Saturday, April 26, 2008

lisensya

Ala-una, iyon ang oras na umalis kami dito sa bahay para pumunta sa LTO at kumuha ng driver’s license. Napakainit ng panahon ngayon, tulo ng tulo ang pawis ko. Gusto ko ulit maligo kahit kaliligo ko lang. napakadaya nga ng panahon, naulan daw sa Manila, samantalang dito sa Cavite ubod ng init. Tapos nagugutom pa ako, masarap ang pancit canton. Mamaya makakain pag-uwi sa bahay.

Naka-kotse kami pero sa tito ko iyon. Yung kotse na gamit naming ay kailangan pang buksan ng driver para makalabas kami dahil sira na ang pinto nito. Hindi ka makakalabas pag hindi binuksan ng driver. Ganyang kaganda ang unique na kotse na pinahiram samin.feeling reyna ka kasi pagbubuksan ka pa ng driver. Hindi ko alam ang dami dami naman nilang kotse, ang pinahiram sa amin ang unique na kotse na ito. Tae talaga, bakit sila may kotse samantalang kami wala. Inggetera na naman ako. Bad iyon mia. Pero sana man lang bigyan kami ng kaunti nilang biyaya at ibigay nila ang isa sa mga sasakyan nila. Sabi nga sa Simbahan “Share your blessings”. Kailan kaya mangyayari iyon. Shet talaga.

Nakarating na kami sa LTO. Pawisan na naman ako pero hindi naman ako maasim. Mabango pa rin ako parang bagong ligo pero talagang mainit. Made-dehydrate talaga ako sa panahon ngayon at malala baka mahimatay na naman ako. Buti na lang mahal ako ni Lord hindi naman ako nahimatay.


Ang daming pila sa LTO. Asa naman ako nauubusan ng pila sa LTO. At infairness maraming sasakyan ang mga Caviteno, puro nga lang motor. kasi mas mura at convenient ang motor sa traffic, bagay na bagay sa mga laging nalalate. Pero ang disadvantages din naman ang motor, ito yung tipong ang buo mong katawan at mukha ay parang may powder kaso hindi baby powder kundi alikabok, mangingitim ka pa at ang malala prone pa sa aksidente ang motor. Talsik ka talaga pag hindi ka nag-ingat sa pagmamaneho. Dehado ka kasi ikaw ang tatalsik pag nadali ka ng malalaking sasakyan.

Anong oras na? Daisy-siete na ang palabas, hindi pa rin ako tapos. Nakakainip at nakakagutom pa. sana matapos na ako.

Sortijas, Mia Irish, Window 4.

Ayan, magbabayad na ako sa cashier para sa license ko. Antay ko na lang yung sa window 7 para picture-an ako. Paano kaya ang ngiti ko? Labas ang teeth o hindi?

Sortijas, Mia Irish, Window 7. tingin ka lang sa camera at smile.

Shet, natatawa ako, pigil sa tawa Mia. Panget ka sa lisensya mo, sige ka mukha kang tanga. *smile*

Pirma ka na lang dyan sa pad.

Naalala ko na naman tong pirmahan na ito. Nung kumuha kasi ako ng student license sa Cavite City, finger print ang ginawa ko kesa sa pirma ko. Aba malay ko ba, wala pa naman ako kamuwang muwang sa mundo nun. Katanga ko talaga dati.

Okay na po na? saan na po yung sunod? -MIA
Dun na sa Window 9, kunin mo na yung temporary I.D. mo.
Salamat po. - MIA

Pumunta na ako sa Window 9 at nakuha na ang temporary I.D. ko at limang buwan pa bago ko makuha ang permanent I.D. ko. Ang tagal. Kaasar. Mas gusto ko yung matigas na I.D. parang professional kasi talaga.

Ayan tapos na ako. Yehey makakauwi na ako at kakain ulit dahil gugutom na naman ako. Sabi ni nanay bakit daw ang bait nung nasa Window 7 na lalaki, e ang sungit daw nun. Nagandahan daw sakin. Di na lang ako nagreact, deadma ika nga. Baka sabihan pa ako na filingera, pero deep inside tuwang tuwa at nasabihan na maganda. Kapalera talaga ako.

Nakauwi na kami sa bahay. Sarap maligo ulit pero kakain muna ako ng Pancit Canton.

Naku Mia Irish tataba ka na naman nyan e. - NANAY

Okay lang yan, bukas magdidiet na ako ulit. Promise yun. Sabay subo ng pancit canton na lalong mas masarap pag gutom na gutom ka na.

