako. Bad iyon mia. Pero sana man lang bigyan kami ng kaunti nilang biyaya at ibigay nila ang isa sa mga sasakyan nila. Sabi nga sa Simbahan ...