Tuesday, May 20, 2008

one sweet day


una tayong nagkakilala nung nagkaroon ng teatro dito sa atin . nakita kita- gwapo, moreno at matangkad. alam ko hindi mo ako papansinin nun dahil hindi ako maganda, mataba pa ako nun. kaya binalewala ko na lang ang paghanga ko sayo. masaya na akong nakikita kita sa malayo habang masaya ka nakikipag-usap sa iba.

hanggang sa nagkaroon ng meeting nun para sa performance natin sa Simbang gabi. katabi kita nun. dun tayo unang nagkakilala. mas mabait ka pala sa personal. lagi ka nakangiti. kumakanta ka nun habang nakikinig ako at minsan sumasabay pa ako sa pagkanta mo. naaalala ko yung kinanta mo, one sweet day ni mariah carey at boyz 2 men. tinandaan ko yung kanta na yun. after ng meeting kinuha mo ang cell number ko at dun na nagsimula ang lahat. akalain mo napansin mo pa ako nun. higit na mas madaming maganda kesa sa akin nun.

One Sweet Day - Mariah Carey & Boyz II Men

nag-uumpisa na ang praktis natin para sa Simbang Gabi. natawa ako sayo noon kasi gusto mo lagi tayo magkasama nun sa groupings. ayun na nga magkasama tayo lahat sa groupings dahil sa kagagawan mo pero syempre kinilig ako nun. tapos magkatabi pa tayo nun sa upuan. una para lang tayo naglalaro yung palakpakan ba. tapos maya maya hinawakan mo na ang kamay ko. shet, unang holding hands ko to. 14 years bago nahawakan ang kamay ko ng taong crush ko. pinakamemorable na moment para sa akin yun. sana hindi na matapos ang gabi na to.

masaya ako kasi alam ko na special ako para sayo. *feelingera man ang dating, pero yun ang naffeel ko ng sandali na iyon.* pero masakit ang ginawa mo ng nalaman ko na pinopormahan mo ang tropa ko. nasaktan ako ng sobra, pero hindi ko iyon pinahalata. habang nakikita ko kayo na magkasama wala ako magawa nun. siguro maging masaya na lang din ako kasi alam ko masaya kayo.

tinatry ko na kalimutan ka pero hindi ko iyon magawa. may mga sandali na magkasama pa rin tayo pero iwas na ako dahil ayoko nang mas masaktan dahil sayo.

nagkahiwalay kayo ng kaibigan ko pero hindi na talaga nabalik ang nakaraan para sa ating dalawa. masaya na rin ako kasi kaibigan pa rin kita. marami ako natutunan dahil sayo.

masaya ako kasi nakilala kita. masaya ako kasi magkaibigan pa rin tayo hanggang ngayon at masaya ako kasi naging parte ka ng buhay ko.

45 comments:

mnel said...

unrequited love. tsk.

marami din akong istorya niyan. =P

sabi ko nga. past is past.

here comes the better days.

my-so-called-Quest said...

peborit ko yang kantang yan!
lalo na ang version na yan.

kilala ko ba yang nasa kwento mo?
sabihn ko ang engot nya... period!
hehehe

ingats mk!

Tisay said...

hay mia, ang kupal naman nun, sa ganda mong yan nagawa pa nya pormahan ang tropa mo. kahit siguro mataba ka maganda ka pa rin, magaganda mga malaman at curvacious na mga girlaloo! hahah! apir tayo. rawr.

kalimutan mo na yang one sweet day, mas maganda yung always be my baby. hahah!

hearts and kisses!

coldman said...

ba't emo ka?

at ang lungot ng kanta.

smile ka na dito lang kami. =)

samjuan said...

Naganyan na din ako.
=)
kaya ismayl ka na lang jan.
Ika nga nila, hindi ikaw nag nawalan, siya!

Ishna Probinsyana said...

ano ba yaan. kilig kiligan na ako nung una, tapos, badtrip pala sa huli. haha.

pero okay lang, friends naman pala kayo eh. :)

Dra. Rio said...

oops! parang ganyan din yung kwento ko dati ah..may kwento ako nyan sa post ko..yung shawarma ang title..
hay...ganyan tlga ang love..hindi naman kasi pwedeng piliin kung sino ang taong gusto mong magmahal sa iyo e..
buti nalang friends pa din kayo nung guy=)
darating din sau ang guy na mas ok=)

Taong Grasa said...

Astig po itong blog mo =) mejo newbie lang po okz lang po pa-link =)

kurisujae said...

aaaaay.... :(

> Vanny said...

awww. its ok. just mingle.. ^_^

anyway, bloghoppin. hope to see you in my blog! ;)

Dakilang Tambay said...

@mnel- oo nga e.. ako sobrang dami. balak ko nga ganun na lang gawin kong update e. haha :)

@mk- ako din peborit ko yan.. naku mk mukhang di mo siya kilala pero taga tanza rin siya :)

Dakilang Tambay said...

@tisay- apir tayo dyan.. kupal talaga un.. hahaha.. apir! always be my baby pa rin peborit ko :) miss you..

@coldman- ah naalala ko lang siya :) hayaan mo nagssmile na ako ngayon. lam ko naman nandyan kayo palagi para sakin!

Dakilang Tambay said...

@samjuan-oo nga siya nawalan. belat sa kanya. haha

@ishna- oo nga kakakilig talaga nung una kaso ayun nga.. :) hehe.. oo malandi pa rin siya hanggang ngayon e. haha

Dakilang Tambay said...