PS.

Birthday nga pala ng mahal kong INA.

happy birthday nanay. matanda ka na pero cool ka pa rin! i love you mahal kong nanay! mwah.


35 comments:

wanderingcommuter said...

huwaw!!! may lisensya ka na?! ako ngayon lang din kukuha...baka next week...kapag sinipag na ako. congrats!

Anonymous said...

Ayun! Nag-update din sa wakas. Haha
Don't worry ate mia, pag nagttrabaho ka na, hindi mo na kailangan humingi ng kotse.. pipila ang mga car dealers sayo sa yaman mo! Nyahaha
Ang dami palang windows sa LTO bago mo makuha ang temporary ID? Limang buwan bago yun permanent? Ayos ah.

Miss na kita!!

-JanelleRegina

xienahgirl said...

hanep sa lright
may drayber na kami
hahaha

go. go. go.
related na related
kay coldman?
wahahaha

Abad said...

Mia daig mo pa ako, hindi ako marunong magdrive.

joice said...

wow! congrats naman at pagkatapos ng matinding pawis ay may lisensya ka na.

happy birthday sa nanay mo! ate ko din birthday nya:)

Mel said...

gusto ko na magkaroon ng lisensya, pero sana may magtuo muna sken mag maneho ng sasakyan at sana may magmagandang loob na bilhan ako ng honda jazz na sobrang peborit ko, haha!

awww, namimiss ko na din ang makulit kong nanay, wala na kasi nagiisnpection sken at ng mga gamit ko pag tulog ako hahaha!

komski kuno said...

huwaw, lisenya:) ako kaya, gusto ko rin ng sasakyan, hehehe. Pero hindi ako marunong magmaneho e, paano kaya yun?

FerBert said...

hahaha.. gagawin mo pa bang driver si coldman? hahaha

ayos yan! para pag gumimik ulet tayo eh gawin ka naming driver.. bwahahahaha...

happy bday nga pala sa nanay mo.. weee!

misyumiatot! :P

Dakilang Tambay said...

@wanderingcommuter - ahaaha! may lisensya nga, motor lang naman kaya kong idrive.. hahaha

@ janelle- ahahahahaha.. :) oo nga e. sana yumaman na ako.. hehehe.. :) kakapagod kumuha ng lisensya :) mis you too..

@ xienahgirl - ahahaha! sige iddrive ko motor ha.. hehehehe :) ay oo nga noH? related, di ko sadya yun.. hahaha!

Dakilang Tambay said...

@abad - marunong akong magdrive ng motor. yun lang. hahaha!

@ joice- namiss kita sobra! :) oo nga e.. salamat at may lisensya na.. hehehe.. happy birthday din sa ate mo! :)

@mel- ako nga tuturuan ni boylet para hindi ako masigawan.. hahaha.. gusto ko din ng honda jazz katulad.. kulay red.. hehehe.. :) sarap ng may nanay talaga

Dakilang Tambay said...

@komski - paapturo tayong magdrive dahil motor lang ang kaya kong idrive.. hahaha! pero nakapagtry na ako magdrive papunta sa tagaytay .. hehe

@ ferbert- oo driver ko si coldman :) motor lang kaya kong idrive.. hehehe! salamat sa pagbati.. :) miss you too

cedeux said...

nakow, sayo na lng ako makikisakay ha.
pero meron naman pede lapitan sa LTO e, sana sinabi mo sakin. hahahah

makikisakay na lng ako sau pag nagtagaytay tau! weeeeeeee!

kurisujae said...

ung lisensya ko student n nga lang na-expire pa. waaaah!

nways, HAPPY BIRTHDAY KAY MOMMY! :D

Pinoy Teens said...

Bloghopping!
We're from Pinoy Teens Online,
care to link exchange po? Visit:
Link Exchange Post

Don't forget to add a comment if you care to link exchange, and add nyo kami sa blog roll,
we'll add you also in a moment^^,)
Sana papayag kayo !!
GB!-pinoy teens
PS: sa mga ibang nagbabasa nito, pde rin teo link ex^^,) comment lang sa amin

Vera said...

pancit canton.. yan ang bagong "tuyo" ng pilipino. sa susunod, yan na ang bagong "kanin".

RJ said...

congrats sa bagong lisensya. road trip na!! hehehe

kaso ang mahal ng gas, php48 na! huhuhu

linglingbells said...

haberday sa mami mo!! masarap talaga ang pancit canton kaya di kita masisisi kung mapapadami ang kain mo nun.. hehe!

