Thursday, February 28, 2008

mamimiss nyo kaya ako?

mamimiss nyo kaya ako pag nawala ako??

dahil busy-busyhan ang lola mo, kelangan ko ata muna magpahinga. ilang araw na akong walang tulog, at feeling ko insomniac na ata ako. pero wag naman sana, baka malaki pa ang eyebags ko kesa sa mata ko. tsk tsk. ang sagwa.

pero eto talaga ang tunay na dahilan, nalaman ko na infected na din pala ang aking laptop ng virus na galing sa psp ng magaling kong kapatid. so wala na akong gagamitin para magblog at makipagchikahan sa ym. nalulungkot ako sobra. pero alang magagawa. halos maloka na ako kung paano magreformat ng laptop. waaaaa.. d ko na alam gagawin ko.



hindi to hiatus, magrereformat lang ako ng laptop at gagala, dahil wala na akong social life, isa na akong loser. tsk tsk. pero babalik muli ako kasi di ko rin kayo kayang tiisin.

mamimiss ko kayo, sana mamiss nyo din ako.


PS:

SALAMAT SA MGA NAGCONGRATS AT DUMALAW SA TAMBAYAN KO, PATI NA DIN SA MGA NAG-TAG, MEME AT SA MGA GIFTS. GAGAWIN KO SIYA PAG BALIK KO :) LOVE YOU ALL.

Monday, February 25, 2008

Happy Birtday Tsong


Currently listening to Chingy's PULLING ME BACK. Then something in the back of mind reminds me of special moments with my so called “bestfriend.”

2004, I remember the day that he cried on my shoulder because of unexpected love thing to his other friend and love problem to his so called girlfriend. That’s the first time that someone cried on my shoulder, a handsome guy cried on my shoulder. Omaygawd. That’s the start of our memorable friendship.

After that incident, we became friends. We’re always together. We eat together, we always talk, he always call and text me 24/7 (uso ang Sun Celllular 24/7 Call and text nun, and luckily may signal ako.) may girlfriend siya nun kaya he make kwentos about his so called girlfriend.

We really became close. And muntikan nang may something. Nagka-ilangan, nagkalayo pero sabi nga ng iba, walang kalimutan. Ngayon, we’re trying to fix things at ibalik ang friendships namin. Pero I think hindi na mangyayari yung dating sobrang closeness. May gf siya at may bf ako. And I love my bf J

Madaming nangyari, pero di ko na kkwento just go to my OTHER SITE, nandun lahat ng details about sa nangyari. share ko lang :)

Ngayon bakit ko to ginagawa? Kaarawan nya kasi nung February 19, 2008 and may kasalanan ako, first time ko nakalimutan ang birthday nya. Sorry talaga, my bad. Pero hindi ko sinasadya yun. kaw pa, e loves na loves kita “dhie wag na magselos :)” hehehe. Ayun na nga, gumagawa ako ng TRIBUTE para sayo. Sana mabasa mo to. At magcomment ka.





Nap,

I am so lucky that i I met such a wonderful person like you. We may have tampuhans, pero hindi naapektuhan ang pagkakaibigan natin, lalo pa tayong naging close. I know we have some “ilangan” thing in the past, because of the issues about us. But the important thing is that we’re still friends despite of the issues. Thank you for all the efforts that you have done for me. I wish that our friendship will last. I miss you Tsong, I miss you so much. Just always take care of yourself. And kindly tell Dad to take care of himself, okay? Promise me to take care of him, okay. Say hi to Tita and Nel. Always remember that I’m your forever Tsong till the end. Congrats also for passing the NLE exam. Nurse na tayo. apir.

Happy Birthday.

