Tuesday, December 23, 2008

merry christmas



Mahirap na masarap ang magmahal. Masarap kasi alam mo na may minamahal ka. Mahirap kasi hindi mo alam kung ang pagmamahal na ibinibigay mo sakanya ay naaappreciate nya.

Swerte ng ibang tao dahil natatagpuan na nila agad ang taong mamahalin nila panghabang buhay. Yung taong kayang intindihin kahit ano pa mang ugali meron ka. Yung taong laging nagpapangiti sayo kahit na sobrang bigat ng problemang dinadala mo.

Hindi ko alam kung natagpuan ko na ba ang lab na yun. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko dati. Hanggang ngayon hindi ko alam ang nararamdaman ko talaga. Basta ang alam ko merong darating na karapat dapat na tao na kaya akong intindihin. Yung mas mahal ako. Yung aalagaan ako at hindi ako iiwan.

Hindi ko alam kung nakakaramdam na ba ulit ako ng lab. Basta ako just go with the flow. Kung mainlab, e di inlab. Kung hindi, e di hindi. Ayoko pilitin ang sarili ko na mahal ko agad itong tao na ito. Ang gusto ko siguro ako sa nararamdaman ko, para sa bandang huli wala ako pagsisisi sa aking sarili.

Ang drama ko no. pagbigyan nyo na ako. Emo day ko ngayon. Malamig kasi ang pasko ngayon.

MERRY CHRISTMAS TO ALL! :)

Wednesday, December 3, 2008

disyembre

ang bilis ng panahon. disyembre na. panahon na para maggawa ng mga baby ang mga matatanda, kasi nga naman malamig ang panahon ngayon. kaya nga madaming september na baby ang pinapanganak diba? akala nyo ha. hehehe. seryoso na nga, excited na ako sa darating na pasko, kahit na wala akong jowa ngayon at wala si tatay sa bahay, masaya pa rin ako kasi maraming nangyari ngayong taon na ito, pumasa ako ng board exam, nagkatrabaho ako, nagkaroon ng maraming suitors (joke lang) hehehe, at mas dumami pa ang nagmamahal sakin na mga kaibigan.

oo, maraming nangyari sakin nitong taon na. hindi naman magaganda lahat pero atleast natuto ako sa mga panget na nangyari sakin. naging mas mature na rin ako mag-isip (yung kilos parang wala nang pag-asa magbago e), mas nakilala ko ang sarili ko, mas naging maingat ako sa mga sinasabi ko at ginagawa. mas naging mautak na ako. naging strong ako dahil sa mga nangyari sakin. hindi na ako pede apihin pa. (tapang tapangan).

malamig na naman ang pasko ko. wala akong papa. sino ang gusto mag-apply? joke lang. haha. masaya naman kahit na wala akong boyps ngayon. nandyan naman ang family and friends (specially my super friends) para sumaya ako ha. hindi naman kailangan sa bawat panahon may boyps kang kasama diba?

uso na naman ang monito monita ngayon. at meron sa hospital, ang theme ngayon ay something hard. ano ba ang something hard. bigyan nyo nga ako ng example. hehehe.

isa lang naman ang gusto ko ngayong pasko e. WORLD PEACE. chos. ang gusto ko lang naman ay tumaas sana ang sweldo ko at yumaman ako. haha. tapos sana mas marami pang work para sa mga Pilipino. tapos sana magmahalan ang lahat. walang krimen. walang kasamaan. basta wala lahat. gusto ko naman para sa sarili ko ay



BAGONG CELLPHONE AT



NINTENDO DS LITE.


yun lang. kailangan ko pa kasi ihagis ang cellphone ko para lang tumunog ulit. diba. ang galing.

Wednesday, November 26, 2008

hate letter

dear tooot..

para saiyo itong sulat na ito. halata naman diba.

akala ko pa naman tunay kitang kaibigan. tapos malalaman ko na lang sa iba na halos siraan mo na ako. ano ba ang ginawa ko sayo at ganyan ang ginagawa mo sa akin. naging mabuti naman akong kaibigan sayo. kahit na marami akong naririnig na bad things sayo di ako nagsasalita at di ako naniniwala kasi KAIBIGAN KITA. kaso yun pala hindi kaibigan ang turing mo sakin. mas iisipin ko pa na tinuturing mo ako na isang kaaway. 

masakit para sakin na ganyan ka pala talaga. pilit ko inaalis sa isip ko na hindi ito totoo. pilit ko pinipigilan ang sarili ko na wag magsalita against sayo. pero hindi ko alam kung hanggang san ang pagpipigil ko sa nararamdaman ko. nagtitimpi lang ako, pero pag ako sumabog, hindi ko na alam kung ano ang mangyayari.

basta sa ngayon tahimik muna ako. kasi nga sabi ko nga. KAIBIGAN parin kita. at pilit kong iintindihin yang mga ginagawa mo sa lahat at lalo na SA AKIN. 

hanggang dito na lang. sana masaya ka sa mga ginagawa mo.

basta hangga't kaya ko pa, magiging kaibigan mo pa rin ako.

ciao.

ang iyong kaibigan.

miang

Tuesday, November 25, 2008

pakontest

dear mr. buraot,

pahabol lang. ang napili ko sa mga naisulat mo ay yung SIR MONG MUKHA MO para sa pakontest mo na SIKATCHUPOY CONTEST

tawa ako ng tawa nung nabasa ko itong entry na ito. naalala ko lahat ng mga kalokohan ko.

naalala ko kasi yung mga kalokohan namin nung P.E namin. syempre di ako mahilig sa chikababes. sa boys pa rin ako. hahaha. pero ayaw ko sa boys ang mga nakatrunks. nasasagwaan ako. ang panget. hahaha.

tapos ganyan din kami magsalita ng mga katropa ko. 

AYUN. MARAMING SALAMAT BURAOT. APIR!

Tuesday, November 18, 2008

susmaryosep

nakikita nyo ba yan? wala akong header. sa sobrang katangahan ko na naman, nabura ko ang header na pinahirapan ni Lunes. mapapatawad mo kaya ako sa ginawa ko lunes? sus talaga.

hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko ngayon. wala ako maisip na bagong layout. hindi ako marunong gumawa. nakakaawa na naman ang blog ko. di na nga nag-uupdate, wala pang matinong layout. sus talaga.

Wednesday, November 12, 2008

dear tatay

magkaroon ng isa tatay ay isa sa pinakamagandang nangyari sakin.

isa ako sa mga swerteng tao na magkaroon ng isa tatay na katulad nya.

mahal nya kami, oo minsan maloko siya at hindi mapagkakaila na habulin ng babae (mukha ka kasing artista, ala benjie paras ba), syempre hindi ko rin mapagkakaila na minsan di nya malabanan ang tukso pero maswerte pa rin kami dahil kami ang pinili nya. kahit kailan hindi nya naisip na iwan kami at ipagpalit sa mas magandang chika-babes (joke lang nanay).

pinili nya pumunta sa ibang bansa kahit na mahirap para sa kanya na iwan kami, alam nya kasi sa kanyang pag-alis magkakaroon kami ng magandang buhay.

hindi kami mayaman, pero hindi rin kami hirap. sakto lang bale. nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw. nakakapunta pa naman kaming mall paminsan minsan at nakakapag-aral pa naman kami sa magagandang eskwelahan. kahit na hindi kami mayaman, masaya naman kami. super dedicated siya sa amin, actually pag umuuwi siya dito sa Pinas halos lahat ng gusto namin ibibili nya. spoiled kami sa kanya. mahal na mahal nya kami. gusto nya close kami sa kanya palagi.

tay, matanda ka na. salamat sa pagmamahal, pag-aalaga (ikaw ang nag-alaga sakin nung baby pa ako kasi nagttrabaho pa nun si nanay), sa pag-intindi sa amin at sa pagsuporta mo sa mga pangarap namin. pramis di ka namin bibiguin. pipilitin namin maging maganda ang buhay natin. pagsisipagan ko ang pagttrabaho ko para hindi ka na umalis. para kasama mo na si nanay, para magkasama kayo sa pagtanda nyo. ang sweet no. :) basta tay, lab na lab po kita. happy birthday po. mwah. labyu.

ang kamukha mo,
miang

Sunday, November 9, 2008

sira

miss ko na magblog. nakakasira ang trabaho sa pagbblog. sus na buhay

Sunday, October 19, 2008

usap

"wag na lang tayo mag-usap"

- yan ang pinakamasakit na salita na narinig ko sayo. hindi ko maisip na magkakaganito tayo. akala ko okay na tayo, yun pala hindi. pasensya ka na kung magulo ako. oo, ako ang may problema hindi ikaw. akala ko maaayos natin ito pero hindi pala. mahirap kalimutan ang pinagsamahan natin. nakaukit na yun sa puso ko kahit maghiwalay tayo. alam ko hindi na tayo magiging magkaibigan. sorry. wala na ako masabi kung hindi sorry parati. hindi ko alam kung paano magpapaliwanag sayo. alam ko para rin sa atin to. hindi kita iniwan dahil may mahal na akong iba. may mga dahilan ako pero hindi kasama dun ang may iba na ako. ikaw pa rin ang mahal ko. hindi agad agad magbabago yun. pero sa ngayon, kailangan muna natin maghiwalay. paalam at sa muli nating pagkikita.

