mas lalo pa kita minahal
Nanood ako kanina ng American Idol, syempre alam nyo na kung sino ang pinanood ko. si David Cook na naman. Tinatanong pa ba iyon, syempre hindi na.
Narinig ko na naman ang boses nya. Syempre ang lola nyo kinilig na naman. Malandi na naman ako. Pero pramis kinikilig talaga ako with matching tulala face pag napapanood ko siya. hahaha.
tatlo ang kinanta nila ngayon.
Unang kinanta ni David Cook ay ang 1971 First Time Ever I Saw Your Face by Roberta Flack. Grabe nung kinanta nya yun, feeling ko ako ang kinakantahan nya talaga. sabihin na natin na pilingera ako pero yun talaga ang naffeel ko. hahaha.
Pangalawa ay yung Switchfoot's Dare You to Move. Naalala ko ang movie na "A Walk to Remember". Wala lang share ko lang po.
At ang huli ay ang Aerosmith's I Don't Want To Miss A Thing. Ang galing nya talaga kasi may sarili siyang style ng pagkanta kaya hindi siya katulad ng original, na-gets nyo ba? hehe :)
Basta david cook forever ako. papakasalan na talaga kita.
Comments
mahal na kita... ( may puso na nag po pop up sa aking mata)..hehe
magaling si david pero david pa rin ako. labo no? hahaha
sana manalo si cook.
ingats mk=] adik ka na naman sa tv! hahah
ginawa ko yung entry ko na lovenote right after that episode. hahaha!!
naglalaway ako pag nakikita ko sa DC. rawr! hahah!
ang galing ko. Hahaha!
he's my bet!!
Maraming salamat pala sa pag-visit sa tambayannibyter.i.ph
sya talaga dapat manalo!!! ^_^ as in.....
pero kung sau sya mapupunta cge i'll give way.... hehehehe
but yeah, magaling nga si david cook!
see new post for details. yikee.
pero mas gusto ko manalo si david archuleta. dahil...
una, feeling ko mas kelangan nya yun.
pangalawa, cook doesn't need the title to make a mark. he already has it. household name na nga eh, and most of his songs sa idol eh playable na sa radio.
pangatlo, ayokong ma-box si david cook as american idol, tapos magagaya lang sya sa mga super duper pop singers kagaya ng mga nakaraang idols kagaya nina clarkson at underwood na pareparehas naman ng music. i mean, kung hindi sya mananalo, mas magreretain yung kakaibang galing nya sa music.
pang-apat, mas bagay kay archuleta ang title, bakit kamo? kase sya yung mas conventional eh, yung tipong di marunong mag-arrange ng sariling kanta, pero magaling yung boses.
magaling si david cook, pero ayoko talaga sya manalo. kung natanggal sya sa top3 sana, baka may label na yun ngayun. oh well, premyo na lang siguro advantage nya kung manalo sya. pero... sobrang kaya na nyang sumikat without the title :)
gets? haha andami kong sinabi. langya.
im sure di ka makatulog.