Love lots,

Mia
*epistaxis*

Thursday, February 21, 2008

RN na ako, finally…



Kasalukuyang kausap ko sa phone si dhie ng may magtext sa akin at nalaman ko ang balita na nakapasa daw ako sa Board Exam (NLE). Hindi ako makapaniwala. Bigla ko binuksan ang pc ko at ayaw pa makisama sobrang bagal nya talaga. Tapos ng makapunta ako sa site ng http://pinoybsn.blogspot.com hinanap ko ang name ko. Ayun, nakita ko. Nakalimang beses ko inulit tingnan ang pangalan ko. Nandun talaga siya. RN na ako. Tinatry ko pumunta sa http://inquirer.net para mas sure, kaso ayaw makapunta. Badtrip.



ayun ang pangalan ko o


Napaiyak si nanay, ninang sa balita. Ang boyfriend ko speechless sa phone. Hindi nagsasalita. Parang siya yung nakapasa. Haha. Tapos nag-ring ang phone naming, si tatay tumatawag, sinagot ko ang phone “hello” sabi ko. Napaiyak na ako tuloy, ayun nag-iyakan na kami sa bahay. Sobrang saya ko. Walang kapantay na kasiyahan ang nararamdaman ko.

Nalungkot ako dahil yung iba kong friends hindi nakapasa, alam ko nararamdaman nila, dahil naramdaman ko na din yan. Pero tuloy lang ang buhay. Ang motto ko nga TAKE AND TAKE UNTIL YOU PASS. Basta yun na yun. just believe kay LORD at sa abilities mo.

Salamat sa suporta at encouragement at naniwala na makakapasa ako. Salamat sa parents at family ko, sa mga friends ko, mga blog buddies ko, ang tropang blogosperyo. Sa inyong lahat.

Hindi ibig sabihin nito na mag hihiatus na ako. Nandito pa din si dakilang tambay. Dahil hindi pa ako magttrabaho. Pinag-iisipan ko kung mag nnclex na ako. Bahala na.

And lastly, THANK YOU LORD. BASTA SALAMAT SA LAHAT. SALAMAT SA PAGTUPAD SA PANGARAP KO.


Woooohooo.. RN na ako..

MIA IRISH BOBADILLA SORTIJAS R.N.


board exam results click here: inquirer.net

Crush: Lovestruck entry


Love is patient, love is kind.
It does not envy, it does not boast,
it is not proud.
It is not rude, it is not self-seeking.
It is not easily angered,
it keeps no record of wrongs.
Love does not delight in evil,
but rejoices with the truth.
It always protects, always trusts,
always hopes, always perseveres.
Love never fails.

~I Corinthians 13:4-8~

Unang kita ko pa lang sa kanya, alam ko magiging akin siya. Syempre hanggang pangarap lang yun. hindi nya ako mapapansin, dahil isa lamang akong hamak na simpleng estudyante at siya, isa siya sa mga pansinin na mga estudyante sa school namin at madaming nagkaka-crush sa kanya. Swerte ko na lang kung mapansin nya ako at jackpot kung magkakakilala kami. Madaming beses ko na ipinapanalangin na sana mapansin nya ako. Ngunit hindi ata ako naririnig. Hindi ata ako malakas sa kanya. Buti na lang kaibigan nya ang pinsan ko, kaya masaya na rin ako kasi nakikita ko yung maamo nyang mukha sa malapitan pag tinatawag ako ng pinsan ko.


picture nya nung highschool, wag na yung akin. haha

Lumipas ang araw, buwan at taon. Ga-graduate na ako pero hindi nya pa rin ako nakikilala. Maiiwan ko na siya, hindi ko na makikita ang mukha nya at ang mga ngiti nya araw-araw, wala na akong inspirasyon pag nag-college na ako. Hindi man lang nya ako nakilala, hindi man lang kami naging magkaibigan.

Nagcollege na ako, madami ako nakilala. Nakalimutan ko na din siya. Maraming nangyari. Naging masaya ako, nagmahal ako, umiyak at nasaktan. Siguro cycle lang talaga ang love. Kelangan mong masaktan para matututo ka magmahal.

Dumating ang point na sobrang sakit na ng nararamdaman ko, sobrang hirap na hirap na ako, wala akong ginawa araw araw kundi umiyak. At dun dumating ang crush ko sa buhay ko. Kasalukuyan na uuwi na ako galing sa SM Bacoor ng may makasalubong ako na isang lalaki, pinansin ko siya not knowing na yun pala ang crush ko, at wag ka pinansin din nya ako.