Sunday, October 12, 2008

dota

naalala ko dati, uso ang counterstrike. syempre dahil mahilig ako sa uso, nakilaro naman ako sa kanila. ako lang sa batch naming mga babae ang naglalaro ng counterstrike at ang mga kalaro ko ay mga lalaki. di ko nga alam kung lalaki ba talaga ako. tapos biglang nauso ang dota. syempre dahil uso, laos na ang counterstrike. dahil dun wala na ako kalaro nun. lahat sila nagdodota. nakakainis talaga. 

hindi ko natry magdota. ewan ko. masama ang loob ko sa dota. dahil sa dota nagkaaway kami ng bestfriend ko. mas mahal nya ang dota kesa sakin. holysh*t. may ganung moment.

hanggang ngayon di ko binalak maglaro ng dota. ang tagal kaya nun laruin. masaya na ako sa counterstrike kasi dahil sa CS nakakuha ako ng mga tunay kong kaibigan :)

Wednesday, September 24, 2008

anak

kagabi habang ako ay nagpapaantok at nagpapalandi, ay mali. hindi pala. naglalandi joke lang, merong balita na hindi ko nagustuhan. harujosko, may anak na daw ako. kelan pa nangyari yun? e ni hindi lumalaki ang tiyan ko. oo may belly fats ako pero laman nyan puro pagkain, taba at ibang kaek-e-kan. 

hay sus. ni hindi ko naramdaman ang paglalabor, ang probable, presumptive at positive sign ng pregnancy. ni hindi ko namonitor ang paghilab ng aking pregnant belly kung meron man. ni hindi nagrupture ang aking bag of water at walang bleeding na nangyari. anubayan.

ang mga balita nga naman o. bakit ba nila naisip na may anak na ako. mukha ba akong may anak? pagbabatukan ko ng isa ang mga naglabas at nagkalat ng isyu na yan e. 

at bakit ako lagi ang napagttsismisan. hindi naman ako artista, hindi ako sikat, at hindi ako karapat dapat na pag-usapan kasi wala sila mapapala sakin.

hay, ano kaya ang sunod na tsismis tungkol sakin? ikinasal na ako? o malala patay na ako? 

Sunday, September 14, 2008

mamam

masarap palang mag-inom pag may problema ka. pansamantalang nakakalimutan mo ang mga problema mo sa buhay. hindi ako manginginom, ocassionally lang. pag napagtripan at kung may problema man.




huli kong inom nung nagpaparty si Pedro sa QC pagkatapos nun, clean living na ako. kahit dati akong tambay, hindi ko naranasan mag-inom. strict kasi ang parents ko. bawal ang mga bisyo na ganyan. corny ng buhay ko pero sanay na ako e.


parang gossip girl. xoxo.

itong huling inom ko sa manila pa. kasama ko mga katrabaho ko. saktong sakto kasi marami ako problema. ayos na ayos mag-inom para makalimot. panget ang gimik namin na ito kasi nag-uulan. basa basa tuloy kami. nagsayawan sila pero hindi ako sumayaw kasi nabadtrip ko. iniinis kasi ako ng isa kong katrabaho. hay naku. pikon ko noh? haha.



after gumala diretso sa chowking para kumain. sarap sarap. haha


sarap ng pagkain. yum yum.

masaya maliwaliw pag kasama mo ang mga kaibigan mo. salamat sa pulang kabayo, lagi mo pinapasaya ang buhay ko.



 mga tropang blogosperyo, kelan ang next bonding. text nyo ako ha :) sana lang wala ako duty. hehe.

xoxo. mia pisnge

Saturday, September 13, 2008

open letter

nalulungkot ako, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. okay naman ako dati. madrama minsan pero mas madalas masaya. bakit ba kelangan humantong pa sa ganitong sitwasyon? actually sinisisi ko ang sarili ko kung bakit ang bilis ko sumuko. hindi ko sinasadya na saktan ka, hindi ko sinasadya na iwanan ka sa ere. sa totoo lang mas nasasaktan ako sa kinikilos ko, hindi ko na kilala ang sarili ko.

nahihirapan ako. ayoko pilitin ang isang bagay na alam ko hindi okay. ayoko maging plastik. gusto ko kung ano ang nararamdaman ko yun ang gagawin ko. hindi ko gusto na saktan ka. pero kailangan ko itong gawin para sa sarili ko. ayoko naman na ipilit na okay tayo, ayoko na unti unti kitang sinasaktan at binabalewala.

hindi pa naman tayo matatapos ng ganito lang. gusto ko lang maintindihan mo ang part ko. hindi kita totally iiwanan. nandito lang ako sa tabi tabi. gusto ko lang mapag-isa. kung tayo talaga para sa isa't isa tayo talaga. sana lang maintindihan mo talaga ako.

katulad nga ng lyrics huwag mo isipin na hindi kana mahal sarili ko'y hahanapin ko lang.

sana sa panahon na babalik ako, nandyan ka pa rin, naghihintay sa akin at handa ako tanggapin with both arms wide open.

nagmamahal,
mia irish pisnge

Wednesday, September 3, 2008

awting



rainy season na naman. syempre di na uso ang swimming, pero sa amin walang uso uso. basta maisipan na magswimming, go lang. parang ngayon. magsswiming kami sa los banos, laguna. ayos na ayos dahil off season ngayon, walang masyadong magsswimming.

kasama ko ang mga katrabaho ko. masaya kasi mas makikilala ko ng lubusan. nakakatuwa kasi ang saya nila kasama. puro kalokohan. puro tawanan. mas nafeel ko na belong na ako sa group nila.

bago kami nagswimming dumaan muna kami sa bahay ni Jose Rizal. ayos nga e, parang educational tour ang napuntahan namin. at nakakatawa kasi para kaming mga tanga na nagpipicture-an sa loob ng bahay ni Rizal.




After ng educational tour, nagpunta na kami sa splash mountain, masaya kasi nagreminisce ako ng swimming ko nung first year college ako. haha. nagslide kami sa mga pambata na swimming pool, nag-inuman, nagkantahan, nagbilliard, nagkwentuhan, nagtawanan, nag-asaran, nagswimming at naglaro na parang mga bata sa pool. para kaming nakawala sa isang malaking hawla.masaya sa pakiramdam.



sana lagi na lang outing para kahit minsan makalimutan mo ang mga problema mo sa mga bagay bagay. minsan kasi nakakasawa na mag-isip ng mga problema. masarap magpakasaya at makalimot kahit sandali.





Friday, August 22, 2008

eko

bakit eko ang title? kasi tungkol ito kay eko, ang bago kong boyfriend. siya ang anak ng may-ari ng hospital na pinagttrabahuhan ko. sosyal diba. simpleng malandi itong si eko, pupunta siya sa likuran ko at bigla bigla hahalikan ako. tapos gusto nya lagi ko siya ikikiss. at grabe makatitig sa akin, yung tipong matutunaw ako kasi hindi siya nakurap.

paano naging kami, aba hindi ko nga alam e. bigla ko na lang nalaman kasi lahat ng staff alam na ako ang girlfriend ni eko. hanep.

ilan taon na nga ba si eko? actually 4 years old lang siya. haha. craddle snatcher ang lola nyo. tuwang tuwa naman si doki (tatay ni eko) kasi binata ang anak nya.

cute cute ng bata na ito, ang ganda ng kutis palibhasa mayaman. hehe. naku kung di lang bata si eko, papayag ako maging gf nya. (peace dhie.) hahaha.

Monday, August 18, 2008

feeling

hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. bigla na lang ako nalungkot. feeling ko may kulang. feeling ko mag-isa lang ako. hindi ko alam bakit bigla na lang ako nagdrama ng ganito. matagal tagal na din nung huli ko ito naramdaman.

sana bukas paggising ko ayos na ako. sana bumalik na yung dating si mia.