The Gasoline Dude said...

Bagong lisensya? Ibig sabihin, bagong kotse?! WOOT WOOT! Pasakay! = P

Akinol said...

See Please Here

dyosa said...

nax, malupit pala byuti mo sa mga taga-LTO. :-)

maligayang kaarawan sa Inay mo. ingats!

Tisay said...

wow! congrats! pwede ka ng mag-drive. ahihi! exciting naman para syo. ahaha!!

una akong nag-drive ng walang lisensya, umakyat yung car sa sidewalk. ahahah! hanggang ngayon naghihintay pa rin akong magka-lisensya. lalang.

mwah! haberday sa mami mo. rawr, coincidentally, habang binabasa ko to kumakain din ako ng pancit, pero bihon nga lang. ahihihi!

mnel said...

mia! fingerprint! ahahaha. natawa ako dun ah. hehe.

ako nga, pangit sa lisensya ko. di kasi ako nakatingin dun sa camera. aba. malay ko bang kukunan na pala ako ng picture? =P

happy bday sa nanay mo.

bday ng kapatid ko nung 26. haha. sharing lang.

lunes said...

hapiBDAY nanay!!

makisegway mia:
@mnel - bday rin ng kapatid ko nung 26.wehehe.wala lang.

Mia uli..

alam mo ba na panget talaga ang mga camera sa LTO. wehehe..kaya hindi natin kasalanan kung hindi kagandahan tau sa pix.

drive na drive ka na mia?? wehehe..

MiA said...

Haha! Wow may Driver's licence ka na! =)

Anonymous said...

ayy anu ba yan....

hilig magblog....

kaya mataas kuryente eh....

cge goodluck sa yo... at umuwi ka na 10 o' clock na nasa seminar ka pa!

hmmp!

-ang kapatid mo.......
zephyrdragon211

karmi said...

wow, buti ka pa may lisensya na. :D samantalang ako, takot pa ding magmaneho.. hehehe..

wow, pancit canton. kakamiss. :D

belated happy birthday kay nanay.. ^_^

gasti said...

napakahirap talaga kumuha ng lintsak na drivers license na yan lalo na kung dito ka sa manila kukuha. sangkatutak ang fixers. buti napagtiisan mo at nakuha mo pang ngumiti. baka nga natipuhan ka nung window boy. usually sa girls lang naman mababait mga yun eh.

congrats sa pagkakakuha mo ng lisensya. non-pro ba yan? ako kasi nakuha ko agad yung id same day nung nag apply ako eh!

kadeteng civies said...

ng-update na..buti ka pa ngkakagana mg-update ulit...pa-x link po d2 pede? salamat po..

mapi said...

wee! happy birthday to your nanay! i miss you and congrats sa license mo. hehe. be a good driver. :D

Saminella said...

Oo. kasumpa-sumpa ang pagpila sa LTO.




















or shud i say sa kahit anong ahensya ng gobyerno. nyaknyak

Ishna Probinsyana said...

Mia!! I missed you and your blogs! :)

Wow. may lisensya ka na. Inggit ako. Haha. Pinag-aaral ako magdrive, pero sabi ko, kotse muna before drivin lessons. HAHA.

Grabe, namiss ko yung pagbabasa ng blog mo. iba talaga! Yung pancit canton, forever masarap yan. ang hiratanggihan! :)

ingat sa pagddrive! wuhoo. :D

the donG said...

Sabi ni nanay bakit daw ang bait nung nasa Window 7 na lalaki, e ang sungit daw nun. Nagandahan daw sakin. Di na lang ako nagreact, deadma ika nga. Baka sabihan pa ako na filingera, pero deep inside tuwang tuwa at nasabihan na maganda. Kapalera talaga ako.
>>> totoo talaga to. bumabait ang mga lalaki sa mga maganda at sa mga magaling magluto.

Coldman said...

pwedeng pwede ka na palang gumala at may lisensya ka na!

Congrats!

Sorry at ngayong lang nakadalaw, at leaast balik na ako sa pagiging normal! =)

Duroy said...

Dun ka na lang sa Las Piñas magparenew next time hehehe.

Teka, ano kinuha mo, student permit, non-pro o pro?

Islander said...

hay nakers. panirang puri yang lintek na LTO. buhay pa mga empleyado pero sinusunog na sa hell. wahehe!