Buti na lang may uso na ang friendster, minessage ko siya sa friendster at yun nagreply naman siya, at sa huling message nya hinihingi nya number ko. Binigay ko. At dun nagsimula na ang aming pagkakaibigan. Di ko akalain na magiging close kami. Ang tagal ko nang pangarap na makilala siya. Sobrang saya ko.

Maraming buwan ang lumipas, maraming nangyari. Nagseselos na siya sa mga ibang lalaki. Dumating ang point na hindi na siya nagtetext. Mahal na daw nya ako at bakit daw ang manhid ko. Hindi ako nagsalita. Wala akong reaksyon. Di ko akalain na mangyayari tong sitwasyon na ito. Mahal nya na ako, pero ako, naguguluhan pa ako, hindi ko pa alam ang nararamdaman ko para sa kanya.

Hanggang sa alam ko na mahal ko rin pala siya, kaya June 16, 2007 sinagot ko na siya at naging kami na. legal kami both sides. Mahigpit si nanay pero sanay na kami e. Sobrang saya ko rin nung ipinakilala nya ako sa family nya especially to his parents at swerte kasi nagustuhan nila ako. Ang bait nila sobra, ang cool pa ng tatay nya kasi ang daming kwento. Malapit na umuwi si tatay ko, can’t wait na ipakilala ko si dhie sa kanya. Masaya ako kasi ngayon ko lang ulit ito naramdaman.

Marami kaming mga pangarap, pangarap naming magpakasal sa may simbahan ng school namin, pangarap namin magkaroon ng pamilya, maayos at masaya na buhay. marami mga problema at mga pangyayaring nagpapagulo sa relasyon namin pero kinakaya namin kasi alam ko depende sa aming dalawa kung gusto namin talaga mag-last ang love namin.


first picture naming dalawa. mga haggard.

Ngayon 8 months na kami and still counting. Naiimagine ko dati nakatinggin lang ako sa kanya at masaya na ako na makita ko siya dahil super crush ko siya. Na akala ko hanggang pangarap lang ang maging akin siya, pero ngayon eto, katabi ko na ang taong nagpapasaya sakin dati, ngayon at habang buhay. Alam ko kaya namin to, kakayanin naming dahil mahal namin ang isa’t isa. Napangiti na lang ako kasi ang lakas ko pala kay God, hindi nya muna binigay ang hiling ko dahil alam nya kung kelan ang tamang panahon. At ito na ang tamang panahon para sakin at sa amin. Kaya iingatan ko tong relasyon na to dahil alam ko panghabang buhay na kami magkakasama.

Paalala: pwedeng magkatotoo ang mga pangarap basta maniwala lang kayo.

ate noemi - lovestruck contest

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Wednesday, February 20, 2008

Philippine Nursing Board Exam Results for December 2007

December 2007 will be out today and it will be publish tomorrow morning on the newspaper.

for more information just visit PINOYBSN, PINOY R.N. or REYNA ELENA'S site.

goodluck to everybody. Godbless.


Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

are you a dneero reseller?

Sunday, February 17, 2008

social climbing logo contest ni reyna elena

sabi nga ni buraot, mahirap bumoto kasi lahat kaibigan mo. baka kasi magkaselosan. hehe. kaya nga lang baka naman magtampo sakin ang mga kasali dahil hindi ako bumoto. ang hirap. haha. kaya eto na ang aking iboboto para sa social climbing logo contest ni reyna elena.




1. ang entry ni itot na 100% Batangueno daw, kuh maniwala. ahahaha. naku siya ang pinakaunang taong nakilala ko sa blog world at dahil jan iboboto kita number 1. hehehe. apir! at type ko yung kulay ng buhok nung logo at ang sosyal kasi naka laptop.. haha. at eto pa bibigyan nya daw ako ng dot.com... hahaha.. dapat totoo yan, mahirap ako paasahin. haha..


2. ang entry ni ambo ng pinoyambisyoso. gusto ko siya kasi world peace ang naiisip ko. at ang cute ng crown. hihihi..



3. ang entry ni chuvaness, ang sosyal na stilettos.