Saturday, August 16, 2008

fourteen

simula highschool pa lang ako peborit ko na talaga ang number fourteen. ewan ko, feeling ko swerte sa akin ang number na ito. pag fourteen ang date palagi, may magandang nangyayari.

naalala ko pa dati, sabi ko pag nagkabf ko gusto ko 14 ang date namin. hehe. wala lang peborit number ko kasi un e.

ngayon fourteen months na kami ng dhie ko. wee. ang tagal na namin. akalain mo tatagal kami. akalain mo na matitiis nya ang mga kalokohan at kaartehan ko. wahahahahah.

fourteen months and counting. ano kaya ang mangyayari.

well sana kami na forever. malay mo diba? magkatotoo ang pangarap namin. hehehe.

happy 14th monthsary sa amin! :)


Monday, August 11, 2008

missing you

matagal na rin ako nawawala sa buong blogosperyo dahil sa pagiging boluntaryo kong nars dito sa hospital sa amin. actually namimiss ko na ang buhay ko bilang tambay.

gising ng umaga or tanghali.

bukas laptop.

sign-in sa ym at plurk

chat at plurking.

kain.

internet.

tulog.

nood tv.

internet

at tulog.

yan lang ang ginagawa ko nung tambay pa ako dati, ngayon di ko na siya nagagawa. di ko na nga alam kung ano ang usong commercial ngayon. ganyan ako ka busy ngayon.

tulad noong sabado at linggo, pumasok pa din ako sa hospital kasi gusto ko magcirculate sa Operating Room. malakas ang trip ko, gusto ko lagi ako napapagod. ewan ko ba. dun ko naffeel na productive ako. haha.

dahil sa sobrang kabusyhan ko napapabayaan ko na ang mga ibang bagay at minsan nababalewala ko na ang ibang tao particularly si dhie. oo understanding siya pero ramdam ko yung pagkamiss nya sakin. minsan naguguilty ako sa pagiging busy ko dahil wala na akong time para sa kanya. minsan na lang kami magkausap, nag-aaway pa kami dahil na rin sakin. irritable na ako kasi pag pagod. lagi ko pa siya natutulugan. wala na talaga akong time para sa kanya.

kaya minsan naiisip ko kung tama ba ang ginagawa kong pagkabusy. hindi ako marunong mag time management. tangengot ako dun.

sana laging understanding si dhie. sana hindi siya magsawa


Sunday, August 3, 2008

Agosto

Dahil Agosto ngayon, kelangan may maisip ako na maipost sa blog ko. Sa tinggin ko kasi nilalangaw na siya, meaning wala nang kwenta ang blog ko. shet mang aminin yun ata talaga ang totoo.

Sa aking palagay maayos na ang pakiramdam ko, hindi na ako maya maya napunta sa banyo para maglabas ng sama ng loob. Masaya ako sa pakiramdam ko. Feeling ko tumalino ako at naging mas healthy pa dahil nailabas ko na lahat ng toxins ko sa katawan. Ayos diba?

Unang araw pa lang ng Agosto sumabak na agad ako sa katoxican. Pumunta kasi ako ng NBI, may kailangan lang aayusin kasama ko si Rochelle (tropa ko nung higschool) at si dhie. Ayos nga kasi sumama si dhie, may taga pila kami lagi at taga reserve. kaya gumaan ang life namin Hehe. Enjoy naman sa NBI at lalo pa akong nag-enjoy dahil nakita ko si Friend (Joel), schoolmate ko siya nung college at sobrang close kami. Mas higher siya sakin ng isang taon kaya parang may kuya na ako, kuya na gwapo at mabait at magaling magbasketball. hehe. After lunch na kami natapos sa NBI. Pagkatapos nun, nagpunta kami sa Kalaw kasi kukunin ni dhie yung seaman's book nya. Ang daming seaman dun sa pinuntahan namin at naalala ko tuloy si Tatay, medyo nagtagal kami dun kasi nasa ilalim pa ata yung seaman's book ni dhie. Kaya ayun hapon na kami nakauwi. Dumaan muna kami sa SM kasi may bibilhin si dhie at kumain na din kami. Sobrang pagod na pagod ako nun. Pero keri pa rin.

Kinabukasan, nagpunta naman kami sa Las Pinas para magpaprint kasi mura lang print dun. 2 pesos per page. Kaya ayun, di ko expect na makikita ko si fafa Ran dun. Siya pa nga ang unang bumati sa akin e. Ayun konting usap at kinuha nya yung number ko. Namiss ko si Ran, kasama kasama ko rin palagi yan nung college kami tapos kamukha nya pa si Ryan Agoncillo. Magkabatch sila ni Friend at pareho silang basketball player. Sobrang close din kami nyan. Hindi naman masyadong halata na namiss ko talaga siya diba? hehehe. Ayun balik na tayo sa pagpapaprint. 82 pesos lang ang nagastos ko kaya tipid. Dun na rin kami naglunch at ang lunch namin, chicken strips na mura lang. hehe. masarap siya at yummy. hehe. after kumain nagpunta na ako SM at naggala gala tapos nanood ng The Mummy. Ang ganda nya at ang galing ni Jet Li kahit medyo matanda na siya. hehe.



Nakakapagod talaga. Tapos bukas duduty na ako. Balik toxic life na naman ako. Minsan naman isama nyo ako sa prayer nyo na sana wag na ako magkasakit. Salamat po at tatanawin ko yun na isang malaking utang na loob. ehehehe :)

Paano, kailangan ko na magbeauty rest. Paalam.


Wednesday, July 30, 2008

masama ang loob

masama ang loob ko kasi:

number 1: may sakit ako, at ang pinakaayaw ko pa na sakit. gusto nyo malaman? VOMITING at LBM lang naman. hindi nakakatuwa ang sakit na ito. halos 15x na ata ako napunta sa cr. pero wag mag-alala, ok na ako ngayon. nagpapahinga na lang ako pero kumukulo pa ang tiyan ko.

number 2: hindi pala bagay sakin ang mapayat. para akong malnourished. grabe. pangarap ko pa naman pumayat kaso ngenget talaga. siguro gawa ng nadehydrate ako gawa ng LBM na yan. yun lang share ko lang.

number 3: hindi ako makakakain. dahil nasusuka at sini-cr ko lang siya. badtrip talaga.

number 4: hindi ako nakapasok, namimiss ko na ang mga friends ko sa work. ako kaya namimiss nila?

at ang huli

number 5: bumaba ang page rank ko. PR3 na lang siya. huhu. kelangan ko na ba magblog-hop ulit para tumaas? kelangan na ba bumalik ang BLOGHOPPER of the year?

Saturday, July 26, 2008

bagong bihis

Maraming salamat lunes sa napagandang layout na ginawa mo, natouch talaga ako dahil sa effort na ibinigay mo para lang magawa mo itong layout na ito. :) thankyou thankyou talaga.

CONGRATS nga pala sa mga NEW RN'S. alam ko ang feeling ng nakapasa. eehehehehe.


Sorry kung di ako nakakapag-update. busy lang ang lola! :)

Tuesday, July 15, 2008

busy bee :)


hoy hoy hoy.

buhay pa ako. Akala nyo lang deds na ang dakilang tambay, pero nagkakamali kayo. Siguro kung friendster lang ito, close na ang account ko. Ang tamad ko kasi maggawa ng entry dahil busy ang lola nyo ngayon sa boys ay sa work pala.

mag oone month na ako sa work na walang sweldo, masaya na mahirap kasi hindi mo maiiwasan na hindi ka pag-usapan. Keri ko naman e, alam ko na kasama sa trabaho ang pag-usapan ka ng ibang kawork-buddy mo sa kadahilan na bago ka pa lang. Minsan kelangan mo na tumahimik para wala na silang masabi tungkol sayo. Aaminin ko nung una nahirapan ako mag-adjust, feeling ko susuko na ako pero sabi ko pag ako sumuko ibig sabihin nun totoo ang sinasabi nila sa akin, at dahil mapride ako minsan ayoko naman sabihin na TALO ako.

Minahal ko na ang trabaho ko at minahal ko na ang mga newly found friends ko na alam ko true friends talaga sila. lalo na yung mga kuya ko. Nung bata pa ako gustong gusto ko talaga magkaroon ng kuya, siguro kaya close ako sa mga boys na minsan namimisinterpret ng ibang tao kaya nasasabihan ako na malandi na hindi naman totoo. Masakit para sakin na sabihan ako ng malandi kasi alam ko naman sa sarili ko na hindi totoo yung mga sinasabi ng iba. Ayaw ko naman makipagplastikan at hindi makipagfriends sa mga lalaki para lang makaiwas sa sinasabi ng iba. Nagpapakatotoo lang ako. Sila na bahala humusga kung ano ang gusto nilang sabihin at tingnan muna nila ang sarili nila bago sila manghusga ng ibang tao.