@dra.rio- talga? magbaback read nga ako..:) hehehe.. oo nga e.. actually dumating na siya., naishare ko lang sainyo ang lab story ko dati. haha

@taong grasa- sureness. :) link din kita..

Dakilang Tambay said...

@kurisujae-wag ka na malungkot. hehe

@vanny- salamat sa pagdaan sa blog ko po!

cedeux said...

taga tanza sya? ang hina nya kamo! alis na sya dito! ahehehehe

beero said...

haha. yun pala theme song nyo. hehe.

Jonas said...

ouch ang sweet naman hehe :p

ako theme song naman ang walang kamatayang

Always be my baby ^^, V

Dakilang Tambay said...

@ced/mk - oo taga tanza siya. ang hina nya talaga. bawal siya dito sa tanza.. alis alis.. hahaha

@beero-oo theme song namin. hindi naman naging kami. ahahaha

Dakilang Tambay said...

@jonas-hahaha.. yun n ang paborito ko ngayon. always be my baby. haha

Toilet Thoughts said...

ang kulet naman ng first holding hands... at naalala mo pa un??? hehe.

Uy, favor naman po, pagreet naman po si me-an ng http://dailymishaps.blogspot.com/ hehe. blockmate ko kasi nakalimutan ko i-greet. :)

redlan said...

nakakakilig naman ang post mo mia. hehehe. nagsimula sa nine mornings at hanggang ngayon magkaibigan pa rin.

do u belive in destiny? hehehe

the donG said...

good at least you kept the friendship. i also have an ex girlfriend who is now married to someone but we are still good friends.

Mel said...

ay sori hehe, trip ko pa rin ang kanta na yun hanggang ngeon! hekhek!

Ambo said...

Ganun talaga ang pag-ibig maraming kababalaghan parang horror. Maraming katatawanan parang komedy, maraming iyakan parang drama, maraming pakikipaglaban parang action. Samakatuwid ang pag-ibig parang pelikula eh. Tara inom tayo! hehehehe

jep said...

arrrr... kaazar naman un.. tropa pa eh no... kung kelan naman nars ka na.. isipin mo kawalan niya un ahaha.. pambihira uhmmm joke lang un.. naku, tell me more about how you feel... siguro karir muna tau.. yan ang pinagkakaabalahan ng mga single ngaun eh.. pero i feel bad sa nangyari sau..

mnel said...

oist. mabasa to ni dhie. =P

Muskitero said...

sakit naman nun. buti ikaw kaya mong maging friends pa rin kayo. ako, pag ganun, todo ampalaya mode. lol.

thanx for visiting my blog btw. mejo bare pa nga lang siya. hehe. im still learning how to use it. =P

chroneicon said...

sosmaryosep! ang lungkot naman... ganyan talaga buhay. minsan ikaw minsan siya...

Belen said...

be happy, you're still young

lunes said...

aaaw. mga kwentong ganyan. naku, nakakatakot balikan.

enjoy ka na ki dhie mia..

ako namn eenjoyin si nate.wehehe.

ok ba???

lica said...

May ganung tao din sa buhay ko, as in pareho yung nangyari, pero di ko nalang iniisip yung nakaraan kasi mahirap ng bumalik sa mga panahong yun, sobrang ouch kasi kahit matagal na at nakapagmove on nako.

wanderingcommuter said...

huwaw, linalanggam na ako...ang sweet!

The Gasoline Dude said...

Ingatan mo ang puso mo. *grin*

linglingbells said...

first love mo ba siya??

Dakilang Tambay said...

@toilet thoughts - oo naman alam ko pa nga date nun e. hehehe.. :)

@redlan- oo naman.. iba talaga pag chinerish mo yung friendships nyo e

Dakilang Tambay said...

@ the dong- oo ng e.. sobrang masaya pag friends pa rin kayo ng ex-chuvaneknek mo..

@mel- ako din e. sobrang ganda ng song noh?

Dakilang Tambay said...

@ambo- haha. galing talaga ni ambo o.. :) nku libre mo yung inom? hehe

@jep - naku dating kwento na yan.. nishare ko lang sainyo.. :) hindi ako single :)

Dakilang Tambay said...

@mnel- naku nabasa na nya. alam naman nya tong storya na to. hehe..

@muskitero- ampalaya mode ako dati pero nakamove on na ako :) ok lang yan. basta if you need help dito lang kami.

Dakilang Tambay said...

@chroneicon-oo nga e. malungkot pero kasama ng saya lagi ang lungkot. hehe

@belen-opo nga po. past na po yan,:)

Dakilang Tambay said...

@lunes- oo nga e. pero pede ba makishare kay nate? hehe :)

@lica- ako din e. pero minsan kasi masarap balik balikan ang nakaraan. kasi alam mo naman sa sarili mo na nakamove on ka na :)

Dakilang Tambay said...

@wanderingcommuter- hehe.. sweet ba?

@gasolinedude- lagi ko naman po siya iniingatan

Dakilang Tambay said...

@linglingbells-parang first love ko na din po.. iba pa yung first crush. hehe

jep said...

natatanga na naman ako.. si dhie ba ung asa storya mo? o iba pa? pasensya ndi ako makarelate eh.. huhu..

Mel said...

haha, at dahil inggitero ako try ko rin magpost ng blog na title ng kanta ang title(nanaman!?)

apir mia!