4. ay kay kotseng kuba, malakas ang dating ng logo na yan sa akin. pero kasi pareho kami ng tinggin ni buraot, parang engkanto at engkantada ang nakalagay.. hihi..


5. kay chuvaness ulit, ayaw ko kasi kay paris hilton, gusto ko lang kayamanan nya. hahaha

Friday, February 15, 2008

valentines day with dhie


pag-gising ko kanina, parang ordinaryong araw lang. naghilamos, nagtoothbrush at kumain ng almusal at naligo, tapos syempre adik, nagcomputer ako at nag-online. maya-maya, may kumatok sa aming tahanan, aba ang boyfriend/dhie ko pala iyon. nagulat ako, pero syempre galit, deadma lang ako. sabi nya papasok lang daw nya sa garahe ang kotse nya. mamaya, may dalang bouquet of roses ang dhie. nagulat ako pero hindi ko pinahalata, kasi nga galit ako. haha. pakipot effect pa. haha. valentines nga pala ngayon. haha. alam ko naasar na siya, kaya tinigil ko na ang pagco-computer ko at nanood na lang ng tv. hehe.



ayan yung bouquet of roses. hihi. thank you dhie.


at eto si dhie at ako. ang panget naming dalawa. haha.


ayun, kaya pala nagalit ang loko ay dahil gusto sumama sa bonding namin ng tropang metal, bakit daw hindi ko siya niyaya. haha. kaya pala ganun na lang reaksyon nya. hehe. at may suprise pala dapat siya sakin. ito ay MAGPI-PICNIC KAMI SA TAGAYTAY. e mukha daw wala akong kabalak-balak umalis kaya hindi na kami tumuloy. akalain mo, nageffort talaga siya para sakin. ang sweet. hehe. bati na kami. at ayun umalis kami at bumili ng paborito naming pagkain, LAY'S hehe. tapos punta na kami sa Saint Augustine School (SAS) dahil foundation day at coronation night ngayon. syempre madaming may dala ng bouquet at hindi ako kasali dun dahil iniwan ko sa bahay ung bouquet. hehe. ayun, sa lakas ng trip ko binilang ko lahat ng may mga dalang bouquet, ang dami e, di ko na rin tinapos bilangin

wala akong masyadong nakitang kabatch ko at kakilala, kaunti lang, siguro nakipagdate. haha. at nagulat ako, may nakita ako, c ALCHIE, siya yung dahilan at muntik na kaming magbreak ni dhie, e wala pa kaming one week nun. haha. share ko lang naman. ayun, tinanong nya ako kung boyfriend ko kasama ko, sabi ko "oo" kasi yun ang totoo, alam mo namang magpacute pa ako, ayun papansin ang loko, oo, gwapo ka na, pero ang puso ko si dhie lang ang laman. haha. *lupit* um, okay, past is past. let's move on.

masaya ang valentines day basta kasama ang special someone mo. masaya kahit walang gastos. basta quality time at enjoy lang sa buhay. hehe.

ikaw? ano ginawa mo ngayong araw na ito?


P.S.

ikaw dhie, alam ko binabasa mo ang mga blog entry ko, ahaha. salamat sa bouquet and salamat sa pagdating mo sa buhay ko. malandi man ako, yung puso ko sayong sayo lang. yihee, kinikilig. malandi ka dhie. iloveyou mwah!

Thursday, February 14, 2008

all about dreams

dreams are thoughts and feelings experience will sleeping.

happy 2nd year anniversary TROPANG METAL




what: 2nd year anniversary "TROPANG METAL"
where: bluewave macapagal, roxas blvd. Pasay city
when: February 13, 2008

kami ang tropang metal, mahal namin ang isa't isa. ang mga konyo bawal. haha. ako lang pede. hehe.

sobrang enjoy talaga pag kasama mo ang mga kaibigan mo, kwentuhan, asaran at biruan. grabe ang tagal na rin namin nagkakasama. dati colt 45 lang iniinom nila dahil walang pera at nagtitipid, aba ngayon red horse in can. big time na. syempre late ang papogi na si justin. siya ang mayaman ngayon dahil nagttrabaho siya sa call center. syempre kuripot. hindi nanlibre. ako pa na dakilangtambay ang nanlibre sa kanila at si macy. hehe. namiss ko tong mga to, mahal ko yan. hindi ko rin sila pagpapalit. sa hirap at ginhawa kaming mga metal sama-sama.


happy hearts day. apir!