PS:

sana may mabuting tao na pede gumawa ng header ko. hahaha :) labyu ol!


Tuesday, July 8, 2008

cam whore

masaya pala magtrabaho, actually ako lang ata yung staff nurse dun na mahilig pumasok. ayaw ko na kasi sa bahay. sawa na ako sa pagiging tambay. haha.

masaya rin ako kasi nakikilala ko na kung sino ang mga tao na dapat kong pagkatiwalaan. siguro akala nyo malandi ako, pero hindi hindi hindi. friendly lang talaga ako, pero sabihin mo ako na malandi, never. isa lang LAB ko at si dhie yun. :)

nagpicture-an kami ng mga ka-staff ko. mga cam whore din pala ang mga yun. sobrang saya kasi close na talaga. sana forever na itong closeness na ito.





wish ko lang magkasweldo ako para mas ganahan ako magwork. haha!

tanong:

ano ang ibig sabihin ng KVO?



Monday, June 30, 2008

dakilang tambay no more

at last.. after 2000 years.. masasabi ko na hindi na ako dakilang tambay.. masasabi ko na may work na ako..

June 15, 2008, meron meeeting ang SAS para sa alumni homecoming namin sa February 2009. bale ang presidente ng alumni association ay si Doc Rico, na siyang may-ari ng Gen Trias Maternity and Pediatric Hospital dito sa amin. natapos na ang meeting at ayun nakita ko si kuya joven na forever guard namin sa school namin. aba, kinausap ba naman si Doc Rico na "RN na daw ako" ayun, pinapunta ako sa June 16, 2008 ni Doc sa hospital nya para kausapin si ma'am shiela.

June 16, 2008. anniversary namin ng mahal kong si dhie. may appointment ako with Doc Rico, pinakilala nya ako kay ma'am shiela, volunteer na lang daw muna ang available, ggrab ko na din yung opportunity. ayun nagvolunteer na ako bilang staff nurse sa hospital. volunteer, meaning wala munang sweldo, pag nagka-slot e di meron na. ok na din sa akin yun dahil at least nagagamit ko ang pinag-aralan ko at ok lang din sa akin ang wala munang sweldo dahil malapit lang naman sa bahay namin iyon.

June 18, 2008, first day is the day. kinakabahan ako na na-eexcite. para bang natatae ako pero hindi naman. haha. ayun, pinakilala ako ni ma'am shiela sa mga staff at sobrang friendly nila. parang at home na ako sa first day ko. love ko na nga sila e.

June 30, 2008, 14 days na ako nagwowork. masaya sobra. marami akong natututunan kahit na alang sweldo. hopefully magkaroon na ako ng slot para naman may datung na ako. hehe :)


PS:

AKO PA RIN ANG DAKILANG TAMBAY.

FB, WAG KA MANGARAP AGAWIN ANG TITLE KO. HAHA! :) BELAT!



Thursday, June 19, 2008

paalam

hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan. kilala nyo ako na masiyahin, makulit at makulit talaga ng sobra. Pero sa oras na ito, wala akong gana makipagkulitan, wala akong gana ngumiti, wala akong gana para sa lahat. Bakit? Nabalitaan mo kasi na deds na yung kaibigan ko, close friend, ex-crush, first crush.

Una ko siyang nakilala sa friday group namin. Unang kita ko pa lang sa kanya, kras na kras ko na siya. Imagine 5 years old pa ako nun, napakatalandi ko na. May pa-shy shy effect pa ako, patago tago sa may hagdan at tinitingnan na lang siya. actually ni hindi ko nga siya malapitan e.

Hanggang sa nagmature na kami at kasabay nun ng early parenthood nya. Oo, may anak na siya at parehong panganay. Hindi ko na siya kras kaya nalalapitan ko na siya at nabibiro. Makapal na rin kasi ang mukha ko nung mga panahon na yun. Nakakapagbiruan na kami at nakakapagkwentuhan. Textmates pa nga kami e. Kuyang kuya talaga siya. Siya nga daw ang bubugbog sa bf ko pag niloko ako e.

June 19, 2008 nalaman ko na wala na siya, kinuha na siya ni Lord. Di ako makapaniwala. Parang nung June 13 lang kausap ko siya at kabiruan. Bakit ganung kabilis ang pangyayari? Bakit nya kami iniwan agad?





Hanggang ngayon hindi ako makamove on. Hindi ako makapagsalita. Iyak ako ng iyak.

Mamimiss kita Jiro.




Paalam at hanggang sa muling pagkikita.

1 killed, 10 hurt in Cavite road mishap




Monday, June 16, 2008

Anniversary

Isang taon...

Isang taon na rin pala tayo, naalala mo ang araw na unang naging tayo, alam ko ikaw na ang pinakamasaya na tao, syempre ako rin masaya kasi alam ko hindi mali ang desisyon ko na ikaw ang pinili ko na mahalin. Alam ko na magiging masaya tayo, alam ko na magiging matatag tayo at alam ko na mamahalin mo ako ng sobra sobra.


Masaya ako kasi hindi nga ako nagkamali. Ikaw lang ata ang tao na sobrang umintindi ng mga pagkakamali ko, ng mga topak ko, ng mga mood swings ko, ng kalokahan ko at ng mga kalandian ko. Hanga ako sayo kasi ikaw lang ang nakatiis sa akin, at dahil dyan lalo pa kita minahal ng sobra.

Unang beses ko magcelebrate ng ANNIVERSARY. Alam mo naman yun diba? Ikaw lang kasi yung una kong boyfriend na tumagal talaga kasi isa lang naman ang naging ex-boyfriend ko diba? Alam mo sa totoo lang di ko akalain na magtatagal tayo, hindi ko akalain na mas mamahalin mo pa ako at hindi ko akalain na kaya mong intindihin ang mga kalokohan ko.


Tama nga si ma'am swerte ako sayo dahil sobra ka magmahal. Kahit na sobrang nasasaktan ka na, pilit mo pa rin inuunawa ang lahat.
Maraming salamat sa pagmamahal, maraming salamat sa lahat at maraming salamat dahil dumating ka sa buhay ko.

Alam mo bang love na love kita? Ayan alam mo na at alam na ng lahat. At proud ako sabihin na mahal na mahal kita :)





Happy 1st Anniversary dhie!

Ang cheesy ko diba? :)


ilabyu,
MIA :)


Friday, June 13, 2008

Tatay slash Papito


Ilang taon ka na rin nagtitiis mapalayo sa amin
para lang mabigyan kami ng maganda at magaan na buhay.

Nagtrabaho ka sa malayong lugar para lang makaipon
para makapag-aral kaming lahat sa dekalidad na eskwelahan.

Binigay mo lahat ng gusto namin
kahit na hindi mo na nabibili ang mga gusto mong bilhin.

Minahal mo kami ng sobra sobra
kahit na minsan di mo na iniisip ang sarili mong kapakanan.

Maraming salamat Tatay/Papito.

Maraming salamat sa mga sakripisyo na ginagawa mo para sa amin.

Maraming salamat sa pagmamahal mo sa amin.

Gagawin namin ang lahat para lang maipagmalaki mo kami.

Mahal na mahal namin kayo.

Ikaw ang da best Tatay in the whole world.



SI TATAY AT SI NANAY


HAPPY FATHER'S DAY PAPITO...

LOVE YOU ULIT...




COMMERCIAL

magplurk na rin kayo :)

PLURK.COM

Tuesday, June 10, 2008

-10.24 pesos

Naalala ko pa nung nagseminar kami sa Heart Center. Wala ako load nun kaya nagpa-share a load ako sa tatay ko ng 100 pesos. natanggap ko na yung pinasa nya sa akin at ng icheck ko ang balance ko sa 222, aba't wala pa rin akong load. try ko naman na patayin ang cellphone ko kaso ganun pa din. letse talaga. sa kacurious-an ko nagtry ako na mag-unli sa Globe. So eto text ako ng UNLITXT20 send to 2870 at wag ka nagkapag-unli ako ng wala akong load. Pinagloloko ata ako ng Globe . Kaso sa kasamaang palad hindi ako makatext at eto ang malala (tingnan ang picture)



-10.24 pesos ang load ko, saan ka nakakita ng load na ganyan. ako lang ata ang nakaranas ng ganyan e. badtrip na badtrip talaga ako sobra. hindi ko na nga naintindihan ang sineminar namin e. biruin mo nagkautang pa ako sa Globe, e ako na nga ang inutakan nila. asar talaga.

hindi ko matawagan ang Globe.. so antay antay talaga ako. at nung mga 3pm na yun. nagring ang globe service center nila. kaso ayaw sagutin (alam ata nila na aawayin ko sila) so binababa ko yung cellphone ko at check ang balance. ayun normal na ulit ang load ko. 80 pesos na ulit!

pasalamat talaga sila at bumalik sa normal ang load ko. kundi, patay sila sa akin. haha :)




Wednesday, June 4, 2008

paputok

Nanood kami ng pyro olympics last week maganda at nakakaaliw ang mga fireworks. mas masaya sana kung mas malapit kami kaso may bayad kasi, e kumusta naman yun, ang dami kaya namin.



the gang!



my family! :)


magkababata! ayun ung first crush ko
yung mataba na katabi ko! yung malaki yung tiyan! haha

Galing kami nun sa condo blessing ng family friend namin. Mag-aaral kasi siya sa La-salle Taft kaya nagcondo siya. Sobrang ganda ng condo, pero maganda rin naman kasi ang presyo ng pagkakabili nila. Inaangkin na nga namin nina Jovin yung condo e. Pamatay din ang tv nila. grabeng kalaki. imagine isa lang siyang titira dun at kumusta naman yun, 16 years old pa lang siya, hay ang sarap ng mayaman.


after ng condo blessing diretso kami sa Josefina's doon sa may seaside macapagal. ang sarap ng buttered shrimp nila, nung deep fry hito, yung chili crab atbp. libre yun lahat ng family friend namin. halos 30 katao kami un. imagine-in mo ang nagastos nya. hindi ko yun ma-imagine, nag-enjoy na lang ako sa pagkain ko.

napagdesisyunan namin na manood ng pyro olympics after kumain pero hindi sa may MOA dahil baka hindi na kami makauwi after nun dahil sobrang trapik. hindi na sumama yung iba kasi sumama na yung pakiramdam nila at may gagawin sa bahay yung iba. ayun dun na lang kami sa may Mcdonald's Macapagal. dun sa may likod dun. ayun kitang kita namin yung fireworks. kakaenjoy at ang ganda talaga. lalo na yung heart shape na paputok.

masarap sana manood ng fireworks pag kasama mo ang labs mo e. moments ba ito? haha!

ENJOY THE VIDEO! Pasensyahan nyo na kung maingay kami. hulaan nyo na lang kung nasan ang boses ko! hehe.









Thursday, May 29, 2008

talandi

bata pa lang ako nasa dugo ko na ang pagiging malandi. oo malandi ako sa paraang five years old pa lang ako may super crush na ako at seven years old pa lang ako marunong na ako maglagay ng lipstick at yung cucumber face mask ng avon. naalala ko pa nung nabali ko yung lipstick ng ninang ko. buti na lang hindi siya nagalit. kinabahan talaga ako nun sobra. mahilig din ako sa mga high heels na sapatos. kahit na matisod at madapa ako, okay lang sakin, makalandi lang ako.

nung nag-highschool na lang ako hindi lumandi dahil naging boyish na ako nun. as in nakapanglalaki pa ako na damit. e uso nun ang hiphop, kaya naghiphop din ako, hiphop na pang-lalaki. malaking tshirt and big pants. o my gulay. highschool din ako hindi niligawan. feeling ko ang panget panget ko nun. ewan ko ba. takot ba mga lalaki sakin? e ako nga lagi nila binubully e.

nang magcollege na ako, girly girl na ulit ako. marunong na ako magpacute at marunong na din ako mang bully. hehe. 3rd year college na ako nagkabf, pagkatapos ko magdebut. hehe. pero di rin kami nagtagal kasi marami kaming pag-kakaiba (un ang sabi nya). ok lang sakin, kung ayaw nya na sakin e di wag. di mo kailangan ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ayaw naman sayo.

after ng break-up ek ek. umariba na naman ang inyong lingkod. di na ako nag-bf nun pero natuto na ako makipagdate date-an (friendly date) at mas dumami ang tropa ko na lalaki. mas feel ko ang tropang lalaki kesa sa babae kasi feeling ko lalaki talaga ako. hehe.

tapos nun.....






nakilala ko SIYA. siya ang nagpatibok ulit sa puso ko. siya ang nagpatino sakin at siya ang dahilan kung bakit hindi na ako malandi. siya ang dahilan kung bakit masaya ako at siya ang dahilan kung bakit ginagawa ko itong entry na ito.

ikaw, oo ikaw. i labs yu. :)

yihee kinikilig yan.



Tuesday, May 27, 2008

time of my life

eto ang lyrics ng paborito kong kanta sa ngayon! enjoy! mag-uupdate ako next time. kunwaring busy lang ang lola nyo.

TIME OF MY LIFE BY DAVID COOK


I’ve been waiting for my dreams
To turn into something
I could believe in
And looking for that
Magic rainbow
On the horizon
I couldn’t see it
Until I let go
Gave into love and watched all the bitterness burn
Now I’m coming alive
Body and soul
And feelin’ my world start to turn

And I’ll taste every moment
And live it out loud
I know this is the time,
This is the time
To be more than a name
Or a face in the crowd
I know this is the time
This is the time of my life
Time of my life

Holding onto things that vanished
Into the air
Left me in pieces
But now I’m rising from the ashes
Finding my wings
And all that I needed
Was there all along
Within my reach
As close as the beat of my heart

So I’ll taste every moment
And live it out loud
I know this is the time,
This is the time to be
More than a name
Or a face in the crowd
I know this is the time
This is the time of my life
Time of my life

And I’m out on the edge of forever
Ready to run
I’m keeping my feet on the ground
My arms open wide
My face to the sun

I’ll taste every moment
And live it out loud
I know this is the time,
This is the time to be
More than a name
Or a face in the crowd
I know this is the time
This is the time of my life
Time of my life
More than a name
Or a face in the crowd
This is the time
This is the time of my life.
This is the time of my life

Thursday, May 22, 2008

panalo



sa kina-kinamalasang sandali kung kelan finale na ng American Idol saka ako hindi nakapanood.

Ang dahilan?

Nagpunta ako ng Ortigas kasama ang pinsan ko para mag-inquire tungkol sa program nila na Working Student sa UK. Pangarap ko kasi makapag-aral sa ibang bansa at pwede ko kasi maging stepping stone yun para makapagtrabaho din ako dun at yumaman ba. kaso kumusta naman yun 300, 000 pesos ang babayaran mo lahat kasama na ang pagpunta mo dun. kung mayaman sana ako, wala nang problema yun. kaso may dalawa pa akong kapatid na nagco-college, kaya bigo na naman ako sa pangarap ko.

after namin pumunta sa Ortigas, nag-MOA na kami para kumain. ayun nilibre nila ako sa taste of asia. sarap ng food dun sobra. late na kami natapos kumain kaya wala na pag-asa na mapanood ko ang labidabs ko. sa kinamalas malasan nga naman talaga. buti na lang may you tube, kaya napanood ko din ang American Idol.


dati nyang performance! :)

Sobra ko gusto yung dream big at the time of my life. syempre maluha luha si david cook. dun ko siya minahal e. iyakin kasi. hehe.

The Time Of My Life [STUDIO] - David Cook

naku pag nakita ko talaga siya baka di ko mapigilan ang sarili ko. juk lang. hehe :)

congrats kay mahal david cook.

tara lets party! :)

Tuesday, May 20, 2008

one sweet day


una tayong nagkakilala nung nagkaroon ng teatro dito sa atin . nakita kita- gwapo, moreno at matangkad. alam ko hindi mo ako papansinin nun dahil hindi ako maganda, mataba pa ako nun. kaya binalewala ko na lang ang paghanga ko sayo. masaya na akong nakikita kita sa malayo habang masaya ka nakikipag-usap sa iba.

hanggang sa nagkaroon ng meeting nun para sa performance natin sa Simbang gabi. katabi kita nun. dun tayo unang nagkakilala. mas mabait ka pala sa personal. lagi ka nakangiti. kumakanta ka nun habang nakikinig ako at minsan sumasabay pa ako sa pagkanta mo. naaalala ko yung kinanta mo, one sweet day ni mariah carey at boyz 2 men. tinandaan ko yung kanta na yun. after ng meeting kinuha mo ang cell number ko at dun na nagsimula ang lahat. akalain mo napansin mo pa ako nun. higit na mas madaming maganda kesa sa akin nun.