Tuesday, February 12, 2008

Mga butil ng luha



Tuwing naiisip ko na sila ay namaalam,

Hindi ko mapigilan ang aking mga mata na lumuha.

Lungkot ang aking nadarama sa kanilang paglisan.

Luha ang katumbas ng kalungkutang aking nadarama.




Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Sunday, February 10, 2008

Cosmopolitan newest cover girl


nung bata ba ako, pangarap ko na maging model chenelin. pero dahil sa hindi ako kagandahan dati.. wahahahahaha. walang nakakadiscover sakin. hehehe. buti na lang may website na ang tawag at MagMyPic.com at salamat kay Reyna Elena sa tag na ito, natupad na din ang pangarap ko na maging cover ng isang sikat at paborito kong magazine ang cosmopolitan. at dahil tinag ako ni madam reyna elena, kayo naman ang itatag ko. tag tag tag. hehehe.

sila ang maswerteng itatag ko. apir!
  1. noime
  2. ayienne
  3. marga
  4. buraot
  5. twinkletoe
  6. scottyprincess
  7. moira
  8. karmi
  9. wildcat

Saturday, February 9, 2008

You like ... Ok, well sure

week 95

SA MGA KATAMBAYAN KO AT MGA KAIBIGAN KO, MARAMING SALAMAT, KUNG HINDI DAHIL SA INYO HINDI AKO MANANALO SA FILIPINO BLOG OF THE WEEK (WEEK 94) NI TALKSMART. SOBRANG MASAYA PO AKO. MARAMI AKO NAKILALA AT MARAMI AKO NAGING KAIBIGAN. MARAMING SALAMAT PO TALAGA.. MWAH!


GOT NOMINATED AGAIN FOR
FILIPINO BLOG OF THE WEEK (WEEK 95).
TO MY FELLOW BLOG FRIENDS.

PLEASE VOTE FOR MY BLOG

DAKILANGTAMBAY.

ONE VOTE PER DAY.

THANK YOU SO MUCH!


Which Filipino blog would you like to be featured for week 95? [please read new rules]
dakilangtambay
madilimkasaysayan
thepipelinefixation
paintmehappysmile
honeylabscotty
lovingtweety
elaine.renable
klitorika
babydeeanne
onlinememorylane
Thanks Pollhost

my first award from talksmart


my first blog award from talksmart.. hay so very happy na meron na ako nito. hindi ko expected, kasi naman wala pa ako one month na nagbblog at ayun, nanominate na ako agad. sobrang saya talaga. hihi.. sa mga katropa, kaibigan, katambayan at sa mga magiging kaibigan ko pa *alam nyo na kung sino kayo*, maraming salamat sa walang sawang pagboto nyo sa aking tambayan, ang dakilangtambay. sobrang naappreciate ko talaga ang effort nyo na bumoto sakin.. maraming salamat po talaga. nakakaiyak. hehehe. apir tayo.

Friday, February 8, 2008

All about scandals


A scandal is a widely publicized incident involving evidences of wrong-doing, disgrace and gossips. It may be based on reality, or products of false evidences or both.




resources:

wikepedia
merriam webster

Thursday, February 7, 2008

Valentines tag



thank you so much sis avee for the wonderful award. i really appreciate it.

and i would like to share this award to bk, pepe, noime, ayienne, moira, marga, kat and apple






Tuesday, February 5, 2008

para sayo

Ngayong Araw ng mga Puso, marami ang nag-iipon para pang-date ng mga magsing-irog, nag-papareserve sa mga fine dinning na restaurant at maraming nagpupunta sa motel para i-celebrate ang espesyal na araw to. Pero bakit kelangan pa gumastos, samantalang pede naman sa bahay na lang kayo o kumain sa mcdo mas tipid pa diba? Kelangan pa paghandaan. Siguro eto na kasi ang nakasanayan ng mga tao. Dati nga may Lovapalooza pa sa may Mall of Asia, syempre hindi ako nakapunta dahil wala naman ako kapartner nun, mukha naman akong tanga kung nakatingin lang ako sa mga nagkikiss dun, diba? Hahaha.