One Sweet Day - Mariah Carey & Boyz II Men

nag-uumpisa na ang praktis natin para sa Simbang Gabi. natawa ako sayo noon kasi gusto mo lagi tayo magkasama nun sa groupings. ayun na nga magkasama tayo lahat sa groupings dahil sa kagagawan mo pero syempre kinilig ako nun. tapos magkatabi pa tayo nun sa upuan. una para lang tayo naglalaro yung palakpakan ba. tapos maya maya hinawakan mo na ang kamay ko. shet, unang holding hands ko to. 14 years bago nahawakan ang kamay ko ng taong crush ko. pinakamemorable na moment para sa akin yun. sana hindi na matapos ang gabi na to.

masaya ako kasi alam ko na special ako para sayo. *feelingera man ang dating, pero yun ang naffeel ko ng sandali na iyon.* pero masakit ang ginawa mo ng nalaman ko na pinopormahan mo ang tropa ko. nasaktan ako ng sobra, pero hindi ko iyon pinahalata. habang nakikita ko kayo na magkasama wala ako magawa nun. siguro maging masaya na lang din ako kasi alam ko masaya kayo.

tinatry ko na kalimutan ka pero hindi ko iyon magawa. may mga sandali na magkasama pa rin tayo pero iwas na ako dahil ayoko nang mas masaktan dahil sayo.

nagkahiwalay kayo ng kaibigan ko pero hindi na talaga nabalik ang nakaraan para sa ating dalawa. masaya na rin ako kasi kaibigan pa rin kita. marami ako natutunan dahil sayo.

masaya ako kasi nakilala kita. masaya ako kasi magkaibigan pa rin tayo hanggang ngayon at masaya ako kasi naging parte ka ng buhay ko.

Wednesday, May 14, 2008

mas lalo pa kita minahal


Nanood ako kanina ng American Idol, syempre alam nyo na kung sino ang pinanood ko. si David Cook na naman. Tinatanong pa ba iyon, syempre hindi na.

Narinig ko na naman ang boses nya. Syempre ang lola nyo kinilig na naman. Malandi na naman ako. Pero pramis kinikilig talaga ako with matching tulala face pag napapanood ko siya. hahaha.

tatlo ang kinanta nila ngayon.

Unang kinanta ni David Cook ay ang 1971 First Time Ever I Saw Your Face by Roberta Flack. Grabe nung kinanta nya yun, feeling ko ako ang kinakantahan nya talaga. sabihin na natin na pilingera ako pero yun talaga ang naffeel ko. hahaha.





Pangalawa ay yung Switchfoot's Dare You to Move. Naalala ko ang movie na "A Walk to Remember". Wala lang share ko lang po.





At ang huli ay ang Aerosmith's I Don't Want To Miss A Thing. Ang galing nya talaga kasi may sarili siyang style ng pagkanta kaya hindi siya katulad ng original, na-gets nyo ba? hehe :)





Basta david cook forever ako. papakasalan na talaga kita.

Thursday, May 8, 2008

realize by colbie caillat



Take time to realize,
That your warmth is
Crashing down on in.
Take time to realize,
That I am on your side
Didn't I, Didn't I tell you.

But I can't spell it out for you,
No it's never gonna be that simple
No I cant spell it out for you

If you just realize what I just realized,
Then we'd be perfect for each other
and will never find another
Just realized what I just realized
we'd never have to wonder if
we missed out on each other now.

Take time to realize
Oh-oh I'm on your side
didn't I, didn't I tell you.
Take time to realize
This all can pass you by
Didn't I tell you

But I can't spell it out for you,
no it's never gonna be that simple
no I can't spell it out for you.

If you just realized what I just realized
then we'd be perfect for each other
then we'd never find another
Just realized what I just realized
we'd never have to wonder if
we missed out on each other now.

It's not always the same
no it's never the same
if you don't feel it too.
If you meet me half way
If you would meet me half way.
It could be the same for you.

If you just realize what I just realized
then we'd be perfect for each other
then we'd never find another
Just realize what I just realized
we'd never have to wonder
Just realize what I just realized

If you just realize what I just realized

missed out on each other now
missed out on each other now

Realize, realize
realize, realize



sobrang naaadik ako sa kanta na ito.. parang ako yung nakanta, parang para talaga sa akin itong kanta na ito. naaalala ko tuloy yung dati. oooppss.. yung dati na yun.. tapos na yun.. :)

yung pagkakaintindi ko dito e yung babae yung may gusto sa guy pero di nya masabi ito ng diretsahan. tama ba?

pero alam nyo, kung lahat ng tao nare-realize lahat ng nangyayari sa kanila sana wala nang nasasaktan, wala nang umiiyak, walang regrets at lahat ng tao masaya.

baka sa sobrang adik ko sa kanta na ito, maggawa ako ng post na nakanta ako.. hahaha :) good idea.. abangan! joke lang. hahaha :)


Friday, May 2, 2008

bente uno



Alas otso ng umaga. Ika 2 ng Mayo 1987. Ipinanganak ang isang batang mukhang duwende pero cute.





Maligayang kaarawan sa akin. Bente uno na ako, matanda at binata na ako. Pwede na akong mambabae, ay babae nga pala ako, manlalaki na lang. joke lang. legal na ako gumala pero nararamdaman ko na drawing lang yun. Kulong sa bahay pa rin ang drama ko at matindi tinding paalamanan ang gagawin ko bago ako makaalis. Hay buhay nga naman.

Bente uno na ako, ilang taon na lang ikakasal na ako. Bakit ba kasal agad ang naiisip ko? Aba masama yan mia, wala ka pa trabaho mag-aasawa ka na agad? Ano gusto mo, taga-laba ka na lang at taga plantsa ng damit nyo? Aba, ni hindi ko pinangarap maging labandera at plantsadora. Ni hindi nga ako marunong magplantsa at maglaba e. Wala kang aasahan sa akin. Pag naglaba ako nagsusugat ang kamay ko tapos pag nagplantsa naman ako, gusot pa rin siya. Sayang lang ang nagamit kong kuryente at sayang lang ang pagod ko.

Bente uno na ako, wala man lang ako kaplano plano sa buhay ko. Ni wala pa ako trabaho. Ni wala pa ako ginagawa para makatulong sa magulang ko. Kailangan na ako magseryoso dahil marami na akong panahon at oras na sinasayang. Dapat ngayon nagttrabaho na ako at nakakapag-ipon para sa mga pagsusulit na kailangan kong ipasa. Naku pasaway kasi ako, mabuti pa kung tatalon na lang ako sa dagat.

Bente uno na ako, maraming nangyari sa akin na humulma sa pagkatao ko. Maraming masayang mga nangyari at marami ring mga sakit at iyak. Pero sa lahat ng iyon, masaya ako. Dahil eto pa rin ako, di nagpapatalo sa mga dagok at pagsubok na nadating sa aking buhay.

Bente uno na ako, kailangang magseryoso na sa buhay. Kailangan maiplano ko na lahat ng mga kailangan ko gawin. Kailangan makapag-ipon na ako para sa future.

Bente uno na ako, maraming salamat sa mga taong nagtitiwala sakin at naging mga tunay kong kaibigan. Maraming salamat sa pakikinig ng mga kalokahan at mga kadramahan ko sa buhay. Maraming salamat dahil nandyan pa rin kayo para sakin. Maraming salamat dahil mahal nyo ako.

Saturday, April 26, 2008

lisensya

Ala-una, iyon ang oras na umalis kami dito sa bahay para pumunta sa LTO at kumuha ng driver’s license. Napakainit ng panahon ngayon, tulo ng tulo ang pawis ko. Gusto ko ulit maligo kahit kaliligo ko lang. napakadaya nga ng panahon, naulan daw sa Manila, samantalang dito sa Cavite ubod ng init. Tapos nagugutom pa ako, masarap ang pancit canton. Mamaya makakain pag-uwi sa bahay.

Naka-kotse kami pero sa tito ko iyon. Yung kotse na gamit naming ay kailangan pang buksan ng driver para makalabas kami dahil sira na ang pinto nito. Hindi ka makakalabas pag hindi binuksan ng driver. Ganyang kaganda ang unique na kotse na pinahiram samin.feeling reyna ka kasi pagbubuksan ka pa ng driver. Hindi ko alam ang dami dami naman nilang kotse, ang pinahiram sa amin ang unique na kotse na ito. Tae talaga, bakit sila may kotse samantalang kami wala. Inggetera na naman ako. Bad iyon mia. Pero sana man lang bigyan kami ng kaunti nilang biyaya at ibigay nila ang isa sa mga sasakyan nila. Sabi nga sa Simbahan “Share your blessings”. Kailan kaya mangyayari iyon. Shet talaga.

Nakarating na kami sa LTO. Pawisan na naman ako pero hindi naman ako maasim. Mabango pa rin ako parang bagong ligo pero talagang mainit. Made-dehydrate talaga ako sa panahon ngayon at malala baka mahimatay na naman ako. Buti na lang mahal ako ni Lord hindi naman ako nahimatay.


Ang daming pila sa LTO. Asa naman ako nauubusan ng pila sa LTO. At infairness maraming sasakyan ang mga Caviteno, puro nga lang motor. kasi mas mura at convenient ang motor sa traffic, bagay na bagay sa mga laging nalalate. Pero ang disadvantages din naman ang motor, ito yung tipong ang buo mong katawan at mukha ay parang may powder kaso hindi baby powder kundi alikabok, mangingitim ka pa at ang malala prone pa sa aksidente ang motor. Talsik ka talaga pag hindi ka nag-ingat sa pagmamaneho. Dehado ka kasi ikaw ang tatalsik pag nadali ka ng malalaking sasakyan.

Anong oras na? Daisy-siete na ang palabas, hindi pa rin ako tapos. Nakakainip at nakakagutom pa. sana matapos na ako.

Sortijas, Mia Irish, Window 4.

Ayan, magbabayad na ako sa cashier para sa license ko. Antay ko na lang yung sa window 7 para picture-an ako. Paano kaya ang ngiti ko? Labas ang teeth o hindi?

Sortijas, Mia Irish, Window 7. tingin ka lang sa camera at smile.

Shet, natatawa ako, pigil sa tawa Mia. Panget ka sa lisensya mo, sige ka mukha kang tanga. *smile*

Pirma ka na lang dyan sa pad.

Naalala ko na naman tong pirmahan na ito. Nung kumuha kasi ako ng student license sa Cavite City, finger print ang ginawa ko kesa sa pirma ko. Aba malay ko ba, wala pa naman ako kamuwang muwang sa mundo nun. Katanga ko talaga dati.

Okay na po na? saan na po yung sunod? -MIA
Dun na sa Window 9, kunin mo na yung temporary I.D. mo.
Salamat po. - MIA

Pumunta na ako sa Window 9 at nakuha na ang temporary I.D. ko at limang buwan pa bago ko makuha ang permanent I.D. ko. Ang tagal. Kaasar. Mas gusto ko yung matigas na I.D. parang professional kasi talaga.

Ayan tapos na ako. Yehey makakauwi na ako at kakain ulit dahil gugutom na naman ako. Sabi ni nanay bakit daw ang bait nung nasa Window 7 na lalaki, e ang sungit daw nun. Nagandahan daw sakin. Di na lang ako nagreact, deadma ika nga. Baka sabihan pa ako na filingera, pero deep inside tuwang tuwa at nasabihan na maganda. Kapalera talaga ako.

Nakauwi na kami sa bahay. Sarap maligo ulit pero kakain muna ako ng Pancit Canton.

Naku Mia Irish tataba ka na naman nyan e. - NANAY

Okay lang yan, bukas magdidiet na ako ulit. Promise yun. Sabay subo ng pancit canton na lalong mas masarap pag gutom na gutom ka na.

PS.

Birthday nga pala ng mahal kong INA.

happy birthday nanay. matanda ka na pero cool ka pa rin! i love you mahal kong nanay! mwah.


Wednesday, April 16, 2008

david cook will always be my baby





mahal na kita david cook. kung yayayain mo ako magpakasal, papayag ako at dapat yan ang kakantahin mo pag nagpropose ka sakin. inlove na ata ako sa kanya! haha! ang galing nya!

Tuesday, April 8, 2008

blog leave


blog break, hiatus o pahinga.

matagal tagal na rin di ako nag-gagawa ng bagong entry.

may nangyari kasi kaya biglang nawala ang gana ko sa pagsusulat.

pero panandalian lang naman itong pagkawala ko.

at hindi naman ako talaga mawawala, nandito pa rin ako, ang bloghopper ng blogosperyo.


puro pisnge talaga ako.

kailangan ko lang talaga mag-isip ng mga bagay bagay.

kailangan ko rin magswimming para naman sunod ako sa uso. haha!

kailangan ko mag-ayos ng mga papers at resume para magkatrabaho na ako. naku di na ata ako magiging dakilang tambay. tsk tsk.

kailangan ko ayusin ang buhay ko para matupad na ang mga pangarap ko sa buhay.

at

tapos nandito pa si miong (tatay ko) kaya busy ang lola mo ngayon.

pero babalik talaga ako, totoo yun. alam nyo naman na di ko kayo kayang tiisin. kailangan ko lang magrelax at puro eyebags na ako.

sana sa muli kong pagbalik kilala nyo pa ako. love you all! :)


Sunday, March 30, 2008

Welcome Home Papito

Kauuwi ko lang galing simbahan. nagsimba kasi kaming buong pamilya, buo? Oo buo nga, dahil kasama na ulit namin si tatay.


hindi kasi mahilig magpapicture si tatay e

Kahapon lang siya dumating, at ako ang sumalubong sa kanya sa airport. pero nandun din naman sina nanay. pero feel ko lang na bumaba sa airport, kunwari ako yung balikbayan. hahaha. tapos naiimagine ko nga na may nakakanta ng ganito with matching sayaw pa habang papalapit ako kay tatay:

Kay tagal mo nang nawala
Babalik ka rin, babalik ka rin
Kay tagal mo nang nawala
Babalik ka rin babalik ka rin

-by GARY V.

syempre ang mga pasalubong nya sa amin ay puro kutsilyo, kaldero at mga gamit sa kusina. Chef kasi ang tatay ko sa barko kaya ayun puro ganoon ang pasalubong nya sa amin. Si Nanay lang ang natuwa sa pasalubong ni tatay. Pero may bago nga pala siyang uwi, mga vitamins. Ang daming bote ng vitamins. May Vitamin c, Vitamin e, Ginkgo biloba, evening primrose oil, Korean Ginseng at ewan ko male enhancement ek ek na vitamins. Malulunod na kami sa Vitamins ngayon, ewan ko lang kung magkasipon pa ako nito.



May nakita ako na magandang bagay sa bagahe ni tatay, ito pala ay isang pabango galing sa Victoria’s Secret. Pero sa kasamaang palad di pala para sa akin yung pabango, sa boss nya pala yun. Ang swerte naman ng boss na yun, nabigyan pa ni tatay ng pabango. Di bale, magpapabili na lang ako ng pabango.



Any suggestions kung ano ang okay na pabango?

Ayos nga ang pasalubong sa kapatid ko na lalaki e, mga cd’s, hulaan nyo na lang kung ano yun. Oo, yun na yun! Apir!


Namiss ko ang tatay ko, daddy’s little GIRL nya kasi ako, pero di na ako little angel ngayon e, isa na akong big angel (angel nga ba?). at masaya ako kasi nandito siya sa birthday ko sa May 2! Yehey! Ano kaya regalo nya sakin? Sana pera na lang. haha.


Bakit masaya at kinikilig si Mia?


Nagprusisyon kasi kami kanina after mass, at nung pa-uwi na kami, may nakita ako na boylet. Una akala ko si alchie yun. Nagtitigan pa nga kami ng look-a-like ni alchie. Ayun, hindi pala si Alchie yun, hawig nya lang pero gwapo din. Haha! Ang puti, syempre kumerengkeng ang lola nyo! Kinilig ba. Malandi lang kasi. Haha. Pis tayo dhie. Hehe. Ayun nagstay pa siya sa tapat namin, ewan ko kung nag-aantay ng i-gigirlfriend o tinitingnan lang ako. Ay nagfeeling daw! Hahaha. Basta kinilig ako talaga! Hahaha. Apir!

Saturday, March 29, 2008

Graduation


updated na rin pala ang co.cc ko, pakidalaw naman po at magcomment salamat!

April 11, 2007, PICC. Mag-oone year na pala akong graduate. At hanggang ngayon tambay pa din ako. Keri lang, pero minsan napapaisip na dapat ngayon nagttrabaho na ako at kumikita na. pero ganun talaga pag tamad.



grad pic ko! mukha lang ako eng-eng. la pa kasi akong tulog nyan

May balak naman akong magtrabaho., pero sa ngayon enjoy muna ang pagiging dakilang tambay. Magttrabaho din ako at pag meron na ako trabaho, mamimiss nyo din ako. Syempre assuming lang ng kaunti tingnan ko kung mamimiss nyo ako.

Graduation nga pala last Thursday ng utol ko. Hindi ako nakaattend ng graduation ng utol ko sa kadahilan na nag-away kami nung night before his graduation at binato lang naman nya ako ng dictionary. Diba ang sweet nya. Pero bati na kami kasi labs ko yung kapatid kong yun e kahit ganun un.

CAT Graduation nya. bati pa kami nitong time na to.

Naku magcocollege na siya at sosyalerong bata sa La Salle Dasmarinas ba naman siya magcocollege. Daig na naman ako. Kasi yung isa kong kapatid sa CEU naman at Dentistry ang kanyang course. Yung laki ng school ko nung college parang super liit nya lang pag tinabi sa mga school ng kapatid ko. Tsk tsk. Ok lang. graduate na naman ako. Sila hindi pa. belat.