Wala lagi akong ka-date tuwing Araw ng mga Puso, actually buong buhay ko dito sa earth, wala akong kadate tuwing Araw ng mga Puso. Hindi kasi ako ligawin na bata, walang nanliligaw sakin. Bilang na bilang ng aking mga daliri kung ilan lang sila. Ewan ko kung nakakatakot ba ako, kung panget ba ako o kung tomboy ba ako at walang nanliligaw sakin dati? Hahaha. Nagkaroon nga ako ng boyfriend dati pero hindi naman umabot sa February 14, napakamalas, akala ko magkakadate na ako sa araw na ito, mali pala ako. Ok, past is past. Baka nababasa nya pa ito. Apir tayo kutong-lupa. Hahaha. Peace tayo.


Kayo may balak na ba kayo para sa darating na Araw ng mga Puso? Ako wala, hayaan ko nang magplano ang aking irog. Pero may tanong ako, kelangan ba laging lalaki ang magpaplano para sa darating na Araw ng mga Puso? Kinukulit nya kasi ako, ang sabi ko sa kanya gusto ko masuprise at dapat lalaki ang magpaplano nyan. Sabi ko nga sa kanya matulog na lang kami para walang gastos. Hahaha. Diba? Hahaha.


Bouquet of flowers. Pangarap ko makatanggap nun. Dahil sa totoo lang isang beses pa lang ako nabigyan ng bouquet at kelan pa yun, nung 2003. grabeng katagal na nun. Nakakatanggap naman ako ng flowers pero pa-isa isa lang. katulad ng binigay ng TROPANG METAL sakin nung 3rd year college ako, dahil muse nila ako, with chocolates and flowers pa yun. yun na ang huling beses na nakatanggap ako ng ganun. Pero syempre wala pa rin ako date nun. Dapat nga sumali na lang ako sa dating challenge dahil ang makakapartner ko dun ay ang Bestfriend ko na pogi. Hahaha. Sayang, sinasali pa naman nila ako. Hahaha. Ok lang pwede ko pa naman siya makadate kahit kelan. Haha. Joke lang. *jokes are half meant* hihi.

sila ang tropang metal at mahal ko sila



So anong balak ko ngayong Araw ng mga Puso? Actually wala. Come what may. Pag sinipag ako, gagala akong mag-isa at mag-kakape sa starbucks sa MOA, kung may plano man ang irog ko depende pa kung papayag ang aking Mother Superiora, at matutulog na lang at tatapusin ang araw na ito. Kayo? Anong balak nyo sa darating na Araw ng mga Puso? Tara tulog. Haha.

Saturday, February 2, 2008

another nomination for 94th filipino blog of the week

GOT NOMINATED AGAIN FOR FILIPINO BLOG OF THE WEEK (WEEK 94). TO MY FELLOW BLOG FRIENDS PLEASE VOTE FOR MY BLOG DAKILANG TAMBAY.. THANK YOU SO MUCH!



Vote Now!



Which Filipino blog would you like to be featured for week 94? [please read new rules]
raqmitch
nicotinesworld
honeylabscotty
dakilangtambay
madilimkasaysayan
thepipelinefixation
paintmehappysmile
barefootalchemist
pinayintheus
gorgeousmum
Thanks Pollhost



Five star blog award

bakit lima lang pede.. ampeyr.. hihi

Hi guys this is my first award from Deeanne Thank you for the wonderful award that you gave me.

copy and paste starting here




This 5-Star Blog Award is given to a blogger whose blog is of highest classification.
A blog of excellence in the following criteria:
- content, design and style, informative and accomodating -

I would like to give this award to the following:
Noime, Ayiene, Eynah, Moira, Kat

Keep up the good work!
Hope you guys will like it.