Namiss ko tuloy yung graduation ko nung college. Namiss ko yung mga tropa ko, ang tropang metal, mga best buds ko, mga kalandian ko *haha* at si tooooot.. namiss ko kasama sila. Namiss ko yung mga kadramahan ko, namiss ko yung mga kalokohan ko at ang mga galang umaga na umuuwi, namiss ko ang bluewave, ang MOA at ang Baywalk. Namiss ko ang college life. Namimiss ko nang mag-aral at gusto ko ulit mag-aral.

Ggraduate na nga din pala si dhie. At magttrabaho na din siya. At akin lahat ng sweldo nya. Hahaha! At sana matupad lahat ng mga pangarap nya para maging successful siya at makagawa na kami ng pamilya. Joke lang. haha. Congrats dhie! I’m so proud of you. *kindat*



ubod ng taba ko nung highschool ako. haha

Ang daming ggraduate! Manlibre kayong lahat. Congratulations at sobrang proud si Ate Mia AKA dakilang tambay sa inyo! Apir!

Saturday, March 22, 2008

sampu

thanks bianca for the tag..

may new post din ako sa co.cc ko! pindutero nyo na lang ung co.cc

1. oath taking, d pa rin ako makamove on sa oath taking ko. nurse na ako talga, d ako nananaginip! hihihi.. pero hindi mangyayari yun kung hindi dahil kay GOD! sobrang thank you talaga po! :)


i did it. nars na ako!

2. my family, dahil sa friday darating na ang tatay ko! weee.. so happy talaga!finally uuwi na ang tatay ko! may tatay na ako ulit!


baby mia and tatay

3. banana boy, grabe tong video na toh, sobra akong nagenjoy.. haha!




4. dhie, syempre ang boyps ko na masunurin at mahal ko ng sobra! :)


new year 2008 picture

5. my bestfriends, college friends, highschool friends and newly found friends, maraming salamat at dumaan kayo sa buhay ko! sobrang mahal ko kayong lahat!


patalastas muna tayo:




gusto nyo bang manalo ng IPOD SHUFFLE at mga libro? tara at sumali sa the blog awards challenge.

The Blog Awards Challenge is a blog competition combining literary skills, interactivity and peer polling. The Blog Awards Challenge is bi-weekly theme-based writing event for everyone in the blogosphere. A challenge is posted in the site every two weeks. Bloggers who wish to compete will write about the theme and post the entry in their respective blogs.

para sa ibang detalye maaring pumunta sa THE BLOG AWARDS CHALLENGE.


6. Blogger friends, syempre lahat kayo. sobrang feel ko na welcome na welcome ako. oo, dati na akong blogger. mga 2004 or 2003 ako nagblog. ayun ngayon ko lang napagdecide-an na magblogger, at yun tama ang desisyon ko, dahil nakilala ko kayong lahat! :) maraming salamat. sobra!

7. nanood ako ng JCS sa may Rosario, Cavite (JESUS CHRIST SUPERSTAR), at naalala ko ang nakaraan. ang boylets ko, ang performance, ang hirap, ang saya at success ng play namin! ang samahan na hanggang ngayon buo pa rin!

some of my favorite scenes from Jesus Christ Superstar the Musical (Rock Opera)


everything's alright


last supper


Jesus Christ Superstar Song

8. twitterfox, ginawa namin siyang cbaks at ym! at natutuwa kami dito! hihihi!

9. go girl by pitbull, pag naririnig ko ang kanta na ito, napapasayaw talaga ako at naiimagine ko na nasa warehouse na ako! db? haha! hindi naman halatang medyo excited? ganun talaga! hahaha!.



10. summer 2008, excited na ako sa summer! at nagddiet na talaga ako!wish me luck dahil gusto ko ng bagong swimsuit! hahahaha! :) summer summer! welcome summer!

kahit sino pede gumawa ng tag na toh! :) salamat po!

Tuesday, March 18, 2008

special day!

march 16, 2008, gabi before oath taking

nakapagdecide kami ni nanay na isasama namin si royce para may sasakyan kami at hindi naman ako mukhang busabos pagdating sa SMX, MOA. tinawagan ko si royce para sabihin sa kanya un. pero ang lolo mo may tampo pa at naghahanap nga ng banner. e aun pinakita ko sa kanya sa webcam yung ginawa ko at sobrang saya nya talaga. at dahil dun,umoo siya na samahan kami sa oath taking tomorrow.

9:00am, march 17, 2008
ginising ako ni nanay at sabi na wag na lang daw kami ihatid ni royce sa MOA, kesyo hindi pa daw sanay magdrive si royce sa manila etc etc. tinawagan ko si royce at sinabi ko na d na siya sasama. alam ko nagtampo siya, syempre nalungkot ako, pero ala naman ako magagawa diba. umiyak pa nga ako tapos sabi ni nanay na si royce na lang daw ang pasamahin. e naku naman, syempre mas gusto ko kasama ang nanay ko. pero malungkot pa din ako. kaya ang lola nyo, nagbiyahe na lang. medyo mukha na nga ako busabos pagdating sa MOA e. at sobrang dami ng tao tapos ang init pa.

nanay and me

hul bode


antay ako ng antay sa bestfriend ko na dumating kasi expected ko na sabay kami mag-ooath taking. pero mali pala ako. sobrang paiyak na talaga ako, kasi yung mga taong mahahalaga para sakin wala sa special na araw ito. buti na lang, nakita ko si franco at ian, kung hindi mag-isa akong mag-ooath taking. ang lungkot naman nun db?


tuwang tuwa lang

bakit nakapeace sign si yani?

with franco and ian.

parang totoo lang

past ni patrick, present ni patrick, future ni mikoy

japan japan

mia,janelle,abby and shiela!

nagstart na yung program, nantrip lang kaming tatlo sa loob. nakigulo, nakisama sa mga picture taking ng iba at tumawa ng tumawa. at least kahit sandali nawala yung lungkot na nararamdaman ko, dahil nandyan sila.

hindi na kami kumain sa MOA after ng oath taking. umuwi na lang kami at nagpahinga.

sa fone nakausap ko si royce, napaiyak na lang ako nung tinatanong ko siya kung nagtatampo ba talaga siya. d siya kasi sumasagot. pero d rin naman ako natiis ng loko e. haha. mahal talaga ako nito :) wahahahaha.

royce: kya gus2 kitang ihatid knina kc khit ppno gus2 ko n pra kang prinsesa n ba2ba dun s sskyan...kc spcial ung araw n 2 e
mia: e ok lang naman sakin magbiyahe..pero alam ko kasi na gusto m talaga sumama:(
royce
: kng s gus2 e tlgang gus2 ko...pro my point din nman ung nanay mo e..nde p ako gnung ksnay s pgma2neho
mia: :(
royce: ...gus2 ko lng mkita ung start ng ktuparan ng mga pngarap mo
mia: alam ko naman un:(
royce: tahan kna bka 2mulo ung sipon dun s laptop..:))
mia
: hay nku
royce
: hehehe:))
mia
: tawa pa
royce
: yoko ng pgusapan p un
mia: :(
royce
: sobrang proud ako sau...and i hope n m2pad lhat ng pngarap mo for u and your family
mia
: :(
royce
: wla kna msbi noh?! whahahaha
mia: wala lang..bka umiyak ako lalo e
royce
: ...wag kna umiyak..ur spposed to be clebrating kc finally RN kna...
mia
: e kahit na:(
royce: kpg umiyak k tlgang mgta2mpo nko sau
mia
: e:(
royce
: wag kna iiyak h..pnget mo kc kpg naiyak e
mia: knina pa ako umaga naiyak
royce: umaga??
mia
: yeah, after ko tumawag sau
royce
: hehehe, kainis kc tlga e
mia
: alam ko, ako din naiinis
royce
: alm mo ang nka2inis p...6am gcng nko pra khit pa2no e presentable ung karwahe n sskyan mo...
mia: sorry tlaga
royce
: okei lng...tpos n nman un e..hehehe
mia:
khit na:(
royce: wla n taung mga2wa dun kundi klimutan nlng...hehehe., kya nga sna hyaan mo n nsa tbi moko kpg my spcial n event s buhay mo..hehehe...iloveyou so much, and pls...trust my driving!...:))
oo, inaamin ko, iyakin talaga ako. hindi na ata mawawala sakin yun.. haha..pero masaya ako kasi ok na kami. hindi na siya nagtatampo sakin.. yehey!

for more pictures : check my multiply site